Chapter 3

1.6K 36 0
                                    

Chapter 3

Ako ang nagmake up sa sarili ko dahil sa mayor lang naman kami ikakasal.

Sabay kaming pumunta dun at napansin ko ang pananahimik n'ya. Not that he's talkative. Sadyang kakaiba lang iyong ngayon.

Maraming tao na ang nando'n nang dumating kami. Binati nila kami at nagsimula na din ang kasal.

"You may now kiss the bride." Nanlamig ang sikmura ko dahil dumaan ang kaba sa akin.

Ngayon lang ulit ako tinamaan ng reyalisasyon.

I thought I would give my first kiss to someone I love... Hindi pala.

Hinarap ako ni Dwayne sa kanya dahil hindi ako agad nakaharap.

Natigil ang paghinga ko ng tuluyan na n'ya akong hinalikan sa labi.

Naghiyawan ang lahat pagkatapos at pinakikala ako ni Dwayne sa mga magulang at relative n'ya.

"I never seen your parents, hija. Are they busy?" Tanong ng mama ni Dwayne hinintay nila ang sagot ko. I sighed and tried to smile.

"Halos hindi ko nga po sila matandaan kasi... Namatay sila nung two years old ako." Nagsinghapan sila at humingi ng paumanhin. Tanging ngiti lang ang sinukli ko.

'Di kalaunan ay bumalik na kami sa mansyon para sa handaan.

Ginawa ang mga ritwal para sa bagong kasal. Sinubukan ko din namang makasabay.

Kumakain ako ng letchon ng nilapitan ako ni Dwayne kasama ang mga kaibigan.

"You okay?" He asked after we shared a kiss.

Ngumiti ako at tumango. Sinubuan ko na din dahil mahirap na, nakatingin pa man din ang mga kaibigan n'ya.

Nakita ko sa mga mata n'ya ang tuwa at bumulong.

"You don't know how to kiss, huh?" Natigilan ako at ngumuso.

"Of course, that's my first time." Bulong ko pabalik. S'ya naman ang natigilan at parang 'di kapanipaniwala ang sinabi ko base sa reaksyon n'ya.

Naalala ko na birthday n'ya ngayon.

Sinulyapan ko ang mga taong nakatingin samin bago sinabit ang braso sa batok niya na nagpabalik sa kanya sa huwisyo.

"Happy birthday, Dwayne." Ngumiti ako at ganon din s'ya.

"Thanks, wife." Naghalikan kami at hindi pinansin ang hiyawan.

Sinubukan kong sumabay at nakasabay naman kahit papaano.

Ang kamay n'ya ay marahang hinahaplos ang bewang ko ng pabalik balik habang ang isa ay nanatiling nakayakap sa bewang ko.

Our intense kisses ended and he whispered something that made me blush.

"Improving." Nakangising anya.

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now