Kabanata 87

2.9K 65 3
                                    

NANLAMIG ako dahil sa napagtanto 'ko. Kapagkuwan, ay ilang libong katanongan ang nangibabaw sa utak ko. Dahilan, para mapaluha ako ng hindi niya man lang namamalayan.

"So now tell me, sino—"

He was ranting about something ngunit hindi na niya ito naipagpatuloy pa ng malakas ko siyang sinampal. Dahilan, para mapasinghap siya at mapatigil.

Nanlalaki ang mga tingin ang kan'yang iginawad sa akin ng muli siyang tumingin sa gawi ko. Umiigting rin ang panga nito. Ibig sabihin ay galit siya. Galit siya dahil sa ginawa kong pagsampal sakan'ya.

Ang galit na kan'yang nararamdaman ay agarang napawi na para bang bula ng makita niya ang mga masasaganang luha na patuloy sa pagtulo sa mga pisnge ko.

Humakbang siya palapit sa gawi ko na may nangungusap na mga mata. Nangungusap ang mga ito na tila ba'y takang-taka ito kung bakit ko siya sinampal at kung bakit ako umiiyak.

"M-arra what happened." While saying those words he tried to reach me. But then, I easily slapped his hand away.. Away from me.

"Marra, what—" Hindi ko na siya hinayaan pang tapusin ang gusto niyang sabihin. Agaran na akong sumabat.

"Leave." Malamig at matigas kong bigkas na siyang nagpataka sakanya.

Ang kalituhan sa kan'yang mga mata ay mas lalo pang tumindi dahil sa mga sinabi ko. "W-hy?"

Nang dahil sa itinanong niyang iyon ay parang gusto ko siyang saktan—sakalin dahil sa galit na nararamdaman ko. Gusto ko siyang saktan kasi ang galing e! Ang galing galing mag-maang maangan. Ang galing galing niyag magmasng-maangan na wala siyang alam. Well, in the first place sa bibig niya pa nga mismo galing ang mga kataga na iyon.

So ano 'yon, nadala lang siya sa emosyon niya kaya hindi niya namamalayan ang mga kung ano-anong kataga na lumalabas mula sa mga bibig niya? Just wow! Ang galing ah!

"Nothing.." umiling ako. "Just leave."

Mas lalo pang dumaan ang kalituhan sa pagmumukha niya dahil sa naging sagot ko sa tanong niya.

"Nothing? Iyan lang ang rason mo kung bakit gusto mo 'kong paalisin?" Tumawa siya ng pagak. "Ayoko."

"Leave." Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"No. Ayok—" Hindi na niya naipagpatuloy pa ang balak niya pa sanang sasabihin ng sumigaw na ako, pero 'yong mga mata ko'y panay pa rin sa pagluha.

"I said leave, before I could kill you!" pagpuputol ko sakanya. Ang rason ko na iyan ay ang dahilan kung bakit ko siya gusto ng umalis. Baka kasi mapatay ko siya ng wala sa oras e kaya gusto ko na siyang paalisin.

Kilala ko ang sarili ko. At dahil kilala ko ang sarili ko, alam ko kung ano ang kayang gawin ko. Lalong-lalo na't sa pagkakataon na ito'y sobra-sobra ang galit na nararamdaman ko. Isama mo na rin ang kadahilanang, hindi ko pa kontrol ang sarili ko. Hindi ko pa kayang kontrolin ang sarili ko na huwag palabasin ang insane side ko and I am afraid that sa sobrang galit na nararamdaman ko'y lalabas ito, at kung lalabas man, natatakot ako sa maari kong magawa sakan'ya.

Akala ko'y aaalis na siya dahil natakot siya sa nga nalaman niyang kaya ko siyang patayin ngunit iba ang kinalabasan niyon. Dahil nanatili ito sa kinatatayuan niya na tila ba'y ni isang katiting na takot sa sarili ay wala siyang naramdaman. He just stand straight here, like he didn't give any fuck on what I've just said.

"No. Ayoko. Bigyan mo muna ako ng sapat na rason para umalis." Sa bawat pagsambit niya sa mga katagang iyon ay ramdam na ramdam mo ang diin. Na tila ba'y pinapaintindi niya sa akin na kahit anong gagawin ko'y hinding-hindi siya aalis unless kong magsasabi ako sakanya ng isang sapat na rason.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERWhere stories live. Discover now