Chapter 29

1.2K 31 0
                                    

Chapter 29

Bumyahe ako hanggang sa Taguig. Tuyo na ang luha ko nang makarating ako sa BGC. Pumarada ako sa seda.

"Good morning, ma'am." Anang crew.

Ngumiti ako at lumapit sa counter. "Hello! I would like to book a room for tonight." Ngumiti s'ya.

"What room would you like, ma'am?" Sinabi ko sa kanya ang gusto ko at pumirma.

"Enjoy your stay, ma'am!" Mginitian ko s'ya at pumasok na sa room.

Nasa pinakahuli ako sa taas na palapag. Sa rooftop ay may night bar kaya pupunta din ako do'n mamaya.

Hindi ko na inayos ang mga gamit ko dahil dalawang araw lang ako dito. Ilang sandaling pahinga ay naligo ako at lumabas para bumili ng panibagong sim card.

Hundred missed calls from Hera and Dwayne.

Tumunog ang cellphone ko para sa panibagong text.

Dwayne:

Where the fuck are you?!

Nagtiim bagang ako at ni-delete iyon.

Hera:

Ateng? Anong nangyari sa bahay n'yo?

Hera:

Ateng hindi kami tutuloy sabi ni Kai.

Hera:

Hala! Asan ka?!

Ni-reply-an ko iyon pagkabalik ko sa hotel room ko.

Ako:

Wala. Ayos lang ako kaya wag na kayong mag alala. Sabihin mo kay Dwayne, 'wag na n'ya akong hanapin. Si Hunter ang pag bayarin n'ya, hindi ako.

Pagkatapos niyon ay kinuha ko ang number ng manager ko dati bago ko pinalitan ang sim card ko.

"Hi, ma'am." Tumawag ako sa kanya dahil ang sabi naman niya no'ng nakaraan ay pwede akong bumalik kung kailan ko gusto.

"Oh? Stasey? Ayy, bakla! Ano? Game ka na ulit?" I smiled.

"Yes, ma'am. I'm really sorry po sa absences." Tiningnan ko ang mahaba kong kuko at pinatunog.

"Ay, nako, ayos lang! Ikaw ba naman magkaroon ng smoking hot na fafa." Tumawa s'ya pero pilit lang akong ngumiti.

"Anyway, where are you? Nasa seda kasi ako at parang nakikita ko ang sasakyan mo?"

"Huh? Anong ginagawa mo sa seda, ma'am?" Tanong ko.

"Waley lang! May kasama akong isang model, ehh, may gig kasi." Nanlaki ang mga mata ko.

"N-Nasa... Seda nga po ako." Natahimik siya.

"T-Teka... Gusto mo ba? Isama kita sa kanya? Mag mo-model ng swim wear, eh... Ano?"

"Sige po, ma'am." Hindi nagtagal ay tinapos na namin ang usapan dahil aasikasuhin n'ya daw iyong gig ko. Magkita na lang daw kami sa night bar sa rooftop.

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin sa bathroom... Nagi exercise naman ako sa bahay ni Dwayne kaya namaintain ko ang hubog ng katawan ko.

Hinaplos ko ang tiyan ko.

I'm glad that I'm still the 21 liner.

Pumunta ako sa misto restaurant for lunch.

"What's your order, ma'am?"

"Uhmm... Bagnet and chicken a la Kiev, please." Ngumiti ako sa kanya at ganon din s'ya sakin.

Iniwan n'ya ako para sa order ko kaya nagka-oras ako para ideactivate ang Facebook, and twitter account ko.

Hindi naman ako takot na mahanap n'ya ako... Ayo'ko lang s'yang makita lalo na ngayon na galit pa ako sa kanya.

"Here's your order, ma'am." Ngiti n'ya pagkatapos ilapag ang pagkain at juice.

"Enjoy your meal, ma'am." Dugtong pa n'ya.

"Thank you." Ngumiti lang s'ya at umalis na.

I started eating my meal and it's so good. Not that other restaurants' meal aren't but this is just good... Just like others but still good.

Nilingon ko ang labas at halos malaglag ako sa nakita ko.

Si Kaizer ay kausap ang nakayukong lalaki. Marami ang tao sa misto kaya baka hindi ako makita dito.

Inalis ko ang tingin sa kanya at naglapag ng bayad bago tumayo at lumabas. Malayo siya sa akin kaya mabilis na akong lumiko at tumakbo sa hotel.

"My goodness!" Naramdaman ko ang panlalamig ng mga palad ko pagkapasok sa kwarto ko.

That was close!

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now