Chapter 1

2.3K 43 0
                                    

Chapter 1

Nagsuot ako ng floral dress at stiletto bago tumulak sa sinasabing Alvarez residence.

Malayo layo ito sa place ko at may madadaanan pang pine trees bago tuluyang mapasok ang residence.

Sobrang laki at feeling ko ay maliligaw ako oras na makapasok ako.

"Tuloy ka, hija" anang matandang babae na kung hindi ako nagkakamali ay ang nakausap ko nung isang araw.

Hinayaan nila akong maglibot sa mansyon dahil may kameeting pa daw ang amo.

Napadpad ako sa pool side at naakit ako kaagad dahil sa tanawin nito. Dahil umaga pa ay nagrereflect ang sinag ng araw sa tubig.

May nakita akong patay na ilaw sa ilalim ng pool.

"Hija, pinapatawag ka na." Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat.

"G-Ganon po ba?" Sumunod ako sa kanya at umakyat kami sa grand staircase.

Tumigil kami sa tapat ng nakasaradong pinto. Kumatok ang babae at binuksan naman ng isang lalaking nakasuot ng round neck plain black t-shirt at faded jeans. His hair is clean cut.

Lumabas siya ng pumasok ako.

Nakita ko ang isang matandang nakatalikod sa akin.

Maganda ang katawan niya at matangkad. Kung titingnan ay para s'yang binata.

Nalaglag ang panga ko ng humarap ito.

Ngumisi s'ya sa reaksyon ko.

"You came..." Malalim at malamig ang boses n'ya.

Shit!

Akala ko matanda.

"U-Uhh..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil 'di pa nakakabawi sa gulat.

Umupo siya sa swivel chair.

"That means, pumayag ka sa offer?" Tinaas niya ang kilay niya. nagkatitigan kami.

Perfect pair of eyebrows, narrow and cold set of light blue eyes, perfect nose and attractive and kissable lips.

"Uhh... What.. is it?" Tumawa s'ya.

"I.. I, uhh, came here to know."

"Hmm, well you're going to be my wife.." tumaas ang kilay n'ya.

Napaawang ang labi ko sa diretsahan ng pagkakasabi n'ya nito.

"I'm... What?" The corner of his lips rose a bitm

"What, miss? Are you planning to turn back? Well, I'm sorry to tell you that, there is no way of turning back." Tinuro niya ang invitation at ngayon ko lang napansin ang sulat sa likod nito.

"Once you enter, you're tied, and there's no open passages for you to escape." Aniya.

Nanginig ako.

"If I've only seen this, I wouldn't have the guts to go here." Nasabi ko din.

Humalakhak s'ya.

"Then, should I say sorry for your recklessness?" Nakangising an'ya

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now