Chapter 47

1K 29 0
                                    

Chapter 47

Tinaas niya ang kilay niya.

"Drake..." Binaba ko ang plato at tinuro ang baso. Ngumisi s'ya at binigyan ako ng tubig.

I sighed before saying what I wanted to say.

"Buntis ako..." Nabasag ang boses ko nang sabihin ko iyon.

Naiwan sa ere ang kamay n'ya.

"Ano?" Gulat niyang tanong.

"Buntis ako, Drake." Tumayo siya at sinipa ang maliit na lamesa.

"Ipa-abort mo 'yan!" Sigaw niya.

"No, Drake! Ayo'ko! Anak namin 'to ni Dwayne!"

Lumapit s'ya sa'kin kaya napapikit ako.

"F-Fuck!!!" Napamulat ako nang nagmura s'ya.

Para s'yang hirap kontrolin ang sarili. Hinawakan n'ya ang ulo n'ya at ginulo ang buhok.

"Bakit?!" Binalingan n'ya ako ng may mapupulang mata.

"BAKIT SYA ANASTASIA?!" Tumulo ang luha ko. Ang hitsura n'yang ito ay nakapagpa-alala sa'kin noong gabing halos ibalibag na ako ni Dwayne.

My hands started to tremble.

"Mahal ko si Dway-" Napapikit ako ng sipain n'ya ulit ang mesa.

Kinuha n'ya ang vase sa gilid ko at binagsak.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!" Sigaw niya.

Napayuko ako sa sakit at takot.

"I'm scared..." Bulong ko.

Mabilis siyang naglakad patungo sa akin kaya napapikit ako sa pag aakalang sasaktan n'ya ako pero hindi.

Niyakap niya ako.

"I-I'm sorry, honey." Naiyak ako sa balikat n'ya.

"Shh... I'm sorry." Milagrong kumalma s'ya galing sa galit.

"Sasama ka sa'kin. Aakuin ko ang bata. Ako ang tatayong ama. Basta sumama ka sa'kin. Si Alexa na ang bahala kay Dwayne." Nanlaki ang mga mata ko.

"Paano mo nakilala si Alexa?" Ngumisi s'ya.

"She's my ex girlfriend." Napaawang ang labi ko.

"B-Binalak n'ya akong saktan." Kusang lumabas iyon sa bibig ko.

"ANO?!" Nanlalaking mga matang tanong n'ya.

Tumango ako.

Napahilamos s'ya at hinampas at ding ding.

"Mahal n'ya si Dwayne... Kaya gano'n."

"I'm sorry, honey, I didn't know." Hindi ako sumagot.

Tinali n'ya ulit ang mga kamay ko at ngumisi.

"Dito ka lang." Anya at lumabas. Nakarinig ako ng pag andar ng sasakyan palayo.

Bumukas ang pinto at iniluwa iyon si kuya Hunter na may namumulang mga mata.

Niyakap niya ako.

"I'm sorry, baby." Gumaralgal ang boses n'ya ng sabihin iyon.

"B-Bakit kuya?" Kinalagan n'ya ako.

"I called Dwayne... Hindi ka raw n'ya kilala, totoo ba?" Tumulo ulit ang luha ko at tumango nang maalala ko ang asawa ko.

"I'm sorry. Patawarin mo ako. Ako ang bumangga sa inyo. I'm sorry." Yumuko siya at pinahinga ang ulo sa tuhod ko.

"P-Paano kayo nagkausap? Hindi ba galit ka sa kanya?" Umiling siya.

"Tinanong ko s'ya tungkol kay Danica. Totoo nga ang sinabi mo." Ngumisi s'ya at kumuha ng baril.

Binigyan n'ya ako ng bulletproof vest at sinuot sa akin.

Binigyan n'ya din ako ng baril.

"Ihihingi kita ng tulong."

"Si Kaizer." Pinindot ko ulit ang singsing at narinig ko ang ingay sa background.

"Handa na ba kayo?! Kaito dun ka sa kwarto ni Dwayne. Kayo sumama kayo sa'kin!" Narinig kong sigaw ni Kaizer.

"Kai! Nasa linya si Stasey!" Si Gianna.

"Kai..." Tawag ko.

"Papunta na sila d'yan. Stay still, Stasey." Ani Gianna.

"Men, let's go!" Si Kaizer.

Nagkatinginan kami ni kuya Hunter.

"Tinulungan ako ni kuya Hunter." Walang sumagot.

"Sabihan n'yo sila."

"Sige." Si Gianna

"Maghintay ka lang dito. May gagawin ako." Nag iwan s'ya ng mga bala sa tabi ko.

"Mag ingat ka kuya." Narinig ko ang papalapit na sasakyan.

"Nandyan na si Drake. Itago mo 'yan." Tumango ako at lumabas na s'ya.

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum