Kabanata 71

2.3K 46 2
                                    

"P-apano? Paano niyo po nalaman ang tungkol kay Dashiel?"

Kung kanina'y ako 'yong hindi makagalaw dahil sa gulat. Sa pagkakataon na ito nama'y siya ang parang napako sa kinatatayuan niya. Napatigil rin siya sa ginagawang pagsusuklay sa buhok ko.

Mula sa salamin na nasa aking harapan ay kitang-kita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano siya namutla bago sunod-sunod na napalunok, "D-ashiel? Sino 'yan?" She aksed while trembling. Trying to make it sounds true, well in fact she's obviously lying.

Naniningkit ang mga mata ko na hinarap siya. Pinagloloko ba ako ng isang 'to? Well kung oo, hindi ako ganon  ka baliw at bingi para maloko lamang ng gano'n kadali.

But naloko ka niya? Kontra naman ng isip ko. Dahilan para mapailing ako.

"Really, you don't know him? Well, in fact sa bibig mo pa nga mismo galing ang pangalan niya," I said while watching her reaction intently.

Mukhang pinagloloko nga ako ng isang ito. Pero who you siya dahil hinding-hindi niya ko maloloko. Cause for pete's sake, isa akong psychology student, ibig sabihin kaya kong bumasa ng isang tao—kung nagsisinungaling ba ito o  hindi—sa pamamagitan lamang sa pagtingin sa reaksiyon ng pagmumukha nito and base on what I am seeing, obviously she's lying.

Nang mapagtanto niya siguro na pinagmamasdan ko ang reaksiyon ng pagmumukha niya'y mabilis niyang binago ang reaksiyon ng pagmumukha niya. "W-eh? Really? Sinabi ko 'yon?" ani nito sa isang masayang paraan. Pagkatapos ay sinimulan na nito ang naudlot na pagsusuklay sa buhok ko.

Mas lalo pang naningkit ang mata ko dahil sa nakitang mabilis na pagbabago ng reaksiyon ng pagmumukha nito. "Pinagloloko mo ba ako, Aling Bebang?" This time, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Tuluyan ko ng nasabi ang mga katagang kanina ko pa pinipigilan na huwag sambitin.

Muli itong napatigil sa ginagawang pagsusuklay sa buhok ko dahil sa tanong ko. Kitang-kita ko rin kung paano nito nahigit ang sariling hininga nito.

"H-indi.. Hindi iha," mabilis na tanggi nito. Dahilan para mas lalong maningkit ang mga mata ko.

Obvious na obvious na nagsisinungaling siya pero patuloy pa rin ito sa pagsisinungaling kahit na'y nabisto na ito. Well kunsabagay, may sinungaling ba na umaamin?

Kinuha ko ang suklay na hawak-hawak niya. Kapagkuwan, ay muli akong umikot paharap sa salamin. Then, I started to brush my hair before saying some words who make her freeze to death.

"Oh come on, Aling Bebang. Do you really think that you can fool me?" sarkastiko kong tanong sakanya habang sinusuklay ang sariling buhok. Sa pagkakataon na ito'y wala na akong pakialam sa inaakto ko, alam kong isang ka walang hiyaan at kawalang utang na loob itong ginagawa kong pagkompronta sakanya. Since, nakatira ako sa puder niya. Pero masisisi niyo ba ako kung ayaw na ayaw ko talaga sa mga sinungaling?

"W-hat do you mean?" tanong niya ng makabawi sa pagkagulat. Sa pagkakataon na ito'y puting puti na ang labi niya, isang indikasyon na kinakabahan siya dahil sa pagsisinungaling niya.

Tss... still lying eh?

Binitawan ko ang suklay na hawak-hawak ko, pagkatapos ay tinitigan ko siya sa mga mata niya gamit ang salamin na nasa harapan ko.

Napalunok ito. "You know what I am talking about Aling Bebang. So state it, sabihin mo na kung paano mo siya nakilala at kong paano mo nalaman na siya ang ama nitong bata na dinadala ko," ani ko habang nakatitig sa mga mata niya.

Napalunok naman ito ng sunod-sunod bago nag-iwas ng tingin. Samantalang, pinatili ko naman ang reaksiyon ng pagmumukha ko, never rin akong nagsalita kahit nay isang nakakabinging katahimikan na ang namumutawi sa gitna naming dalawa. Hindi ako nagsalita para mapilitan siyang sabihin ang alam niya.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERWhere stories live. Discover now