Chapter 25

1K 25 0
                                    

Chapter 25

Ilang sandali kaming magkayakap at naalala ko yung mga pagkain sa ref.

"N-nagugutom tuloy ako..." Umiling ako at mas yumakap pa sa akin.

He sighed.

"Malamig na..." Tumayo siya at niyakap ako nang mas mahigpit.

Pinulupot ko ang binti sa baywang n'ya para hindi mahirapan sa pagbuhat at para hindi ako mahulog.

"Which one do you like?" Tanong n'ya nang buksan ang ref.

"A-Adobo and... Letchon." Kinuha n'ya ang isang bowl ng adobo at nilapag ako sa lamesa.

"Iinitin ko lang." Tumango ako at inayos ang damit.

"Bakit hindi ka nagsuot ng... Short?" Anya nang nailagay na sa microwave ang adobo at kinuha ang letchon.

"Hindi ko alam na nandito ka, eh. Tsaka, iinom lang naman talaga ako." Binalingan n'ya ako at lumapit sakin.

Hinalikan nya ako ng marahan dahilan nang pagpikit ko.

"Belated happy birthday, wife." Niyakap ko ang leeg n'ya at hinalikan din s'ya.

"Thanks, Dwayne... Thank you for this.." he bit my lips.

"Uhmm..." Napapikit ako dahil sa ginawa n'ya.

"You're welcome." Hinaplos niya muna ang bewang ko bago lumayo ulit para sa pinggan.

Ininit n'ya din ang kanin at naghanda ng dalawang plato.

Ngumiti ako.

Masakit man ang ulo ko, alam kong nasa tamang huwisyo na ako.

Magsasalo kami. Pagsasaluhan namin ang niluto n'ya.

Bumaba ako sa table pero dahil nga masakit ang ulo ko ay medyo na-out balance ako.

"Hey, careful..." Lumapit s'ya sakin at inalalayan akong maupo.

"Thanks. Nahilo lang ako." Sumeryoso s'ya bigla.

"Iinom ka pa, Anastasia?" Mababakas ang galit sa kanyang tanong.

Tumango ako kaya mas naramdaman ko ang galit n'ya sa paraan ng pagtingin n'ya sa akin.

"I mean, Dwayne, hindi maiiwasan iyon." Umigting ang bagang n'ya at nag bend ng kaunti para maglebel ang mukha namin.

"You drunk hard last night and I don't like it." Tumango ako.

"Hindi na po mauulit." Ngumisi s'ya at bumalik sa counter.

Hinanda na n'ya ang adobo at letchon sa hapag pati na din ang kanin.

"Let's eat." Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ko at hinalikan ang leeg ko.

"Damn! May humalik ba sa'yo dito?!" Turo n'ya sa leeg ko.

"Uhh, oo." Nakita kong kumuyom ang kamao n'ya nang sabihin ko iyon.

"Who's that fucker, Anastasia?! Damn him! No one had fucking dared to mess with-" I cut him off.

"Ano ba naman ang kinagagalit mong ikaw lang naman ang humalik d'yan?" Sabi ko at nagsimula nang kumain.

"Sigurado ka ba?" Tumango ako at lumunok.

"Tanungin mo pa si Leon." Kumunot ang noo niya.

"You mean... Pantaleon Lazarus Salvatore?" Tumango ako.

"Siya pa mismo nagsasabi na layuan ako dahil ikaw ang asawa ko." Umirap ako dahil naalala ko iyong lalaking nag aaya lang namang sumayaw.

"Like, seriously? What's wrong with being friendly?" Sumubo ulit ako.

"Nothing's wrong if you're being friendly. Pero 'wag sa malakas ang loob na maging karibal ko."

"Duh, Dwayne, why are you threatened? Ikaw naman ang mahal ko?" Nabitawan niya ang kubyertos at binalingan ako dahil sa sinabi ko. I then realized what I've just said.

I bit my lower lip.

"I mean, you're my husband, Dwayne. Kaya dapat iyon ang alam nila." Uminom ako ng tubig dahil nauhaw ako sa kaba dahil titig na titig siya.

"Alam na?" Binalingan ko s'ya.

"Na mahal kita, Dwayne." Pumikit s'ya ng mariin.

"Anyway, ang sarap, ahh?" Ngumisi ako para maibsan ang kaba.

"Thanks." Matabang n'yang tugon.

Kumuha ako ng letchon. Hindi na ito malutong pero masarap pa din.

"Hmm..." Tinapat ko ito sa bibig n'ya habang ngumunguya ako.

Kinain n'ya iyon at tumitig sakin.

"Yummy!! I love it." Tumayo siya at binuksan ang ref.

Kinuha n'ya ang isang chocolate cake at nilapag sa lamesa.

Ngumiti ako sa kanya.

"Your favorite." Ngumiti din s'ya sa akin matapos iyong sabihin.

"Pa'no mo nalaman 'yan lahat?" He gave me a slice of it while his smirk stayed on his lips.

"Hmm, I have my own ways." Kumindat s'ya at hinalikan ulit ako.

"Uh? Dwayne... Nagkita ba kayo ni Kyla? Anong nangyari?" Natigilan siya.

"Hindi ako pumunta. Hindi ko pinapunta." Nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya.

"Huh? 'Di ba sabi ko magkita kayo?" Binalingan ko s'ya at nakita na nakatitig siya  sa'kin.

"Really, Anastasia? Sa birthday ng asawa ko? Makikipagkita ako sa ex ko para sabihing tumigil na s'ya sa paghihintay dahil may mahal na akong iba?" Nalaglag ang panga ko.

"Huh? D-Dwayne, I don't get it. Ang sabi mo mahal mo s'ya? Tapos... Huh?" Humilig ako sa mesa at nangalumbaba habang nag-iisip.

"Anastasia... Stop thinking about her."

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now