XIII

23 6 1
                                        

I'm wearing a white fitted mesh blouse ako na may pagka-turtleneck. Yung pambaba ko naman ay pleated skirt na sheer panel cream, midi length.

Bale ang pormahan ko ngayon yung parang mga teacher around 1980's.

Bumaba agad ako pagkatapos kong ayusin yung buhok ko. Sakto namang pagpunta baba ko nandoon sila Ma'am doon sila nakapwesto sa may grand piano.

"Good morning po." pagbati ko.

"Good morning, hija." bati nila sa akin pabalik. "Oh naka-gayak ka, where are you going?" tanong ni Sir sa akin.

"You look so stunning, hija." papuri pa ni Ma'am.

"Uhm.. Wala lang po." grabe! Kaunti na lang talaga lalaki na ng sobra ulo ko HAHAHAHA charot. "Nasaan po si Sir Kelleon, Mr. Mendoza?"

"Ano ka ba, hija?" umangkla yung Mommy ni Kelleon sa kaliwang braso ko. "Napaka-formal mo masyado."

Nakangiti silang pareho sa akin. "Tito at Tita na lang ang itawag mo sa amin."

"Tito Ken and Tita Kelly, will do. It sounds great kapag ikaw ang nagsabi." napakalambing ng Mama nila Sir Kelleon sa totoo lang.

Para siyang Mama ko kaya kahit papaano naiisip ko na lang na kasama ko siya ngayon.

"N-nakakahiya naman po."

"H'wag ka ng mahiya sa amin parang parte ka na rin naman ng pamilya namin."

Lord, bakit parang hindi ko naman po deserve ang ganitong kabait na mga amo? Simula nung una nila akong makita at makasama e hindi na nila akong tinuring na iba.

"You were looking for Kelleon, right? Nasa kwarto siya, nagpapahinga masama daw kasi ang pakiramdam." sagot naman ni Tita.

"Po? Akala ko po may gagawin siya." 'yun kasi yung paalam niya samin kanina.

"Nako! Kagabi pa yun hindi nga nagpapigil sa amin kanina. Gusto niya daw sumama sa inyong magbisikleta."

"Ganun po ba?" they nodded.

"Magliwaliw ka na muna, feel at home anak." the way Mr. Mendoza called me 'anak' makes my heart fluttered. Hangga't maaari pinipigilan ko ang emotion ko.

Nanatili lang akong nakatayo sa gilid nitong piano. Nagpapraktis kasi si Titang tumugtog.

"This is unbelievable!" Halatang nauubusan na ng pasensya si Tita sa pagpipindot.

"Para saan po ba kasi ang pagpapraktis ninyo?" tanong ko.

"Gusto kasi nitong asawa ko na tugtugan ako gamit iyang piano ng Papa niya. Gusto din niyang irecord para naman daw kapag gusto namin e sasayaw kami."

"It takes time po kasi Tita, just be patient lang po." pagpapalakas ko ng loob niya.

"Ikaw ba hija, do you know how to play this kind of stuff?"

Nginitian ko sila at tumango. "Ayun naman pala, honey. Baka pwede mo kaming tugtugan habang nagsasayaw? Kung ayos lang naman sayo." request naman ni Tito.

"Of course, Si-Tito Ken!" bigla naman silang nagtatatalon sa tuwa.

"Hintayin mo kami dito ha? Mag-aayos lang kami." nagmamadali silang pumanhik paitaas patungo sa kwarto nila. Ang cute nilang tingnan.

Dapat pala tinanong ko muna kung ano ang itutugtog ko para naman nakapagpractice ako kahit pa paano.

"Anak! Saglit lang ha, iseset up lang namin 'to." sabi pa ni Tita. Lumapit ako sa kanila para tumulong.

String AttachedWhere stories live. Discover now