Chapter 31

1K 29 0
                                    

Chapter 31 (Ten chapter for boy)

"Bumyahe na papuntang New York, Dra." Nagtiim bagang ako at nilagok ang rum.

"Para 'yon sa trabaho n'ya." Sagot ko at nagsalin ng panibago.

Nandito kami ngayon sa bahay. Wala na dito ang mga kasambahay dahil pinauwi ko na muna. Napag alaman ko ilang linggo na ang nakalipas na pinasok ito nila Drake Escowa at Hunter. Hanap nila si Anastasia kaya buong akala ko ay kinuha nila ang asawa ko. Pero ayon sa tauhan ni Kaizer ay nasa BGC s'ya no'n.

"Pa'no kung 'di na s'ya bumalik?" Nakatitig sa'kin si Kaizer habang ako naman ay sa baso sa atensyon.

"Babalik 'yon." Hindi ko alam kung sinabi ko ba iyon bilang sagot o pampalubag ng loob. Umiling siya at tinungga ang shot n'ya.

"'Di ka naman no'n mahal." I glared at him.

"What? I'm just sayin'" Ngumuso s'ya at nilaro ang buhok n'ya. Napapikit ako.

It somehow reminds me of how Anastasia plays my hair with her beautiful fingers.

Damnit, bibi!

I know I'm at fault, but why do you have to leave?

Nakita ko sa CCTV na nakapasok siya sa secret room na dati ko pa ginawa kung saan ako nagpaplano.

Damnit! Kung alam ko lang na iiwanan n'ya ako dahil sa tanginang 'yon, matagal ko na sanang giniba ang bahay na ito at walang iiwang bakas ng kung ano man.

Hold your shit, Dwayne. Nagtatrabaho lang 'yon. Babalik 'yon sa'yo...

Napatingin ako sa cellphone ni Kaizer nang tumunog ito.

"Hello?"

"Kaizer!!" Narinig kong hinihingal na tawag ni Hera.

"Why?" Tanong ni Kaizer at humilig sa upuan.

"Shit!" Nakarinig ako nang kaluskos at ang mga paghinga ni Hera.

"Hera... What is it?" May kaluskos ulit bago ang hininga ni Hera.

"Walang hiya! Ba't ba 'di nauubos ang kalaban mo at pati ako hinahabol-"

"Ayun s'ya! Habulin n'yo!" Wala sa oras na tumakbo si Kaizer palabas pagkatapos marinig ang sigaw ng lalaki sa cellphone.

Umiling ako at tinungga ang shot bago sumunod sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay nasagip si Hera dahil nakita namin siyang tumatakbo sa kalsada at agad na lumapit sa sasakyan ni Kaizer. May dala din s'yang hand gun.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko at binagga ang mga humahabol. Hindi kalayuan ay nakita ko ang mga tauhan ni Kaizer na tumatakbo galing sa kagubatan.

Bumaba ako at sinipa ang tiyan ng isa.

Tinutukan ng mga tauhan ang iba pa.

"Anong kailangan n'yo sa girlfriend ko?" Seryosong tanong ni Kaizer.

Nanlumo ang dalawa ngunit ang isa ay nagmatigas.

"Kahit patayin mo ako ngayon, hindi matatahimik ang buhay n'yo. Hindi iyon papayagan ni boss!" Tumawa s'ya pero dahil naiirita ako at malakas kong nasipa ang ulo niya dahilan kung bakit ito tumama sa bato.

"My goodness! Lalong hindi ka babalikan ni Stasey!" Ani Hera na nakakapit sa braso ni Kaizer.

"Ano Hera?" Hinarap siya ni Kaizer.

"Alam mo kung nasan siya?" Tanong n'ya.

"Uhh, may kumuha daw sa kanya sa new York, eh. So, maybe she'll stay there for... years." Binalingan n'ya ako.

"Ayaw n'yang naiistorbo, Dwayne. Kaya maghintay ka lang." Ngumiti s'ya.

"Maghintay? Pa'no kung hindi na bumalik?" Tanong ni Kaizer sa kanya.

"Babalik 'yon!" Sabi ni Hera na parang siguradong sigurado.

"Pa'no nga kung hindi?" Si Kaizer

"Oo nga! May babalikan 'yon dito, I'm sure!"

"Paano kung pagbalik n'ya may asawa na s'ya?" Wala sa sarili kong tanong. Nanlaki ang mga mata n'ya.

"Oh my, Dwayne! Hindi mo talaga alam?" Nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya.

"Stasey told me, kung hindi ikaw... Wag na lang. Like... kung hindi si Dwayne, uhh, nevermind." Anya at sinabayan pa ng aksyon.

"Tss..." Umiling ako.

"Stop hissing, boy! Stasey loves you right from the core of her heart!"

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now