XVI

16 5 2
                                        

"Kumusta naman ang buhay mo d'yan? Naiba kulay mo ha mukhang nagpatusta ka talaga." nagrarap kaagad itong si Mia. Magkavideo call kasi kami ngayon.

"Yan agad binungad mo sa akin amp. Wala bang 'Namiss kita.' 'Gusto na kitang makita' Hahaha." I teased her voice.

"Kinamusta ka na nga, tapos iba pa gusto mong ibungad sayo. Kaloka."

I just laugh mukhang iinit na naman ang ulo dahil sa akin. "May kukwento ako sayo. Bad news and Good news, you choose."

"Nakakaintriga naman yan vakla ka. Napunta ka lang sa Aurora may pa-ganyan ka na." halata sa boses niya na medyo kinakabahan na may kaunting pagka-excite. "Good news muna."

"Good news, close na kami ni Sir Kelleon."

"Hmm, Good news nga. Mainamn naman yun at hindi ka na nasusungitan." Tatango-tango pa siya. "What about the other one?"

"Feeling ko nilalayuan ako ni Kiel." pagdidiin ko sa unang salita.

"Assumera ka HAHAHA bakit naman?"

"Simula kasi nung naging close kami ng Kuya niya e hindi na ganun yung pakikitungo niya. Ang cold-cold pa ni'hindi nga kami magkita sa loob ng bahay kahit nandito lang din siya." pagpapaliwanag ko.

"Its either trip lang or gusto ka." nanlalaki pa mata niya niyan HAHAHA

"Hoy! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Pambihira minsan pa naman ay nagdidilang anghel ka."

"Wala namang masama kung totoo ang sinasabi ko." inirapan niya pa ako. This bitch. "Baka nagseselos na kasi nga diba close na kayo ni Kelleon."

"Hindi naman siguro." agad kong pagtutol.

"Bakit be ikaw ba si Kiel?" pagtataas niya ng kilay. Animo'y hinuhusgahan na buong pagkatao ko. "Hindi naman ikaw ang nakakaramdam."

"Imposible naman kasi talaga. Sino ba naman ako para magustuhan ng isang Kiel Mendoza?"

"Para saan pa yung katagang 'expect the unexpected' try mong i-apply sa sarili mo." sabi pa niya. "Kabahan ka pa lalo kapag si Kelleon ay may gusto din sayo."

"Si Kiel nga imposible na agad tapos si Sir Kelleon pa? Baka gumuho na lang ang mundo hindi pa nagkatotoo."

"Kontra ka kasi ng kontra hindi mo pa nga alam. Anong malay natin mamaya pala e bumaliktad na ang mundo."

"Nalulungkot ako kasi aalis na si Kiel." pag-iiba ko ng topic namin.

"Bakit? Lemme guess, para makalimut 'no."

Tumango naman ako. "Kakalimutan niya daw yung babaeng gusto niya. Ewan ko ba dun hindi naman daw siya umamin pero tinalo pa ang broken hearted."

"Ano pang sabi niya?" pang-uusisa niya pa.

"Nagkakamabutihan na daw kasi yung taong gusto niya sa iba kaya siya na lang daw ang lalayo at lilimot." pagkukwento ko pa. "Tapos may sinabi siya kanina kaso pabulong. Hindi ko masyadong marinig."

"Oh! Confirmed!" pumapalakpak pa siya niyan sa tuwa. "Gusto ka nga niya! Ang hina mo naman. Anesthesia ba ang kinakain mo d'yan sa Aurora?!"

Napakunot noo na lang ako dahil sa inakto niya. "Jusko ka dzai! Hindi ka keri ng aking power. Ang manhid mo masyado. Hindi ba't kasasabi mo lang na naging iba siya sayo simula nung napalapit ka sa Amo mo. 'Yun na agad 'yun e."

'Posible nga ba?' I asked myself.

Agad naman akong umiling-iling sa naisip ko. "Ewan ko sayo Yzabelle." nagpaalam na siya kasi may gagawin pa daw sila. Kasal kasi ang inoorganize niya ngayon sa pavilion nila.

String AttachedWhere stories live. Discover now