Chapter 28

1K 27 0
                                    

Chapter 28

"Morning!" Nakangiti kong bati kay Hera.

"Good morning, ateng." Napapaos n'yang sabi. Inayos ko ang kumot na s'yang nagsisilbing saplot ko para hindi ito mahulog.

"Pupunta kami d'yan ngayon!" Masiglang dugtong n'ya.

"Talaga?" Ngumiti ako.

"Oo! May gagawin yata si Kaizer at 'yang asawa mo. Yiiieeeeh! Swimming tayo, ahh?" We laughed in unison.

"Sure!" Hindi nagtagal ang usapan dahil mag aayos na daw s'ya. Ganon din naman ako kaya pagkatapos ng tawag ay dumiretso na ako sa bathroom para gawin ang routine ko.

Nakarinig ako ng kalabog sa baba nang buksan ko ang shower. Siguro'y may ginagawa ang mga kasambahay.

"Bakit?" Sigaw ko galing sa bathroom dahil sa katok. Narinig kong bumukas ang pinto sa kwarto at walang sumagot. Nangunot ang noo ko at binilisan ang pag ligo.

Kinuha ko ang bathrobe at sinuot. Sandali akong natigilan nang maalala ko na soundproof ang kwarto ni Dwayne. Hindi n'ya siguro ako narinig nang nagtanong ako.

Nangunot ang noo ko.

Wala naman s'yang pakielam kung nandito ba ako o hindi, eh. I mean, hindi naman n'ya gawain na kumatok.

O baka si manang?

Napatalon ako ng marinig kong may nabasag sa kwarto.

Gusto kong tawagin si Dwayne pero baka nagkakamali ako.

Pinatuyo ko ang shower room at sinuot ang tsinelas ko dito. Inayos ko lahat ng ginalaw ko bago dahan dahang naglakad papunta sa secret room na may one way mirror.

Dahan dahang gumalaw ang door knob at bumukas ito.

Dalawang lalaking may baril ang pumasok.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig.

Kalaban ba ito ni Dwayne?

Nilingon ko ang pinto na nasa kaliwa ko. Ganon din ang sa kanan. Pinasok ko ang sa kaliwa at nakitang kulay blue ang ilaw nito.

Nalaglag ang panga ko at nanginig ang buong katawan ko nang makita ang portrait ko. Naka-pin ito sa ding ding.

"A-Anong..." Sumakit ang lalamunan ko ng makita ang nakasulat do'n.

"Anastasia Diamond Bonneville Spade; related to Hunter Erwin Bonneville; a model; single; 19 years old; an orphan; obsessed with a big job; from Quezon province-" Nilingon ko ang pinto dahil may narinig ulit akong kalabog. Nspalunok ako at pinunasan ang luha.

Nilingon ko ang portrait pero naagaw ng pansin ko ang isang maliit na litrato na may pulang ekis.

Naluha ulit ako.

Pinagplanuhan n'ya 'to!

Buti na lang talaga at hindi ko sinabing mahal ko s'ya.

Kaya pala pakiramdam ko ay mali na mahalin s'ya! Dahil pala dito iyon.

Lumabas ako at natapatan ko ang kanang pinto.

Umiling ako.

Ilang impormasyon pa lang ang nalalaman ko pero hindi ko na makayanan. Pa'no pa kaya kung papasukin ko pa 'to? Anong plano naman ang makikita ko?

Na papaibigin n'ya ako?

Totoong si kuya Hunter ay may kung anong ginagawa noon. Pero kahit kailan hindi ko inakalang may mali do'n. Kung naapakan n'ya si Dwayne, bakit kailangan ako ang magbayad sa kasalanang 'di ako ang may gawa?

Wala na ang ingay sa labas kaya baka safe na. Dahan dahan akong lumabas at wala na nga ang dalawang lalaki.

Sa baba ay may kumalabog ulit. Dali dali kong ni-lock ang pinto sa kwarto at pumunta sa walk in closet. Kumuha ako ng jagger at fitted cropped sando. Binilisan ko ang pag aayos at hinakot ang dati ko ng gamit. Pinagkasya ko iyon sa malaking luggage at lumabas. Nakarinig ako ng pag andar ng sasakyan kaya tinanaw ko ang sala at kitchen. Puro basag na vase at plato sa kusina. Napalunok ako at dahan dahang bumaba sa hagdan.

Nagpalinga linga ako bago tuluyang pumasok sa BMW at mabilis na pinaharurot papalayo sa mansion.

"Good bye, Dwayne." Pinunasan ko ang luha ko bago binilisan ang takbo ng sasakyan.

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now