Chapter 9

101 5 0
                                    

"Fuck!" I whimpered while holding my stomach.

Ilang minuto na ako dito sa loob ng banyo, sumusuka. Nailabas kona ata lahat ng laman ng tyan ko sa dami ng naisuka ko mula kanina.

Nanghihina na ako kaya tinungkod ko ang parehong kamay sa lababo at tinignan ang sarili sa salaming kaharap.

Malalim ang mga mata ko at merong luha dahil sa pagsusuka. Nangingitim din ang ilalim ng mata ko.

"Pagod lang ako." Kumbinsi ko saking sarili.

Bumaba ang tingin ko saaking katawang medyo nadadagdagan. Nitong nakaraan na mga araw pakiramdam ko busog na busog ako pero gutom.

I shook different thoughts away.

"Binubusog lang ako ni Zion." Patuloy kong kinumbinsi ang aking sarili at iniwasan ang ibang naiisip.

Lumabas ako ng banyo at bumalik sa opisina ko.

Inabot ko ang aking teleponong nakapatong sa mesa at nagulat nang makita ang oras.

"Shit!"

Kinuha ko ang lahat ng gamit ko at hinubad ang white coat bago sinabit.

Dahil nanghihina parin ako dahan dahan ako nag lakad palabas.

11 pm na at siguradong nag hihintay na si Zion. Hindi na kasi ako hinayaan ni Zion umuwing magisa lalo na at gabi na ako umuuwi at delikado daw ako magmaneho sabi niya. Saka na daw pag naturuan na niya ako magpaneho ng mabagal.

Nakita ko siyang nakaupo sa tapat ng reception area. Nakapatong ang siko sakanyang tuhod habang palingalinga.

Lumapit ako sakanya at ngumiti. Bigla itong tumayo at hinalikan ang noo ko.

"Done with work?" He asked

I nodded while smiling.

We walk to his car and left the place.

"How's your day?" He asked and squeezed my legs

"It's fine. Ikaw, kamusta ang araw mo?" He glanced at me and smiled.

"Tiring," he chuckled "We're planing on releasing new race cars."

"That's great!" Nag muka akong hindi masaya dahil sa tono ko. Inaantok na kasi ako at pagod. Napansin yun ni Zion kaya tinapunan ako nito ng mabilis na tingin bago muling tumingin sa daan.

"Are you okay,babe?" Kunot noong tanong niya.

"Yeah." I whispered

"Tired?" He gently asked and caressed my legs.

"Hmm.." and nodded.

"Sleep now, okay? I'll wake you up pag malapit na tayo."

"No! Hindi naman ako inaantok." Ngumiti ako sakanya.

"Are you sure?"

"Yeah, pagod lang talaga." I assured him.

"Okay... ohh! Wait—" biglang nag ring ang telepono niya at sinagot niya ito.

Nakita kong unregistered number ang tumawag sakanya bago niya yun sinagot.

"Hello? Who's this?"

"Sorry?" Kumunot ang noo niya at nang sumagot ang tao sa kabilang linya ang muka ni Zion ay hindi maipinta.

Hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila pero pinapanood ko siya.

"ZION!" Sigaw ko at ako na mismo kumabig sa manibela dahil muntik na kaming makabangga ng motor.

"Shit!" Mukang natauhan si Zion at binaba ang teleponong nakadikit kanina sa tenga niya.

Kunot noo ko siyang hinarap.

Escape Trilogy #1: Absconded with the WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon