Kabanata 18

7K 98 4
                                    

KABANATA 18

"MARAMING salamat po," ang nakangiti kong ani kay Thunder pagkababa na pagkababa ko pa lang sa sasakyan niya.

Ngumiti naman ito ng matamis pabalik sa akin, "Welcome," he genuinely answered, na siyang naging dahilan kung bakit ako napangiti pero ang ngiti na iyon ay agaran ring napalitan ng hiya ng marinig ko ang mga sumunod na katagang tinuran niya.

"But please.....Like what I've said awhile ago, stop calling me with po, Marra, because first name basis will do."

Wala sa sariling ako'y napahiya ng marinig ko ang mga katagang sumunod niyang binitawan, dahil sa kadahilanang ilang beses na niya kasi akong inutusan na tigil tigilan ko na ang pagtawag sa kanya ng may po, dahil ilang taon lang naman daw ang agwat namin.

Pero dahil sa may katigasan talaga ang ulo ko, ay hindi ko talaga naiiwasan ang sarili ko na huwag siyang tawagin gamit ang mga katagang iyon sa tuwing kausap ko siya.

Napakamot ako sa batok ko dahil doon, kalauna'y nginitian ko siya ng hilaw sabay sabi,

"Sige po, Thunder," ang hilaw at medyong nahihiyang ani ko sakanya.

Sa totoo lang hiyang hiya na talaga ako sakanya ngayon, hindi ko na nga alam kung saan ko pa nakukuha ang kakapalan na mukhang meron ako ngayon para matignan pa siya ng deritsiyo sa mga mata.

Hiyang hiya na ako, hiyang hiya na ako sakanya dahil sa dalawang dahilan. Una'y nahihiya ako sakanya dahil sa katigasan ng ulo na meron ako, ilang beses na niya kasi akong sinabihan na tigil tigilan ko na ang pagtawag sakanya gamit ang salitang 'po' dahil hindi naman daw gano'n kalaki ang agwat ng edad namin dalawa pero heto ako, patuloy pa rin siyang tinatawag gamit ang salitang 'po'.

At ang ikalawa naman ay dahil sa kadahilanang naabala ko pa siya, naabala ko pa siya sa paghatid sa akin rito. Hindi ko naman kasi ginustong magpahatid sakanya rito e, pero mapilit siya e.

Actually, matapos akong makabawi kanina mula sa pagkakagulat ko, sa pagkakagulat ng malaman ko na siya pala ang lalaking iyon at si prof pala ang babaeng iyon ay inaya ko siyang sumilong sa waiting shed. Umoo naman siya na siyang ipinagpasalamat ko dahil hindi na ako mahihirapan pang kumbinsihin siya.

Hindi ko alam kung bakit pumayag siya agad no'ng inaya ko siyang sumilong sa waiting shed pero siguro dahil iyon sa kadahilanang hindi na niya kaya pa ang lamig na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Ang lakas lakas kasi ng ulan e, na sinabayan pa ng malamig na hangin, magpapasko na kasi kaya siguro gano'n na lang kalamig ang hangin.

Sumilong kami sa waiting shed at doon hinintay ang pagtila ng ulan, sa gitna ng aming pagsilong sa waiting shed na iyon ay hindi ko napigilan ang matabil kong dila na huwag siyang tanongin tungkol sa kung ano ba ang namamagitan sa gitna nilang dalawa ni prof at kung bakit nauwi sa dramahan sa gitna ng ulan ang kanilang pag-uusap.

Akala ko no'ng una'y hindi siya mag o-open up sa akin tungkol sa problema niya—akala ko no'ng una'y hindi niya sa akin sasabihin ang tungkol sa problema niya lalo na't hindi niya 'ko kilala, pero siguro hindi na niya kinaya pa ang bigat sa bibig niya kaya naghanap siya ng mapaglalabasan. At nagkataong ako ang nando'n kaya ako ang nalabasan niya.

At doon niya ikuweninto sa akin ang tungkol sa bagay na namamagitan sa gitna nilang dalawa ni prof. Doon niya rin ikuweninto sa akin kung paano sila nagkakilala at kung paano nauwi sa ganoon ang relasyon nilang dalawa.

Napag alam kong nagkakilala sila ni Prof sa isang probinsiya, sa probinsiyang pinagmulan ni Prof, dayo lamang siya sa lugar na iyon ng makilala niya si Prof, to make the story short, nagkakilala sila ni Prof, nagkamabutihan, nagkainlaban at saka magkakaanak na sana.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon