Kabanata 24

5.8K 111 42
                                    

Mag comment naman po kayo oh, kahit nay hindi na kayo mag vote. Comment lang kasi ang nagpapasaya sa akin e.

KABANATA 24

"BILISAN MO riyan, honey," ang huling hirit pa nito bago tuluyang umalis sa kusina habang dala-dala ang isang plato na may lamang maraming slice ng cake.

'Tsaka pa lang ako nakahinga ng maluwag ng makita kong tuluyan ng nakalabas ang lalaking iyon mula sa loob nitong kusina.

Kalauna'y wala sa sariling ako'y napairap sa kawalan ng mapagtanto ko kung ano iyong huling hirit na binitawan niya.

That man is really annoying and suffocating me! At ano 'yong sinabi niya? Sa ayaw at sa gusto ko'y wala akong ibang magagawa kundi samahan siya—sila mamaya sa drag race?!

Luh, asa siya! Never.

Napabuntong hininga ako bago ko inayos ang sarili ko at ang pistel na dadalhin ko. At ng maayos ko na ang lahat ay 'tsaka ko pa lang napagpasyahang sumunod sa mga yapak ni punyemas.

Pagdating ko sa labas ay si Kuya Noel na busing busy sa ginagawang paglilinis sa sasakyan ang nabungaran ko. At ng nilingon ko ang gawi ni punyemas ay doon ko ito nakitang ngumingiti-ngiti habang may inaano sa cellphone niya.

Nang mahagip ng paningin ko ang plato na kani-kanina lang ay kinuha niya mula sa loob ay hindi ko inaakalang gano'n gano'n na lang ang magiging panlalaki ng mga mata ko. E kasi naman wala ng laman ang plato na iyon. Ubos na 'yong napakaraming slice ng cake na kinuha niya mula sa fridge.

Ganoon ba talaga katakaw ang lalaking ito? E kasi naman, minuto lamang ang lumipas simula ng lumabas siya sa kusina at minuto lang rin ang lumipas ng mapagpasyahan kung sumunod sa mga yapak niya, 'tas ito ang mabubungaran ko? Ang wala ng laman na plato ang mabubungaran ko? For pete's sake minuto lamang iyon.

Anong klase ng bituka ang meron kaya ang lalaking ito at bakit ang takaw naman ata nito?

Wait—baka kumain rin si Kuya Noel sa cake na iyon? Impossible. Imposible sapagkat busing busy si Kuya Noel sa kan'yang ginagawa kung kayat napakaimposible pa kung magkakaroon pa ito ng oras para kumain.

Napabuntong hininga ako bago ko ipinagpatuloy ang naudlot kong paglalakad, "Kuya Noel, nandito na po ang juice na inutos niyo," ang ani ko habang lumalapit sa gawi no'ng si Punyemas.

Nakita ko naman kung paano mag-angat ng tingin si punyemas sa gawi ko at wala sa sariling ako'y napairap sa gawi niya ng makita ko ang pag ngiti nito.

"Ibigay mo 'yan kay Dashiel iha."

At gaya no'ng sinabi niya'y ibinigay ko nga kay Dashiel ang pitsel na iyon na siyang tinanggap naman nito.

"Nasaan ang baso?"

Imbes na magpasalamat ay ang mga katanongan na iyon ay isinukli niya sa akin. Medyo nairita naman ako sakan'ya, e kasi naman, hindi marunong magpasalamat e, 'tas obvious na nga ang sagot sa tanong niya pero tinatanong niya pa rin, aba'y tae lang.

"Nasa africa nag jo-jogging," mataray kong sagot sa tanong nito sabay irap sakan'ya.

Nabigla ito sa isinagot but later on, nakita ko na lang kung paano umisa ang labi nito na mas naging dahilan pa kung bakit ako mas nairita pa, "Saan ba natin karaniwang nahahanap ang baso? Edi sa kusina," mataray kong ani nito.

Bobo nito!

Gusto ko sanang idagdag pa ang mga katagang iyon pero hindi ko na lang iyon ipinagpatuloy pa dahil baka masapok ako ng lalaking ito. Baka kasi ma hurt ang ego niya e, marami pa naman 'tong achievement sa buhay.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon