Chapter 20

150 6 5
                                    

I closed my eyes shot before knocking. Medyo natagalan pa ang pag bubukas ng pintuan.

"Sandali!" Sigaw ng tao sa loob ng bahay.

"Sino sil—" nabitin sa ere ang tanong ni mama nang buksan niya ang pinto at nakita ako.

Nakita kong agad na nangilid ang mga luha ni mama. Agad itong lumapit saakin at mahigpit akong yinakap.

"Diyos ko! Ang anak ko! Panginoon!" Hinawakan nito ang muka ko bago muli akong mahigpit na niyakap.

"Mama," I whispered and sobbed. I hugged her back.

"Bakit ka hindi nag papakita at umalis nang walang paalam, Diyos ko anak naman!" Pangangaral ni mama.

"Ate?" May nag salita sa likod ko kaya nilingon ko ito at nakita si Cherith, panganay na anak ni mama sa bago niyang asawa.

"Ate!" Tumakbo ito palapit saakin at niyakap ako nang mahigpit.

"Kumusta?" Tanong ko sakanya habang nakangiti at hinahaplos ang likod niya.

"Ayos lang kami ate. Ikaw po? Kumusta na? Namiss ka po namin."

"Namiss ko rin kayo."

"Pumasok na muna tayo," yaya ni mama. Malaking mata ko siya tinignan. Wow! First time yun, ah!

"Sigurado ka?" Tanong ko kay mama.

"A-Ahh, kung gusto mo lang naman anak. Medyo maliit nga lang." Alanganing pagyaya ni mama.

"Sige po pero may gusto sana akong ipakilala sainyo."

"Sino? Si Zion? Kilala na namin siya, Winter." At medyo tumawa pa siya.

"Hindi po. Anak po namin ni Zion ang ipapakilala ko sainyo." Saad ko at halos lumuwa ang mata nila at nalaglag ang panga.

"A-Anak? Anak niyo?" Utal na tanong ni mama.

"Opo," sagot ko at tinakuran sila at nilpitan ang sasakyan ni Zion.

I opened the drivers seat and was welcome with Zion's warm smile and Heaven sleeping inside his arm.

"Are you okay?" Tanong niya.

I smiled, "Yes!" Kinuha ko si Heaven at pinasunod na siya. Nasa gilid ko si Zion habang nag lalakad kami palapit kila mama na mukang gulat padin. Bitbit ni Zion ang mga meryenda na binili namin, well binili actually ni Zion kasi siya nag bayad.

"Lola kana ma," saad ko nang makalapit na kami sakanila. Nilapit ko si Heaven kay mama para makita niya.

"Totoo ba ito? D-Diyosmiyo Amara Winter!" Nangangaral na sabi niya at kalaunan kinuha niya si Heaven mula sa kamay ko. Nagising si Heaven at tinitigan si mama pero agad din nag sara ang mata niya upang magpatuloy sa pagtulog.

"Napaka gandang bata," bulong ni mama.

Pumasok kami sa loob at binaba ni Zion ang pagkain sa coffee table. Lumapit ito kay mama at nag mano pero pagkatapos niya mag mano, hinampas ni mama ang ulo ni Zion. Lumaki ang mata ko at nagulat.

"Aray!" Daing ni Zion at hinimas ang ulo.

"Ikaw na lalaki ka! Gago ka binuntis mo pala ang anak ko!" Singhal ni mama.

"Pasensya na po, hindi ko rin po alam." Saad ni Zion. Medyo nalungkot ako sa sagot niya.

"Abat! Malamang may nangyari sainyo ano pa expect mo?!" Galit na sabi ni mama.

"Pasensya na po talaga, hindi ko po alam na sharpshooter ako— Aray!" Muli siyang sinapok ni mama.

"Yung anak ko!" Natatawa kong suway sakanila. Muka silang tanga.

Escape Trilogy #1: Absconded with the WavesWhere stories live. Discover now