Kabanata 25

6.1K 101 9
                                    

I think, I'm losing the ink of my pen.

KABANATA 25

"DIDN'T I tell you that either you like it or not ay sasama ka sa akin sa drag race, ha?" ang nakaigting na pangang tanong nito sa akin.

Napairap naman ako dahil sa tinuran niya, ang bobo kasi e, hindi ba niya narinig 'yong tinuran ko kanina kay Kuya Noel? Para hindi niya ma gets kung bakit hindi ako sasama sakanila? Well, kunsabagay busy ito sa kalandian niyang babae kanina, kaya paano niya maririnig o mapagtutuonan ng pansin ang usapan namin kanina ni Kuya Noel?

Itinulak ko siya palabas ng cr baka kasi may makakita sa amin e, at pag-isipan pa kami ng kung ano.

"Hindi mo rin ba narinig ang usapan namin ni Kuya Noel kanina ha?" tanong ko dito sabay tulak rito, pero ang punyemas hindi man lang natinag.

"May trabaho ako kaya hindi ako makakasama sa iyo," dagdag ko pang ani dito habang tinutulalak tulak ito, pero ang punyemas hindi talaga natitinag. Mas lalo pa itong hindi natinag sa mga pagtulak ko sakan'ya ng humawak siya sa magkabilaang gawi ng pintuan at saka doon kumuha ng suporta. Nagmumukha tuloy akong tanga na tumutulak sa parang pader dahil sa tigas at sa tibay nito.

"At saka isa pa ba't ka ba naririto ha? E, may kasama ka naman doong babae?" dagdag ko pang tanong sakanya. Tinutukoy 'yong babae na kalandian niya kanina.

Tama naman ako 'di ba, may kalandian siyang babae kanina kaya bakit siya naririto—bakit niya ako ginugulo? At higit sa lahat bakit ako pa ang ginugulo niya at hindi na lang ang babae niya?

Ang kaninang nakaigting na panga niya ay unti unting naglaho at saka napalitan ng isang matamis na ngiti, ngiti na hindi ko alam kung saan galing, ngiti na siyang ikipinagtaka ko kung bakit sumilay. E kasi naman, hindi naman kasi joke 'yong sinabi ko sakan'ya e, kaya bakit siya ngumingiti ng parang timang diyan?

"Nagseselos ka ba?" he asked while smirking ang kahanginan ay hindi ko na mawari pa.

He asked those words out of nowhere and literally, it made me confused.

"Ha? Anong pinagsasabi mo diyan? Ako, magseselos? Sabog ka ba?" taka kong tanong sakan'ya ng hindi ko na kayanin pa ang pagtataka na nararamdaman ko.

Sinabayan ko pa ito ng isang pagak na pagtawa para maramdaman niyang natatawa ako dahil sa sinabi niya.

Because like heck, what did he just said? Ako, nagseselos? Bakit naman? I mean, bakit naman ako magseselos? E, hindi ko nga siya kilala e.

Yes, I know his name and achievement in life, pero hindi pa naman siguro sapat iyon na dahilan para masabi ko na, nakilala ko talaga siya, e no?

For me kasi, masasabi mo lang na kilala mo na ang isang tao kapag alam muna ang tunay na siya, kung alam muna ang mga flaws at strong part niya. And in his case, I can't say na kilalang kilala ko siya, cause like waht I've said, I just know his achievement and name, not his whole him. I don't even know kung saan siya nakatira at kung sino ang mga magulang niya kaya hindi ko talaga masasabing kilala ko siya.

At saka isa pa, bakit naman ako magseselos, e wala namang namamagitan sa aming dalawa? Heck, I don't even have a feeling for him.

Yes, I have an attraction on him, attraction sa physical appearance niya—sino ba naman kasi ang hindi ma a-attract sakan'ya, e ang pogi pogi niya—pero hindi naman siguro sapat iyon na dahilan para magselos ako 'di ba? Kaya anong binubutsi ng punyemas na ito, at paano niya nasabi na nagseselos ako?

Tila nasagot ang mga katanongan ko na iyon ng marinig ko ang mga sumunod na katagang binitawan niya, "You sounds bitter while saying those words honey," he said reffering to the thing that I asked a while ago.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon