XV

21 5 2
                                        

Tatlong araw na lang kami dito sa Aurora at masasabi kong sa nagdaang oras ay naging ka-close ko yung Amo ko.

For me, he's not strict HAHAHA he just acting to be cool. Tama yung sinabi sa akin ni Kiel nung gabing nakatambay kami sa dalampasigan.

"Prim, ready ka na ba? Aalis na tayo." pagtawag sa akin ng Amo ko. "Papasok ako ha."

"Sir, pwede po bang makisuyo? Hindi ko po kasi makawit yung necklace ko." marunong akong magtanggal pero hindi ako marunong magbalik.

"Sure, amin na." lumapit naman siya at inabot ko sa kaniya yung kwintas. Hinawi ko naman sa pagilid yung buhok ko.

Naka-high waisted jeans ako at denim crop top na jacket and I decided na i-pony tail na lang itong buhok ko.

"All done? Pft." tanong niya pa ulit.

Nginitian ko na lang siya at tumango. "Let's go!" excited na tugon ko.

Pupunta kami sa bahay nang Tito niya. Bibisitahin daw namin bago kami umalis dito sa Aurora.

"Ay wait lang po pala!" pagpigil ko sa kaniya. "Picture po muna tayo." sabi ko at pinapalapit siya sa may salamin.

"Mirror shots?" he asked and I just nodded.

Nakailang picture pa kami bago namin naisipang lumabas. Buti nga hindi na nagagalit 'to e HAHAHA sabay na rin sa trip ko.

"Sasabay daw tayo sa sasakyan nila Mommy." sabi niya pa. "Mauna ka na."

May kukuhanin lang daw siya saglit hindi na ako nag-abala pang hintayin siya. Van ang sasakyan namin ngayon. Kapag kaming dalawa lang naman yung kotse niya ang gamit namin.

"Hello po, Tita at Tito." pagbati ko nung pagbukas ko ng pintuan.

Silang dalawa pa lang ang nandito. Tito Kennedy sitting at the driver seat while Tita Kelly passenger seat.

"Hi, Prim! Halos lahat ng sinusuot mo ay bagay sayo. Napakaganda mo talagang babae." natutuwang papuri ni Tita sa akin.

"Nasaan na si Kelleon at Kiel?" tanong ni Tito.

"Si Sir po may kukuhanin daw po." sambit ko. "About Kiel naman po ay hindi ko po alam."

Hindi ko na rin siya masyadong nakikita sa loob ng bahay. Kapag tinatanong ko siya kung bakit hindi ko siya makita dito ang sagot lang hindi naman daw siya umaalis ng bahay.

Kung gayon ay saan nga siya namamalagi kapag hinahanap ko? Psh. Huling kasama ko siya e nung nagbisikleta pa kami.

Nagkakantahan lang sila Tita dito sa loob. Ang gaganda nga ng tugtog, nostalgia.

Ilang minuto pa ang lumipas bago magbukas ulit ang pinto. "Oh-Hi, Kiel!" masiglang bati ko.

Tiningnan niya lang ako at kinawayan bago dumiretso sa likod. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya ni-hindi niya ako binalingan kahit sulyap lang.

'May problema ba?' tanong ko sa sarili ko.

Umayos na lang ako ulit ng umupo nung nakapasok na si Sir Kelleon at tumabi sa akin.

Isa at kalahating oras daw ang tatakbuhin namin bago makapunta sa bahay nung kapatid ng Daddy nila Kelleon.

Inistart na ni Tito ang engine at nagsimula na ring magmaneho.

.

.

Western House - Modern Type ang ayos nitong bahay nila. Malawak, napakaganda at mas lalong nagpasimple ang kulay. Marami ring mga halaman.

String AttachedWhere stories live. Discover now