Chapter 36

1.1K 34 0
                                    

Chapter 36

Ilang click ng camera ang naririnig ko habang naglalakad si Anastasia sa stage. Suot n'ya ang isang fitted dress at stiletto.

Ngumisi s'ya sa manonood at naghiyawan ang mga lalaki ng hinaplos n'ya ang bewang n'ya.

"STASEY! I LOVE YOU!!" Narinig kong sigaw ng isa.

Binalingan ko iyon pero nakafocus s'ya kay Anastasia.

Damnit!

You better get lost boy. The beast inside me is about to chase you.

Nang bumalik ay bahagya pang natigilan si Anastasia nang makita ako.

Tuxedo suit and suot ko ngayon.

Nilagpasan ko s'ya at naghiyawan ang mga manonood. Karamihan ay babae.

"KEIFER SMOKING HOT ALVAREZ!!!" Napangisi ako sa tili nila.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!" Tinaasan ko sila ng kilay at nginisihan. Nagpalakpakan sila at halos mawalan na ng malay ang iba. Umiling ako at bumalik.

"Ang galing, ah?" Sinalubong ako ni Alexa. Ngumisi lang ako at nilagpasan s'ya. Sumunod siya sakin.

"You really have that effect on girls. Kahit simpleng ngiti mo lang, naglalaway na kami." Humalakhak ako sa sinabi n'ya at nagpahinga sa sofa.

"Sayang! Akin ka na sana." Tumawa s'ya at umupo sa tabi ko.

"May asawa ka 'di ba?" Nilingon ko ang pinto nang marinig ang tanong ng isang babae. Pumasok si Anastasia at natigilan nang makita kami ni Alexa.

Binalingan n'ya ang babaeng nasa likod n'ya.

"Hiwalay na kami." Ngumisi s'ya. Tumango naman ang babae

"Ba't kayo maghiwalay?" Natigilan siya sa harap ng salamin.

"He lied..." Yumuko siya.

"Talaga, Anastasia?" Si Alexa.

"Yep! That thing destroyed me. Kaya iniwan ko dito." Ngumisi s'ya kay Alexa.

"Mahal mo pa?" Tanong ni Alexa.

Nagkibit balikat lang s'ya at ngumiti sa pinto.

"Si Shawn, Stasey?" Pumasok si Andrea.

"Umuwi na."

"Iniwan ka?" Tumango si Anastasia.

"May... Gagawin." Sinulyapan n'ya ako. Tinaasan ko s'ya ng kilay at nag iwas s'ya ng tingin.

Lumapit si Stacy na may dalang tissue. Inagaw iyon ni Alexa at pinaalis si Stacy.

"Here..." Pinunasan niya ang pawis ko na galing sa ginawa kanina na paglakad sa stage.

Hinawakan ko ang kamay n'ya at binaba.

"Thanks." She looked disappointed on what I've just done but the beast who is inlove with Anastasia is merciless.

Lumunok s'ya at tumango. Pilit na ngumiti.

"My wife is here." Wala sa sarili kong sabi. Nagulat s'ya.

"May asawa ka na, Keifer?!" Napatayo siya.

"Yep. She filed a divorce abroad but I didn't signed it." Ngumisi ako at binalingan si Anastasia na nakapikit ngayon ng mariin.

"So technically, she's still mine..." Nilingon n'ya ako.

"And I have the right to kill the bastard's who'll try to steal her from my possession." Tinaasan ko s'ya ng kilay. Pumula ang mga mata n'ya at nag iwas ng tingin. Tumingin sa kanya si Andrea na nakanganga.

"Sino kung ganon?" Binalingan ko si Alexa.

"Hindi ko pwedeng sabihin." Umiling siya.

"Niloloko mo lang ata ako, eh." Namula ang ilong n'ya.

Ngumisi ako. "Baka gusto mong halikan ko s'ya sa harap mo mismo, ano?" Umalingawngaw ang nabasag na salamin.

Nilingon ko iyon ay nakita kong nataranta si Anastasia na pinulot iyon pero nasugatan s'ya.

"Aww!" Huminga siya ng malalim. Lumuhod si Andrea at nilingon si Stacy.

Tahimik lang ito at tulala sa gilid.

"Ako na, Stasey. Tapos na ang rampa kaya magpahinga ka na. Ipapasundo ba kita kay Shawn? Hindi mo dala ang sasakyan mo, 'di ba?" Tanong sa kanya ni Andrea. Umiling si Anastasia at tumayo.

"Magco-commute-"

"Ako na ang maghahatid." Gulat siya sa sinabi ko. Tumayo ako at kinuha ang damit ko.

"Magbibihis muna ako." Pumasok ako sa Cr at dun nagbihis.

Itim na tee shirt at pantalon ang suot ko.

Nag uusap sila nang lumabas ako.

"Let's go." Napatalon ang dalawa nang marinig ako.

"Uhm, Keifer, pwedeng pasabay?" Si Alexa at tumayo na.

Ngumiti ako.

"I've seen your car beside mine so...  Sure." Napaawang ang labi n'ya. Narinig ko ang tawa ni Andrea.

"Hay, nako, mare, istorbo ka lang." Sinimangutan s'ya ni Alexa.

"Lets go, Anastasia."

"How did you know her name, Keifer?" si Alexa.

"Oh! She's my wife, Alexa." Tumawa ako at hinila na si Anastasia na parang iniwan ng kaluluwa.

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu