Kabanata 93 - Huling Kabanata.

5.3K 82 15
                                    

Hi, I want you to know that this is the last chapter of this book and maybe sooner, maglalapag ako ng Special Chapter for this.

Alam kung hindi naging perpekto ang pagkakasulat ko sa storya'ng ito. Ngunit umaasa ako na somehow, napasaya, napaluha at napagalit kayo nitong storyang ito. At umaasa rin ako na sana nagustuhan ninyo ang storya ni Marra at Dashiel.

Alam kong marami pa rin ang naguguluhan sa nangyari sa loob ng tatlong taon na hindi nagkita si Dashiel at Marra kaya nama'y basahin niyo ang Wakas kasunod nitong chapter na ito. Dahil roo'y sasabihin ni Dashiel ang nangyari sakan'ya sa loob ng ilang taon.

Alam kung maypa green flag si Dashiel, kasalungat sa title ng storya which is ang Psychopath, so basahin niyo ang Wakas para malinawagan kayo.

Iyon lamang, at kitakits sa Cum For Me, January na story ko.

Published na rin po pala ang unang pahina ng storya ni Shawnel, ngunit sa ngayon ay hindi ko muna masusulat ito. Uunahin ko kasi muna ang story ko na Cum For Me, January, 'saka ko isusunod 'yong kay Shawnel.

Alam kung magpahanggang ngayon di pa rin kayo naka move on sa story ni Spencer, kaya nama'y sanay ipagpatuloy niyo ang pagbabasa ng Psychopath Love Series, dahil doon, malilinawagan kayo.

At inuulit ko, inunpublished ko na ang Supposed book 2 ng Psychopath 1 since It can affect the plot of the whole series. Thank you, enjoy reading and be safe!


KABANATA 93
HULING KABANATA.

NANG makitang lumabas si Buenaventura at si Thunder sa ospital ay 'saka pa lamang ako tumayo mula sa kinauupuan ko upang pumasok na sa loob ng ospital.

Kung inaakala nilang tumigil na ako sa ka-kapilit na pumasok sa kuwarto ni Dashiel para lamang makita siya. Puwes! Doon sila nagkakamali dahil hinding-hindi ako papayag.

Isang linggo na ang lumipas simula ng mangyari ang pagkakapahiya ko sa hallway ng dahil sa bruha na iyon. At magmula ng linggo na iyon ay hindi pa rin siya nagigising.

At sa loob ng isang lingo na iyon ay ilang beses ko ng tinangka na pumasok sa kuwarto na inuukupa ni Dashiel para lang masilayan siya o hindi kaya'y mabantayan siya kahit na'y ilang segundo man lang.

Pero sadyang nakaakibat talaga sa akin ang malas nitong mga nagdaang araw. Dahil sa bawat pagtangka ko na pumasok sa room niya ay palagi na lamang akong napapahiya at nauuwi sa pag-uwi na lamang sa bahay ng may bagsak na balikat.

Sa ilang beses ko kasing pagtangka na pumasok dahil sa pag-aakalang umalis na si Buenaventura sa kuwarto niya'y, ilang beses rin akong napahiya. Sa tuwing nagtatakangka kasi ako'y ang pagmumukha ni Buenaventura ang naabutan ko. At dahil galit ito sa akin at attention seeker ito'y gumagawa ito ng paraan para lamang mapaalis ako- isa na lamang sa paraan niyang iyon ay ang pagwawala at ang pagsasabunot sa buhok ko, dahilan para mapilitan akong umuwi na lamang sa bahay na bagsak ang balikat at magulo ang buhok.

Sa totoo lang kaya ko namang ipaglaban ang sarili ko, pero mas pinili ko na lamang ang manahimik at hayaan siyang saktan ako dahil sa kadahilanang pagod na ako. Pagod na akong makipag-away at saka isa pa alam kung kasalanan ko rin naman ang lahat e. Kaya I deserve that. I deserve what I got from her.

Nitong mga nagdaang araw ay halos gawin na ni Buenaventura ang ospital na bahay niya. Sa katunayan nga'y nabalitaan ko kay Storm na doon na rin pala ito naliligo sa cr ng ospital at doon na rin kumakain at nagbibihis. At dahil sa kadahilanang, halos doon na siya manirahan ay naging mahirap sa akin ang makapasok sa loob ng kuwarto ni Dashiel. At sa tuwing nagtatangka naman ako'y palaging sabunot at sampal lang ang natatanggap ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon