Chapter 28

103 6 0
                                    

Nang maiparada ko ang sasakyan ko sa garahe, napansin ko na wala ang sasakyan ni Zion. Patay din ang ilaw ng bahay.

"Wala pa si daddy." Bulong ko kay Heaven nang mailabas ko siya sa sasakyan.

Sinindi ko ang ilaw sa salas at nilagay sa crib si Heaven. Tinali ko ang buhok ko at nag walis konti. Nag prito ako ng pork chop para may dinner ako at kung umuwi man si Zion.

Lumabas ako ng kusina at nilapitan si Heaven upang ipasipsip ang pacifier. Naka dapa ito at nakatitig sa tv. Sinindi ko kasi ito kanina at nag play ng pambatang palabas.

Hinahaplos ko ang ulo ni Heaven nang marinig ko ang busina sa labas.

Sunod sunod na ring ng doorbell ang bumalot sa bahay kaya tumakbo ako papunta sa pinto.

Nagulat ako nang makaharap ang isang taong hindi ko inaasahang makakaharap ko na tanang buhay ko.

"Are you Zion's wife?" Tanong ni Trixie.

Lumunok ako at tumango.

"Sumugod ang asawa mo sa bahay namin ng asawa ko, lasing na lasing. Nagwala siya sa labas ng bahay namin." Kunot ang noo'ng kwento ng babae

"Trixie!" May lalaking tumawag sakanya.

Nabaling ako sa likod niya at nakita ang isang lalaking akay-akay ang lasing na Zion.

"Zion!" Lumapit ako sa lalaki at tinulungan sa pagakay kay Zion.

May mga binubulong ito. Hinila namin siya papasok ng bahay at ihiniga sa sofa.

"I'm really sorry." Pag papaumanhin ko sa mag-asawa.

"I don't want this happening again Mrs. Axton." Madiing saad ng asawa ni Trixie at lumabas ng bahay. Pareho silang naka pajamas.

"Sorry, ah. Seloso kasi kaya napuruhan niya ata si Zion." Pag papaumanhin ni Trixie.

"Ako dapat magpasensya. Sorry talaga kay Zion. Pasensya na talaga sa perwisyo." Nahihiyang paumanhin ko.

"He is just.. dealing with something." Umiling-iling ako.

"It's okay. Pero sana hindi na ito maulit." Saad niya.

Hinatid ko siya palabas ng bahay at hinintay makaalis ang sasakyan nila bago muling pumasok sa bahay.

I clenched fist and stop my self from crying while staring at the drunk guy, laying on the sofa.

Pagod na pagod ako galing sa trabaho. Pagod ako kakaalaga sa anak namin, tapos ito ang uuwian ko?

Aasikasuhin ko ang asawa kong galing sa bahay ng ibang babae at lasing?

Maraming tanong at assumption ang pumapasok sa utak ko. Nag punta ba siya doon at nanggulo dahil nagmakaawa siya kay Trixie?

Ganon niya ba kami kaayaw ni Heaven kaya siya naglasing?

Ilang ulit na niya kaya kinulit si Trixie?

Nag makaawa na kaya siya na balikan ni Trixie?

Tumutulo ang mga luha ko habang kumukuha ng pamunas at damit para kay Zion.

Hirap na hirap ako dahil sobrang laking tao niya at mabigat. Galaw siya nang galaw.

Biglang nag alarm ang bahay.

"Shit!" Napatayo ako at tumakbo sa kusina. Sunog na ang niluluto ko at punong-puno ng usok ang kusina. Natataranta na ako dahil sa alarm ng bahay at sa malakas na iyak ni Heaven.

Hindi ko alam kung ano uunahin. Binuksan ko ang bintana sa kusina at tumakbo kay Heaven para buhatin siya. Tumakbo ako sa control room ng bahay at tinipa ang code para matigil ang alarm.

Escape Trilogy #1: Absconded with the WavesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora