Kabanata 54

3.4K 53 0
                                    

WARNING|SPG|R-18

"I'M sorry."

I was about to deny the things that he said—I was about to lied again regarding on what he asked, but my mouth traitor the hell out of me,  like it have his own life and brain.

Imbes kasi na sabihin ang mga gusto kong sabihin, sinabi ng bibig ko ang mga kataga na iyon. Isang palatandaan na trinatraydor ako nito at isang palatandaan rin na sawa na ito sa pagsasabi ng mga kasinungalingan, and maybe this time, my mouth want to speak the truth.

Pagak siyang tumawa na siyang naging dahilan kung bakit ako napa-angat ng tingin ng wala sa oras.

"So I am really right?" tanong nito habang tumatawa pa rin ng pagak, "That you really are a-voiding me?"

Ewan ko ba kung tama ba yong pagkakarinig ko o sadyang pinaglalaruan lang ako ng tenga ko, but he really sounds hurt while saying those words. Lalo na't bahagya pa siyang nautal habang sinasambit ang mga katagang avoiding.

"I'm sorry," ang muli kong paghihingi ng patawad sakan'ya matapos magbaba ng tingin.

This time hindi na tutol ang buo kong katawan sa pagsambit sa mga kataga na iyon. This time, hindi na ang bibig ko ang nagsambit sa mga kataga na iyon. Ang sarili ko na mismo.

Hindi ko alam kung bakit, e sa katunayan nga'y labag na labag ang loob ko simula no'ng una pa lang, but when I heard how his voice broke, how he sounds hurt. The guilt eat the whole me, again. Making me feel sorry.

Muli kong nakita ang pagsilabasan ng mga ugat niya sa braso dulot ng pagkuyom niya sa kamay niya. Turning it into a fist one.

"Your sorry is not enough." Ramdam na ramdam ko ang diin sa boses niya habang sinasambit ang mga kataga na iyon, na siyang naging dahilan kung bakit ako napa-angat ng tingin.

At ang kanyang nakaigting na mga panga, matatalim na mga titig at walang ekspresyong pagmumukha ay ang unang sumalubong sa akin ng mag-angat ako ng tingin.

"H-a?" I asked. Klina-klaro kung tama ba 'yong mga katagang narinig ko.

Once again, his jaw clenched, "I said, your sorry is not enough," sagot niya sa tanong ko bago dahan-dahang yumukod. Napalunok naman ako dahil roon.

Kapagkuwan ay ang paglunok na nagawa ko na iyon ay nasundan pa ng ilang paglunok ng makita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano siya yumukod. At dahil bahagyang naka-angat ang ulo ko, muntikan ng magtagpo ang aming mga labi, ilang dipa na lang kasi ang layo ng aming pagmumukha mula isa't-isa e.

Parang nanuyot ang lalamunan ko ng agawin ng mapupula niyang mga labi ang atensiyon ko, at ewan ko ba kung ano, but his lips are tempting me—the redness of it makes me want to kiss it, it is like inaanyayahan ako nitong halikan siya. Damn.

"W-hat do you want me to do then?"

Darang na darang man sa temptasyon na dulot ng mga labi niya'y nagawa ko pa rin bigkasin ang mga kataga na iyon. Pero yun nga lang, bahagya akong nautal.

Ang labi na kani-kanina lang ay nag-aanyaya sa akin ay umarko, kapagkuwan ay lumabas roon ang isang mapaglarong ngiti. Ngiti na tila may pahiwatig—ngiti na tila may sekretong nakakubli.

Sa ikaraming pagkakataon ay muli akong napalunok ng muli siyang yumukod, this time, isang dipa na lang talaga ang layo ng labi namin mula sa isa't-isa at tuluyan na itong magtatagpo. At sa pagkakataon rin na ito'y ramdam na ramdam ko ang kiliting dulot ng kanyang paghaplos gamit ang kan'yang daliri sa aking pisnge. Kapagkuwan ay may kung ano siyang inipit sa likod ng tenga ko, na sa palaga'y koy ilang takas ng aking buhok.

"Hmmm.. ano nga ba?" he asked while grinning. Kapagkuwan ay umayos siya sa kanyang pagkakatayo, nakahinga naman ako ng maluwag dahil roon. Nawala kasi ang nakaka suffocate na atmosphere e, na siya rin naman ang may hatid.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon