Chapter 49

944 25 0
                                    

Chapter 49

Iniwan na ako ng nurses kaya pumasok na sila mama.

"Hija!" Niyakap nya ako.

"Anak, ayos lang daw ba ang bata? Ayos ka lang? May masakit pa ba sa'yo?" Umiling ako at ngumiti.

Pumasok si Gianna at Hera.

"Jusko, ateng! Kagagaling mo pa lang dito, bumalik ka na agad?! Anong ginawa sa'yo ni Drake?!" Niyakap niya ako at tiningnan bawat sulok ng katawan ko.

Nakita ko sa pinto si Shawn na may nililingon habang nakahawak sa dibdib.

Binalingan n'ya ako at ngumiwi.

"Juskong asawa mo 'yan, kung makatingin manglalapa na." Lumapit s'ya sakin.

"Ayos ka lang?" Hinaplos n'ya ang buhok ko.

Tumango ako.

"Nasa labas si Dwayne?" Tumango s'ya at ngumisi.

"Kahit mukhang walang muwang ang gwapo pa din ah?" Natawa siya. Naalala ko si Kaizer.

"Hera naiwan sila Kaizer do'n." Natigilan siya at napaawang ang labi.

Bumangon ako at naramdaman ko ang pagikot ng paligid.

Pinilig ko ang ulo ko bago ko ito hawakan.

Inalalayan ako ni Shawn tumayo.

"Nasa labas ba si Luis?"

"Si Dwayne, oo." Nginusuan ko si Gianna na tumatawa na ngayon.

Dumiretso ako sa labas at nag angat ng tingin sa'kin si Dwayne.

"Ba't ka lumabas? Ayos ka na?" Tumayo siya at inalalayan ako.

Ngumiti ako.

"Ayos lang naman." Binalingan ko si Luis.

"Luis? Ayos lang kaya sina Kiterro do'n?" Tumango s'ya.

"Don't mind him, ma'am. My brother is a great soldier. He know the prize of being into this underground society and dying for fighting is a thing for him to be proud of." Anya at bahagya akong nginitian.

"Yung totoo, Stasey, gusto mo ba si Kiterro?" Natatawang tanong ni Gianna.

Nanlaki ang mga mata namin ni Dwayne.

"Uhm..." Tiningnan ko s'ya. Kumunot ang noo niya sa'kin at halos sabihin nang ibabalibag n'ya ako kapag nagsabi ako ng hindi n'ya magugustuhan.

"Gwapo s'ya..." Tumango ako at tinawanan ako ni Gianna.

"Dwayne, oh?" Tawa niya. Umiling lang ako at ngumiti.

"Paligawan kita, ano? Hindi ka naman kilala ng asawa mo, eh. Game?" Binalingan s'ya ni Dwayne pero sakin lang din ang atensyon n'ya. Ngumisi s'ya.

"I fucking know my wife, Gianna!" Asik ni Dwayne.

Tumawa si Gianna.

"Talaga? Ano nga ulit tawag mo sa kanya?" Hindi sumagot si Dwayne.

"Sige, i-try natin. Baka sakaling lumabas si monster Alvarez!" Tumawa kaming lahat maliban kay Dwayne na nakatitig lang sakin ng masama.

May narinig kaming sirena ng mga police mobile  at ambulansya.

"Papunta siguro sa bahay ni Escowa." Tumango ako.

Maya maya lang ang nakita namin si Kaizer na pinupunasan ang pawis n'ya.

Tumili si Hera at tinakbo ang pagitan nila.

Ngumisi si Kaizer at niyakap ang girlfriend.

Napaawang lang labi ko ng maghalikan sila.

Nag iwas ako ng tingin at tumikhim.

Nahagip ng mga mata ko ang titig ni Dwayne.

"You're really familiar to me." Nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi ko lang alam kung saan kita nakita."

"Hera, yung cellphone ko?"

"Sa bahay mo." Tumango ako at naglahad ng kamay kay Dwayne.

"Pahiram cellphone mo." Kinuha n'ya naman iyon kaagad at binigay sa akin kahit halatang naguguluhan siya sa akin.

"Na-check mo na 'to?" Umiling siya.

"Mama, si papa ba't 'di n'yo kasama?" Umiling siya sa'kin.

"Iniwan na ako." Nagulat ako sa sinabi n'ya.

"A-Ano?" Ngumisi s'ya at umupo sa tabi ko.

"Kailan pa po?" Hinarap ko s'ya.

"Isang taon pagkatapos mong... Umalis noon." Nalaglag ang panga ko.

Ngumisi s'ya kalaunan kahit na nanunubig ang mga mata n'ya.

"Hindi na kinaya 'yong sakit, eh." Tumango ako at napatingin kay Dwayne.

Kung tatanda kami... Sana ako ang mauna... Hindi ko kakayanin kung iiwanan n'ya ako.

Nanubig ang mga mata ko kaya binalingan ko ang cellphone niya.

I entered the password and I'm glad that it's still the same.

Hinanap ko ang huling larawan namin bago ang insidente.

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now