Kabanata 19

7K 94 8
                                    

KABANATA 19

NAPATIGIL ako sa balak kong paghuhubad sa polo na suot suot ko ng maramdaman ko ang pagyapos niya sa akin mula sa likod ko at ng marinig ko ang pag sambit niya sa mga katagang iyon.

"You dumbass! Close your fucking eyes!" ang galit niyang ani sa lalaking kaharap ko—sa lalaking naging kabungguan ko.

Namutla at nataranta naman ang lalaking kaharap ko ng marinig niya ang turan nitong lalaking nakayapos sa akin, dali dali nitong ipinikit ang mga mata nito at saka dali daling napatalikod mula sa gawi ko dulot ng pagkataranta.

"Where's the restroom?!" galit niya pang tanong.

Nakita ko naman kung paano mataranta ang mga kasamahan ko rito sa caffe dahil sa tanong niyang iyon.

Kalauna'y dali daling napaturo ang mga ito sa isang partikular na lugar, sa lugar na kung saa'y naroroon ang restroom.

"T-hat way po sir," ang lakas loob na ani ni Hill, isa sa mga kasamahan ko rito sa caffe at kaibigan ko.

Naglakas loob siyang sabihin ang mga katagang iyon pero ang pagkautal sa boses ay hindi niya pa rin naiwasan. Siguro dahil natatakot siya, natatakot siya sa aura at intensidad nitong lalaking nakayapos sa akin kung kaya't hindi niya naiwasan ang pagka utal. Kunsabagay, nakakatakot nga naman itong lalaking nakayapos sa akin, sa boses pa nga lang nito'y natatakot na ako, paano pa kaya sila na pati ang galit nitong aura ay nararamdaman nila?

Umalis ang lalaking iyon mula sa pagkakayapos sa akin, nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Pero ang paghinga ko ng maluwag na iyon ay agaran rin napalitan ng pagkahigit ng hininga ng maramdaman ko ang pagdapo ng mga palad niya sa palad ko.

Napatingin ako sa gawi niya ng maramdaman ko ang padapo ng mga palad niya sa palad ko at hindi ko inaakalang gano'n gano'n na lang ang pagkalaglag ng panga ko at ang pagkalaki ng mga mata ko ng makita ko ang pagmumukha ng lalaking yumapos sa akin kanina, na ngayon ay hawak hawak na ang kamay ko.

"S-ir?" ang di makapaniwalang tanong ko habang nakatingin sa gawi niya.

Nakita ko naman kung paano umigting ang panga nito ng marinig nito ang turan ko, kasabay niyon ay ang mas paghigpit pa ng pagkakahawak niya sa kamay ko na siyang naging dahilan kung bakit ako bahagyang napangiwi.

Babawiin ko na sana ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya dahil sa kadahilanang medyo mahapdi na ang kamay ko dulot ng higpit ng pagkakahawak niya rito, ngunit hindi ko na ito naituloy pa ng hilahin nito ang kamay ko patungo sa cr.

Nakayuko naman akong nagpatiuna sa mga hila niya, wala kasi akong choice kundi ang magpahila sakanya e. Wala akong choice pagkat sa pagkakataon na ito'y ramdam na raman ko na ang mga mapanuring tingin ng mga tao na nandidito sa caffe sa gawi namin.

At hindi ko inaakalang kung hindi ko mararamdamam ang mga titig na iyon ay 'tsaka ko pa lang maaalala kung nasaan kami.

Nandidito kami ngayon sa caffe, sa caffe na pinagtratrabuhan ko, sa caffe na maraming tao sa pagkakataon na ito dahil maulan, which also means maraming mga mata ang magmamatyag sa amin na ngayon ay nagmamatyag na nga.

Napahiya ako dahil sa kaisipan ko na iyon. Wala sa sariling ako'y mas napayuko pa ng maramdaman kong ang dating tingin na nagmamasid sa amin ay mas rumami pa.

Malalaki ang mga bawat paghahakbang na pinapakawalan ni Dashiel, kung kaya't ng marating namin ang gawi ng cr ay para akong nakipaghabulan sa sampung aso dahil sa hingal na nararamdaman ko.

Labis ang paghingal na ginagawa ko ng marating namin ang gawi nong cr. Ikaw ba naman ang makipaghabulan sa isang higante, na ang isang hakbang niya ay dalawang hakbang mo na, sino ang hindi hihingalin doon?

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERWhere stories live. Discover now