Chapter 17

1.1K 26 0
                                    

Chapter 17

Napangisi ako sa binalita ni Hera.

ako:

Good. Okay na kayo? Magdress ka para same tayo.

Hera:

Malamig pa din s'ya sakin pero pinayagan ako. Sa text nga lang kami nag usap tapos simpleng "K" lang ang ni-reply.

ako:

Aww, hayaan na. Basta nakalaya tayo hahaha

Tumawa din s'ya.

Nang gumabi ay tsaka lang dumating si Dwayne.

Tiningnan n'ya ako at naglahad ng kamay para yumakap. Tiningnan ko iyon.

Aktong ibababa na n'ya iyon ng tumayo ako para yumakap din. I'm his wife pa din naman.

Mahigpit na yakap ang ginawad n'ya sakin.

"I missed you." Hinalikan n'ya ako sa labi.

Please, Dwayne. I'm not yet cool about what happened.

Hindi ako sumagot at bumalik sa kama para mag Facebook.

Ni-post ko sa Facebook at Instagram ang kinuha kong picture kanina.

Maraming likes and shares. Pati din insights.

Mapababae o lalaki nagco-comment ng nakakaattract daw ako.

Natawa ako sa nagcomment ng "proud boyfriend here." Na ginaya din ng ilan.

Nakatulog na agad ako sa gabing iyon ng mahimbing.

"Uhmm..." Nagising ako sa yakap ni Dwayne. Tulog s'ya sa tabi ko at nakayakap.

Napatingin ako sa wall clock at nakitang five o'clock na.

Dahan dahan kong inalis ang kamay n'ya sa t'yan ko at bumangon.

Nag ayos at naligo na ako. Paglabas ko ay gising na si Dwayne at nakahawak sa ulo.

Dumiretso ako sa walk in closet at kinuha ang off shoulder na maroon dress at sinuot.

Kunot noo akong tinititigan ni Dwayne habang sinusuot ko ang pumps.

"Saan ka pupunta?" Napalunok ako sa lamig ng boses n'ya.

"Kikitain ko ang lalaki ko, Dwayne." Sarkastikong sabi ko.

"Anastasia." May pagbabantang tawag niya na inirapan ko lang.

Nag light make up ako at tumawag kay Hera.

"Hi, good morning." Nakangisi kong bati.

Nakita ko ang repleksyon ni Dwayne sa salamin at ginugulo n'ya ang buhok n'ya.

"Morning, Stasey." Si Hera na mukhang nahimasmasan na.

"Sa'n ka na?" Inayos ko ang sling bag ko at tumayo.

"Andito na." Natawa ako.

"Ang aga, huh? Sige papunta na ako." Dumiretso si Dwayne sa bathroom kaya lumabas na ako.

"Manang! Aalis na po ako." Paalam ko dahil nakarinig ako ng ingay sa kusina at alam kong s'ya iyon.

"Sige, hija, mag iingat ka." Sigaw niya galing sa kusina.

"Opo." Lumabas ako at dumiretso sa kotse ko.

Ugh! How I miss my car. Pinatunog ko ang BMW ko at pumasok.

"Hmm." I turned on the stereo at stepped on the gas.

Wohoo!

Ang pine trees! Napangiti ako.

My place.

Lumabas ako nang naka aviator sunglasses at nakita ko agad sa loob si Hera.

Lumabas siya at tumungo sa'kin.

"Ateng!! Parang hindi stressed, huh?" Nagtawanan kami pero agad napawi ang tawa ko.

"Kaizer?" Nanlaki ang mga mata n'ya.

"Kai?" Si Hera nang humarap ito.

"I-Ikaw ang kikitain n'ya, Stasey?" Umirap ako nang makitang nagpark si Dwayne.

"Hoy! Kayong dalawa! Excuse me lang, huh?! Nakakainis 'to! Kayo yung maraming nilalapa hindi kami. At indi kami katulad niyo!" Inis kong sigaw sa dalawa.

Napalunok si Kaizer.

"Anastasia..." Si Dwyane.

"Ano, Dwayne? Ito na yung lalaki ko, Dwayne!" Hinila ko si Hera patungo sa sasakyan ko.

"Bwiset na mga lalaking 'yon." pinaharurot ko kaagad ang sasakyan ko sa isang restaurant.

Pagkapark ay naaninag ko kaagad ang dalawang sasakyan ng lalaki. Umirap ako at lumabas.

Lumapit si Hera.

"Hala! Ngayon ko lang napansin. Matchie matchie pala tayo ng damit!" Natutuwa kong sabi at muling niyakap siya.

Natawa din s'ya sa sinabi ko.

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now