"So meaning-"

"Yes, Mom-ouch!"

"Patapusin mo kaya ako my lovely daughter hindi yung di na ako nakapagsalita dahil sayo" si Tita naman ang pumutol sa sinasabi niya.

"Sorry I just get so excited" sabay rolyo niya ng mata.

"I heard that Aureum Section is very famous even outside of your school, matatalino at mahuhusay na estudyante lang ang nakakapasok doon" Tita said.

"Hindi lang matalino at mahusay Mom, they're also good looking kaya tawag ng ibang sa students sa kanila ay the Golden students or Blessed kids" tila nagniningning ang mga mata ni Yonice habang nagkukwento siya tungkol sa mga piling estudyante na iyon, habang ako wala manlang kaalam-alam tungkol sa nasabing klase. Yes they're undoubtedly known but I didn't given a chance to know about it masyado akong sinusuntok ng oras kaya wala akong oras sa mga ganun.

"Well then since you're my daughter dear, you must be one of those students na makakapasok sa section na yun for this batch" sabi ni Tita kay Yonice sabay hagod ng buhok nito papunta sa likod ng tenga nito.

"Of course Mom, I'll do my best to get a spot on that section" confident na sagot ni Yonice kaya hinawakan ni Tita ang pisngi niya.

This scene is just so touching, kahit na pasmado bibig nilang mag-ina they look so sweet to each other, sana lahat.

"Anong tini-tingin-tingin mo? Are you dreaming also to be a Aureum student? Huh, go on girl keep on dreaming libre lang naman yun but don't forget na masakit umasa" sabi ni Yonice sabay tawa.

"Let her Honey, after all that's the only thing she can do. Ang MANGARAP" sabi naman ni Tita kaya napayuko nalang ako at pilit na itinuon ang aking atensyon sa pagkain ko. Maya-maya pa ay niyaya na siya ni Tita ihahatid daw siya nito, ako naman ay tumulong sa pagliligpit ng mesa atsaka pumasok sa kwarto ko. I brushed my hair and fix my bangs then I spray some perfume and get my bag pero bago ako lumabas sa pinto kinuha ko ang white loose sweater jacket ko sa kabinet ko.

"Please be with me, Ma. Tulungan niyo akong makakuha ng scholarship" I hugged the jacket that my Mama gave to me when I were a new born baby, sabi ni Yaya Magda ito daw ang nakita niyang naka balot sakin noong inuwi ako ni Tita kaya lagi ko itong dinadala saan man ako pumunta pero dahil may dress code sa school namin di ko ito nasusuot during classes or should I say when I'm inside that university.

"Yaya aalis na po ako" paalam ko habang inaayos ang bag ko palabas ng pinto.

"Ay teka iha, teka lang. Ito oh baunin mo" sabi niya sabay abot sakin ng baunan na may lamang sandwich na tingin ko bacon ang palaman.

"Salamat po dito Yaya" ngumiti ako ng bahagya tsaka bumedl rito.

"Walang anuman, galingan mo sa pagsusulit mo ha" sagot niya kaya tumango nalang ako tsaka umalis na.

Hulaan ko curious din kayo sa school namin ano? Well lemme give you some info. Our school is called Hanlon University, is it famous? Yes, karamihan sa mga nagaaral dito ay mga anak mayaman. Mamahalin ang school na ito, it's undoubtedly, kaya kahit may kaya ang pamilyang pinanggalingan ng isang estudyante ay kinakailangan niya minsan na makakuha ng scholarship, nung junior high ako ay may 50% akong scholarship kaya kalahati lang ang binabayaran ni Tita.

Our school can consider as one of the most prestigious school dahil sa mga achievement nito at ng mga estudyante nito, it's not only known as a school with genius student but also with a talented one's. Impressed? Well, should be.

"Manong dito nalang po ako" sabi ko sa driver ng taxi atsaka nagbayad at bumaba na, nang makapasok sa school ay huminga ako ng malalim, hindi ako pretender alam ko sa sarili kong di ako ganun katalino, nagkataon lang na nakapasok ako sa official dance group ng school Kaya nagka 50% ako nung mga nakaraang taon and now I should get a full scholarship para mabawasan mga sinusumbat sakin ni Tita.

Specimen Q (On-going) Where stories live. Discover now