Chapter 21

1K 25 0
                                    

Chapter 21

"Anastasia." Nilingon ko si Dwayne at nginitian.

"Bakit?" Niyakap niya ako.

"I'm sorry. I love my father. Kaya pinabigyan kita ng invitation. Hindi ko naman inakala na pauunlakan mo." Umirap ako habang nakayakap siya sakin.

Fuck you, Dwayne!

Ako pa ang may kasalanan ngayon?

"It's okay, Dwayne. Kasalanan ko. Akala ko magandang trabaho." Inangat niya ang baba ko.

"No, wife, please. It's my fault." Tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Oo nga." Kinagat n'ya ang labi nya at yumuko.

"Ano na'ng plano mo Dwayne?" tanong ko na hindi naman n'ya sinagot.

"Mahal mo pa ba s'ya?"

Marahan siyang tumango.

Napasinghap ako.

"E 'di pakasalan mo!" Tumaas ang boses ko.

"Gusto mo bang mawala pa s'ya sa'yo bago ka gumawa ng paraan?!" Nag angat s'ya ng tingin sakin.

"Pano si papa?" Tanong n'ya.

"Alam mo? Kasalanan mo talaga ang lahat ng ito, eh. Pero 'di bale. Tulungan na lang kita." Tinalikuran ko s'ya at hinarap ang tanawin.

"Papuntahin mo s'ya dito. Hindi ako magpapakita. Mag usap kayo tungkol sa kasal. Huwag mo nang banggitin iyong sa atin. Matatapos na din naman 'to." Nanubig ang mga mata ko.

"Anastasia." Niyakap niya ulit ako.

"Dwayne, this is your last card. Kung hindi mo gagamitin ngayon, kailan pa?" I swallowed hard.

"Hindi ko sasabihin sa iba ang tungkol dito. Huwag mo na din sabihin kahit kanino ang... Tungkol sa atin. Pero ipagtapat mo kay Kyla kung sakaling malaman n'ya na... asawa mo ako."

Nanahimik lang s'ya at nakayakap pa din sa'kin.

"Sa... Sabado. Magkita kayo. Sa private place. Yung kayong dalawa lang. Para makapag usap kayo ng maayos." Napatingin ako sa singsing.

Birthday ko na sa sabado.

"Alright, then." Hinalikan n'ya ang leeg ko.

"Dwayne, 'di na pwede 'yan." Natigilan siya sa sinabi ko.

"Kay Kyla mo na lang 'yan gawin. Besides, maghihiwalay na din naman tayo after five months, right?" Hindi s'ya umimik.

"I'm sorry, Dwayne. I'm your wife pero 'di ba ang pangit naman tingnan na ginagawa natin 'yon kahit iba ang mahal mo?"

"Pero asawa kita, Anastasia."

"Asawa o laruan? Priority o pampalipas oras? Dwayne, know the difference between the two. I don't love you... Pero kung totoong asawa mo ako... Masasaktan ako n'yan." I bit my lower lip.

"Alright. Sorry. I'll try my best." Tumango ako at lumayo na sa kanya.

"Sa guestroom na din ako magkukwarto, Dwayne. Alright?" Tumango s'ya.

Lumipat na ako sa gabing iyon sa isang guestroom na malayo sa kwarto n'ya.

Umiyak ako sa gabing iyon. Sobrang sakit pala. Iyong mahal mo, minamahal ang kaibigan mo. Nakatulog na lang ako kakaiyak.

It's Friday today!

Ngumisi ako sa repleksyon sa salamin. Hindi namugto ang mga mata ko even when I cried myself to sleep.  Buti na lang.

"Good morning." Ngumiti ako sa kanya.

"Morning." Bati ko pabalik.

Umupo ako sa harap niya at kumuha ng rice, hotdog and bacon.

Ramdam na ramdam ko ang titig ni Dwayne sakin na parang naninimbang. Naghihintay ng pagkakamali ko.

"Bakit?" Nag angat ako ng tingin. Pilit siyang ngumiti at umiling.

Tumango ako at kumain. Hindi ako transparent na tao pero feeling ko sa titig niya ay nababasa niya ako.

"N-Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Patapos na ako ng nagtanong siya.

"Uhh, oo." Sagot ko at uminom ng tubig.

Tumango s'ya at tumitig ulit sa'kin. Tinapos ko na lang ang pagkain ko.

"Ligo lang ako, Dwayne." Tumango s'ya at nag iwas ng tingin.

Nang makapasok sa kwarto ay bumuga ako ng hangin.

Nagbabad ako sa bathtub at nagrelax.

Suminghap ako at umahon para tapusin sa shower ang paliligo.

Hindi matanggal tanggal sa isipan ko ang nangyayari.

Bakit nga ba ako napasok sa sitwasyon na ganito.

Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang tubig na dumaloy sa katawan ko.

I Married A Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now