Kabanata 92

4K 69 19
                                    

NAPAG-ALAMAN ko ang mga pinagdaanan niya sa loob ng tatlong taon ng hindi namin pagkikita at isa lamang ang masasabi ko at iyon ay ang nagdusa rin siya kagaya ko.  Pareho lang pala kami ng napagdaanan, parehong namatayan at nawalan sa buhay.

Nagpag-alaman kong sa mga panahon no'ng natururo pa siya sa amin ay nagsisimula na rin pala siyang magreview para sa paparating na bar exam. Bale, pinagsasabay niya ang pagtratrabaho at ang pag re-review noon.

At dahil sa nangyaring pagkalat ng scandal ko at ang paglaho ko na parang bula ay hindi siya nakapag review ng maayos. Inayos niya kasi pala ang paghahanap sa taong nag palabas ng scandal ko.

Yes, hindi siya ang nagpalabas ng scandal. According to Storm, no'ng nag jug jug ahh-ahh pala kami ni Dashiel ay may isang estudyante ang nakatuklas sa nangyayari sa gitna naming dalawa ni Dashiel at gamit-gamit ang cellphone nito'y vinid-deohan kami nito.

At ang mas masama pa roon ay ang lalaking nakatuklas ay kalaban pala nila sa isang organisasyon.

At dahil gusto nitong sirain—wasakin si Dashiel ng pinong-pino ay ang reputasyon ko ang sinira no'ng culprit. Ako ang sinira nito dahil sa pag-aakalang aakalain ko na si Dashiel ang nagpalabas no'ng video dahil sa nakatakip nitong mukha. At dahil roon ay kakamuhian ko daw si Dashiel at sa pamamagitan niyon ay masisira si Dashiel ng pinong-pino dahil sa kadahilanang mahal daw ako nito.

Which really happened dahil kinamuhian ko nga siya dahil sa pag-aakalang siya 'yong nagpalabas ng video.

Mga ilang buwan rin daw muna ang lumipas bago nahuli ang salarin at ng mahuli ay pinatay ito ni Dashiel. Yes, Dashiel killed him without any traces. At matapos patayin ay nagbayad si Dashiel ng isang eksperto at sikat when it comes to technology and videos. At roo'y inutusan niya ito na sabihin sa mga tao na edited lamang ang video na nag leak.. Na hindi talaga ako ang babaeng 'yon at sadyang sinira lamang ng isang taong inggit sa akin ang reputasyon ko.

At dahil sikat at kilala sa larangan ng teknolohiya at videos ang lalaki na iyon ay agarang kumalat ang balita na edited lamang ang video na iyon at sa kabutihang palad.. marami ang naniwala. Pero kahit ganoon pa may hindi mapagkakailang may hindi naniniwala pa daw.

Pero hindi na raw ito pinagtuonan pa ni Dashiel, dahil ang pinagtuonan na nito ng pansin ang paghahanap sa akin.

Yes hinanap daw ako ni Dashiel. Pinahanap daw ako ni Dashiel sa mga tauhan nito sa labas at loob ng bansa. At ng walang makuhang impormasyon tungkol sa kung saan ako naroroon ay napagpasyahan ni Dashiel na siya na ang humanap sa akin, dahilan, para mas hindi pa siya makapag concentrate sa review.

At mas lalo pa siyang hindi nakapag concentrate nang sa kalagitnaan ng paghahanap sa akin ay nadisagrasya siya sa motor niya. Dahilan, para mabali ang isa niyang paa at mabaldado ng ilang buwan.

At mas lalo pa siyang hindi nakapag concentrate ng mamatay ang mama niya'ng kinamumuhian niya. Yes, his mom died because of a breast cancer at dahil siya lamang ang anak ng ina niya'y wala siyang ibang naging choice kundi ang asikasuhin ang burol at libing nito kahit na'y kinamumuhian niya ito dahil sa ginawa nitong pagbebenta sakan'ya noong bata pa siya.

At dahil sa mga naging balakid ng pag re-review niya'y hindi siya nakapasa sa Bar Exam. He failed the Bar Exam. He failed to passed the Bar Exam.

At dahil roo'y na disappoint ang papa niya sakan'ya. Pero kahit ganoon pa ma'y ipinasa pa rin nito ang kompanya nila sakan'ya.

At habang namamahala sa kompanya ay pinagsabay niya ang pag re-review para sa dadating na board exam sa susunod na taon. But this time, self-review ang ginawa niya at sa awa ng diyos ay nakapasa naman siya. He even topped the board.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERWhere stories live. Discover now