Chapter 16

1.1K 28 0
                                    

chapter 16

Hindi matanggal sa utak ko ang imahe ni Dwayne.

He really thinks I can do such thing, huh?

Nagawa n'ya pa akong saktan dahil do'n.

"Anastasia, let's talk, please." Kanina n'ya pa ako kinakatok pero hindi ko binubuksan.

Not until I get over what just happened.

Sa tanang ng buhay ko, wala pang nakakapanakit sa'kin.

Niyakap ko ang tuhod ko at ramdam ko na ang lamig nito.

Kanina pa ako nagbababad.

Nangatog ang tuhod ko nang sinubukan kong tumayo. Suminghot ako at kinuha ang bathrobe. Ililigo ko na lang ito at matutulog na.

Mabilisang ligo lamang iyon at lumabas na.

Wala na si Dwayne paglabas ko pero nakaamoy ako ng sigarilyo at bukas ang veranda.

Hindi ko na iyon nilingon at dumiretso na sa walk in closet.

Cotton pajamas ang suot ko at sandong fitted.

"Si Hera ang kausap mo kanina?" Namumula at namumungay ang mga mata n'ya nang nakita ko s'ya.

"Hindi." Napapaos ang boses ko pero napanatili ko ang lamig nito.

Kinuha ko ang cellphone ko at nitext si Hera.


Ako:

Hera, what happened? are you okay?

nagreply s'ya.


Hera:

galit na galit pa din sya :(


I sighed.

Hindi ko na sasabihin sa kanya na nag away kami ni Dwayne dahil baka magsisi s'ya.

Ako:

Sa makalawa na tayo magkita, ahh? Ayos lang?

Hera:

Sige.

"Anastasia." Napapaos na tawag sakin ni Dwayne.

Sinulyapan ko lang s'ya at binalik ang tingin sa cellphone ko.

ako:

Sige. Nagpahinga ka na. Malolosyang tayo n'yan agad.

Tinawanan n'ya ang text ko kaya napangiti na din ako.

Nilapag ko ang cellphone ko at nag blowdry ng buhok.

Pagkatapos ay dumiretso na ako sa balcony at umupo sa sofa.

Naiinis pa din ako kay Dwayne. Hindi umabot sa isipan ko na kaya n'ya akong saktan ng ganito.

Pinalis ko ang luha ko sa pisngi nang makita ang bakat ng kamay n'ya sa braso ko.

"Anastasia, please." Niyakap niya ako pero hindi ako umimik.

"I'm sorry." Umiling ako.

"It's okay Dwayne." Malamig kong sabi.

"Okay? Then why are you crying? I've been with liars and I know when they're lying. And I know you're lying." Marahan niyang sabi. Ayaaw kong magpaapekto.

Sinasabi ko na nga ba.

Kaya maling ibigin ang isang Alvarez na katulad nya.

Monster. Monster Alvarez.

"May problema lang kami ng... lalaki ko." Tumigas ang boses ko sa huling sinabi.

Natigil s'ya.

"Kaya magkikita kami sa makalawa. Aayusin namin ang problema namin." Hindi na s'ya nagsalita.

Sa katahimikan ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Masakit ang ulo ko pagkagising ko at nasa loob na ako. Wala na din si Dwayne.

Tsk.

I don't care about his whereabouts.

Kinuha ko ang cellphone ko at nadetect ng intruder detector si Dwayne. Natawa ako sa nakasimangot n'yang mukha.

Talagang wala kang tiwala sakin, Dwayne, huh? Pumait ang lalamunan ko.

Pinilig ko ang ulo ko at tinawagan si Hera.

Sinagot naman nya yun.

"Hello?" Napapaos ang boses n'ya pero halatang kanina pa naman s'ya gising. Paos lang talaga.

"Ayos na?" She sighed.

"Hindi pa." Malungkot n'yang saad.

"Hmm... Bukas, ahh? Mga 7:30 am hanggang hapon. Mamasyal na lang muna tayo do'n. Sa Jollibee na lang tayo magkita."

"Hindi pa ako nagpapaalam. Baka hindi ako payagan."

"E 'di wag kang magpaalam." Tumawa kami pareho sa sinabi ko.

"Subukan kong magpaalam. Malamig s'ya sakin eh. Umalis din s'ya ngayon." Mababakas sa boses n'ya ang kalungkutan.

Gosh!

Sana kaya kong magteleport papunta sa kanya.

Kumain ako kahit walang gana. Umalis daw si Dwayne kanina pa. May importanteng lakad.

Nagpicture ako sa kwarto ng naka two piece dahil namimiss ko na mag photoshoot.

Simula yata no'ng kinasal kami ni Dwayne, mas dumami ang fans ko. Wala nga lang offers.

Dumadami din ang pera ko sa bank account dahil dinagdagan iyon ni Dwayne nung isang  buwan ng five hundred thousand.

Hera:

pinayagan ako!!

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now