"So that's it? Pinasok niyo kami rito para magsayang ng oras?" Malamig na tanong ng isang boses na nanggaling sa likuran namin, it's Sketch.

"Pagsasayang ba ng oras ang tawag mo sa paggawa ng mga bagay na gusto mo iho?" Tanong ni Sir sa kanya.

"No, but we're not here to do what we want. We're here for a responsibility and that is to work hard to represent our school" sagot ni Sketch.

"Then you think your responsibility is to be a almost perfect kid ganun ba?" Tanong ulit ni Sir.

"Isn't that's the only thing the adults want us to do? Be good at our study? Because if we don't, we're nothing" napaawang ang bibig ko sa walang takot niyang sagutan kay Sir, it's very straight to the point.

"No kid, that's not the reason why you're here on our section. All of you are here not because you have to shoulder our school's name, but to let yourselves improve what you want and love to do" huminto si Sir at naglakad palapit samin.

"Tama ka, sa society na ito kadalasan sa mga batang gaya ninyo ay iningugudngud sa pag-aaral ng mas nakakatanda, binibigyan kayo ng iba't ibang klaseng aktibidad at gawain, to the point na di niyo na mahanap ang sarili ninyo, kung ano ba totoo niyong gusto para sa mga buhay ninyo"

"And that's what our section want to change, kailangan niyong mahanap ang sarili ninyo, pagsikapan at buuin ito. In that way di lang kayo magiging masaya, you'll be also learn sa mga mata-tackle ninyong mga problema" he said kaya napatango ako, oo nga naman mula pagka bata I mean Mula elementary samu't saring gawain ang pinapagawa samin. They asked us to draw, to dance, to sing or even to act na hindi naman yun ang gusto namin and dahil doon nagkakaroon ng pagkalito sa isipan tungkol sa kung ano ba talaga ang gusto naming gawin.

"What if that idea will make a huge problem? As you can see not all of us is responsible, what if some of us commit mistake or failing? Can those thing can fix what is broken or what will be break?" Tanong ni Sketch.

"Mistakes and failing are part of a story" maiksing sagot ni Sir. Kiel.

"If you fail something, then try again. It's better to fail that to be a failure. It's okay to have mistake than to be a big mistake" Pagpapatuloy ni Sir kaya gusto kong pumalakpak sa kinauupuan ko.

"Kaya sige na, wag na sumagot. I'll give you 1 hour to do the things you want and love to do, after an hour bumalik kayo dito and we will have a little discussion. And one thing, you can whatever you want but not going outside of our school and hurting anyone, okay? Okay!" Sabi ni Sir tsaka lumabas ng room. Narinig ko ang paggalaw ng isang upuan at nakita kong paalis si Bruce.

"I can't believe this! Is this even real?" Maarteng tanong sa hanging ni Summer.

"Sus! Dami niyo pang arte lumabas nalang tayo mga ugok!" Sabi ni Bruce tsaka lumabas ng room.

"I'll shoot a vlog on the field" Sabi ni Winter tsaka ni-ready ang camera niya and then she leave the classroom.

"Makiki-wifi ako manonood nalang ako bl" sabi ni Sum tsaka huminto nang makitang nakatingin sa kanya si Clarenet.

"Sama ka? Maganda yun" yaya niya dito.

"Ayaw ko! Bakla!" Irap ni Clarenet tsaka umalis at lumabas ng room.

"Imbyerna!" Bakla-baklaang sabi ni Sum tsaka tumingin sakin.

"Ikaw gusto mo?" Alok niya sakin kaya umiling ako.

"Wala akong problema sa bl pero di ako mahilig sa mga series series eh, sorry" casual na sabi ko at tumango siya.

"Okay, Sabi mo eh. See ya" sambit niya habang palabas ng classroom.

Specimen Q (On-going) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt