Chapter 44

865 27 0
                                    

Chapter 44

Natulala ulit ako sa labas habang magkausap ang mag ina.

"Stasey, hindi makakatulong sa'yo 'yan." Si Hera na kanina pa ako yakap yakap.

Nag squat sa harap ko si Kaizer at ngumiti.

"Mahal ka ni Dwayne. Hindi 'yon papayag na ganyan ka. Magagalit 'yon sa lahat." Tumawa s'ya at hinawi ang buhok ko.

"Magpalakas ka, Anastasia." He patted my shoulder and smiled.

Mapait akong ngumiti at yumuko.

"Baby, I'm a stranger for your Daddy." Tumulo ulit ang luha ko habang nakatingin sa t'yan.

"Tulungan mo si mommy, ah?" Pinahiran ko ang pisngi ko.

Sumandal ako sa balikat ni Gianne at pumikit.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa oras na iyon.

Nagising ako nang gano'n pa din ang posisyon. Nagse-cellphone si Gianne nang nagmulat ako.

"S-Sorry." Hingi ko ng paumanhin pero ngumisi lang s'ya.

"It's alright."

Si Hera ay nasa tabi ko at natutulog din sa balikat ni Kaizer. Tulog din si Kaizer.

"Pasok muna ako." Tumango si Gianne.

Nakita ko si mama na tulog sa tabing upuan ni Dwayne.

Lumapit ako sa kama at umupo.

"Asawa ko." Gumaralgal ang boses ko at hinaplos ang mukha n'ya.

"Sana magising na tayo... Miss na kita. Araw araw kitang mami-miss." Tumulo ang luha ko.

"Hindi ko alam kung makakasama pa kita pagkatapos nito. Pero sana pagbalik ko, ako pa din... Mahal ka namin." Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Hindi ko lubos maintindihan iyon at kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. All I know is that I feel something strange.

Dahil do'n ay lumabas na ulit ako.

Kinabahan na naman ako. Nagpalinga linga ako at nanlamig ang katawan ko.

Makiramdam ko talaga ay may mangyayaring hindi maganda.

Huminga ako nang malalim at bumalik sa pag upo.

"Hindi ka matutulog?" Tanong ko kay Gianna.

"Babangungutin lang ako kapag natulog ako sa ospital." Ngumisi s'ya.

"B-Bakit? Dahil sa multo?" Umiling siya at binalingan ako.

Ngayon ko lang tuluyang napansin na napaka-perpekto ng mukha n'ya. Sobrang ganda n'ya.

"Sa morgue ko na naabutan ang... matalik kong kaibigan. And my brother spent his remaining days in a hospital." Ngumiti s'ya sa'kin.

"S-Sorry." She chuckled.

"It's okay, Stasey. Kaya ikaw... Magpakatatag ka." Tumango lang ako at tinitigan s'yang binalingan ulit ang cellphone.

Nakatulog na ulit ako sa gabing iyon.

Ginising lang nila ako para sa almusal. Wala naman akong ganang kumain pero naisip ko ang baby... Kailangan ko ng lakas para sa anak namin ni Dwayne.

"Okay na 'to..." Sagot ko kay Hera.

"Pero kaunti lang 'yan. Kailangan mong magpakabusog para sa baby." 'Yan lagi ang sinasabi nila sa akin kapag kaunti lang ang kinakain ko.

They're right, though. I shouldn't be selfish. May buhay nang nakasalalay sa lahat ng gagawin ko... Kaya hindi ako pwedeng magpabaya.

Kailangan ko ng lakas para sa baby... Kaya sana, lord, bigyan n'yo ako lakas... Dahil hindi ko na kaya ito...

God, you gave me everything I wished to you... but for this lifetime, god, I asked for Dwayne... Please...

Let me live with what I've wished for. Let me have him for the rest of my life. As I cannot live without him.

Hindi ako sinukuan ni Dwayne at hinintay ako nang ilang taon. Kaya sana, magkaroon ako ng sapat na lakas para hintayin din s'ya na bumalik sa akin.

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now