X

29 6 5
                                        

Nakahiga ako ngayon sa dalampasigan habang nakatitig sa kalangitan at pinapakinggan ang tunog ng mga alon.

Ganito ang gusto kong pagrerelax. Kasama ang Buwan, Bituin tapos yung dagat na animo'y kinakantahan ako ng mga alon nito.

"Kapag yumaman ako mas pipiliin ko talagang manirahan sa probinsya." nakangiting sabi ko hahang tumititig sa mga bituing nagkikislapan sa itaas.

"Gusto ko countryside tapos malapit sa dagat para damang-dama ko ang kapayapaan sa buhay ko."

Comfort zone ko kasi talaga ang karagatan. Sobra akong natutuwa kapag may pagkakataon akong magpunta sa mga ganitong lugar.

"Bibili ako ng malawak na lupain tapos papatayuan ko ng bahay namin ni Mama." Pangarap din kasi ni Mama yun ang mabuhay ng mapayapa at magkaroon ng sariling bahay.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah." sabi ng isang pamilyar na boses sa akin. "Can I sit beside you?"

Napalingon ako sa gawi niya at nakita kong si Kiel lang pala. "Sure."

Ngayon lang ulit nagpakita sa akin 'to. Hindi ko alam kung saan pumunta kasi hindi naman niya ako sinasagot.

Umupo naman siya agad sa tabi ko. Tahimik lang din siya at hindi nagsasalita.

"I was wondering..." pagputol ko sa katahimikang namamagitan sa amin ngayon. "Kung ngayong gabi pa lang ay napakaganda na nitong pagmasdan. Paano pa kaya kapag umaga na 'no?"

"Mabubusog ang mga mata mo dito." sabi pa niya. "Do you like the view tonight?"

"Yes! Sobra." masayang sagot ko. "Ikaw?"

"Likewise." sabi niya. "I super duper like the view." napalingon ako sa kaniya at nakatitig siya sa akin. Agad naman siyang nag-iwas tingin.

I giggle. "Kaunti pa talaga iisipin kong gusto mo ako." pagbibiro ko sa kaniya.

"Sabi ko naman sayo, go ahead isipin mo lang." he said. "Mag-ooverthink ka lang HAHAHAHA"

"Sira ka talaga!" pabiro ko namang pinalo yung kaliwang braso niya.

"Sayang dapat pala dinala ko yung gitara ko." nahiga na rin siya sa buhanginan pero kalahating dipa ang layo sa akin. "Masarap sa pakiramdam kapag ganun e. Nakakamiss tuloy dati yung ginagawa naming tatlo nung bata pa kami."

"Tatlo? Sobrang close niyo siguro ng Daddy niyo 'no?"

"Close kami pero hindi siya ang tinutukoy ko pft. What I mean is kaming tatlo nila Kelleon."

"Oh-oh? May kapatid ka pa pala." All this time akala ko dalawa lang sila.

"Yes." maikling sagot niya.

"Nasaan siya?" Hindi pwedeng hindi niya ako sagutin kasi baka mag-overthink nga talaga ako kakaisip.

"Nasa Milan, Italy."

"Wow!" iyan agad ang lumabas sa bibig ko. "Siguro maganda siya 'no? You and Sir Kelleon was a good looking guy."

"Makinig ka nga muna. Kung ano ano pinagsasasabi mo." tumawa siya. "Tatlo kami at puro lalaki."

I'm amazed! Trouble maker siguro sila dati HAHAHA lalaki ba naman e ang sakit sa ulo nun.

"Si Kuya Kell ang second child. Mostly diba kapag 2nd child e invisible? Yung parang hangin lang tapos shy types, introverts."

"Hmm?"

"Hindi belong dun si Kuya HAHAHA. Mahilig sa mga party yan. Laman lagi ng bar yan simula nung nagkolehiyo hanggang ngayon. Mahilig siyang makipag-interact sa mga tao."

String AttachedWhere stories live. Discover now