Chapter 43

1K 27 0
                                    

Chapter 43

Nagising ako sa isang puting silid.

Nandito pa din ako.

"Stasey." Bumangon ako pero nahilo ako at naduduwal.

Napahawak ako sa bibig ko at napatingin sa Cr sa loob ng kwarto.

Tinakbo ko iyon at pinakawalan ang gustong lumabas.

Patuloy ang pagsusuka ko pero laway lang ang lumalabas. Naiiyak na din ako dahil do'n.

"Stasey..." Si Hera..

Bumalik ako sa kama at natulala.

"Sabi ng doktor..." Panimula n'ya. Nakatitig lang naman ako sa kanya habang hinihintay ang sasabihin niya.

"Hindi ka daw pwedeng mastress..." Nanatili akong nakatingin sa kanya. She bit her lips. Parang naghahanap ng tamang salitang sasabihin.

"Stasey, buntis ka." Nabaling ako kay Gianna na prenteng nakaupo sa sofa. Walang gana n'yang sinabi iyon at walang emosyon ang mukha samantalang si Hera naman ay hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya.

Hindi ako nagbigay ng kahit anong ekspresyon sa sinabi n'ya.

"Gising na ba si Dwayne?" Umiling sila sa akin.

Tumango ako at hinawakan ang tyan ko.

I remembered that night when we did it and we almost past sleep because Dwayne won't just stop with one round.

I then formed a smile on my lips.

Kaya natin 'to, baby.

Nakatitig lamang sila sa akin hanggang sa tumunog ang cellphone ni Hera.

"Kaizer..." Sagot n'ya sa caller.

"Oo.."

"T-Talaga? Sige sabihin ko."

Ngumiti s'ya sa'kin pero nanatili akong kalmado.

"Gising na si Dwayne." Napatayo ako ng wala sa oras at nagpatiunang maglakad. Nagulat pa si Kiterro sa paglabas ko at agad na tumayo para sundan ako.

"Dwayne!" Binuksan ko ang pinto at nakita ko s'yang nakaupo at nakatitig sa bintana.

Vinalingan n'ya ako.

Walang pasabi ko s'yang niyakap at humagulgol sa balikat n'ya. Hinayaan naman n'ya ako pero ramdam ko ang pag iba n'ya.

"Miss, papatayin mo ba ako?" Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi n'ya.

"A-Ano? Dwayne?" Tumulo ang luha ko. Nakita kong sinundan niya iyon ng tingin.

"A-Anong... Miss?" Hinawakan ko ang mukha n'ya.

"Dwayne, hindi mo ako naaalala?" Nanatili siyang nakatingin sa akin bago sumagot.

"I don't know how you knew my name and how I am related to you. I can't even remember meeting you and why the heck I'm here." Anya at ginala ang tingin sa buong silid.

Napayuko ako at sinapo ang noo.

"Stasey..." Tawag ni Hera pero hindi ko s'ya nilingon.

"Hayaan nyo sya... Tara na." Ani Kaizer.

"Kaizer, hindi s'ya pwedeng mastress."

"Bakit?" Tanong nang lalaki.

Tuluyan na silang lumabas.

"Bakit, miss? Sino ka ba at parang kilalang kilala mo ako?"

Pinakita ko sa kanya ang daliri ko.

"The night before the incident, nagpropose ka sa akin... Kahit na mag asawa na tayo." Nabasag ang boses ko.

"Asawa? Seryoso ka ba?" Parang hinambalos ng maso ang puso ko sa sinabi n'ya. He even smirked as if telling me I'm telling him a joke.

"Dwayne..." Nagsusumamong tawag ko at nag angat ng tingin. Nakakunot ang noo niya.

"Kailangan mo akong makilala..." Napahagulgol ako nang maalala ang anak namin.

"Dwayne..." Umiling ako at humagulgol sa harap niya.

Naramdaman ko ang yakap niya.

"I'm sorry, miss, pero hindi talaga kita kilala." Marahang saad niya at hinaplos ang likod ko.

"Sinasabi ko na nga ba..." Bumitaw ako sa yakap.

"Kaya ako natakot no'ng makita kitang nakaratay dito... Kaya alam kong hindi na kita maiuuwi... Dahil pala 'yon dito." Napahawak ako sa dibdib ko dahil nagbabara ang samu't saring emosyon ko.

Umiling ako.

"Please, Dwayne... Alalahanin mo ako. Kung paano tayo nagkakilala, paano tayo nagpakasal, paano ka nagtapat sa totoong nararamdaman mo para sa akin, paano tayo nagkahiwalay at paano ako nakabalik sa'yo. Please, Dwayne. Hindi ko kaya 'to!" Narinig kong bumukas ang pinto.

"Stasey, hija." Nilingon ko si mama.

"Mama." Niyakap niya ako at binalingan ang anak.

"Dwayne, anak." Niyakap niya kami pareho.

"Ma." Nagulat ako na kilala n'ya si mama.

"D-dñDwayne, kilala mo s'ya?" Tiningnan ako ni mama na parang may nakakatawa akong sinabi.

"Hija, ako ang ina n'ya, 'di ba?" Umiling ako.

"Hindi n'ya po ako kilala, mama." Napayakap ulit ako kay mama at umiyak sa dibdib n'ya.

"Hija, hija, tahan na... Sinabi sa'kin ni Hera. Hindi ka pwedeng ma-stress..." Ngumiti s'ya sa'kin ng hinarap ako.

"Mama... Ang asawa ko po." Tinakpan ko ang mukha ko.

"Stasey, mahal na mahal ka ni Dwayne at hindi magtatagal ay makikilala ka na n'ya ulit." Iniyakan ko na lang ang sinabi ni mama.

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora