Chapter 31

118 7 0
                                    

"Can't sleep?"

Bigla akong napabaling sa bumukas na sliding door. Tulog na ata ang lahat kaya lumabas ako kanina at nag papahanhin ngayon sa veranda ng kwarto.

Naka tayo ako at nakapatong ang forearms sa bakal habang tanaw ang mga agos ng dagat.

"Hindi naman..." sagot ko sakanya habang nakaharap sa dagat.

He wrap his arms around my waist from behind and buried his face in my neck.

"Tulog na kaya si Heaven?" Mahinang tanong ko.

"Mom sent me a photo of Heaven sleeping so I guess yes." Sagot niya at pinatong ang kanyang baba sa balikat ko.

"Okay..." sagot ko at hinawakan ang kamay niyang nasa tyan ko.

"Babe?" Tawag nito.

"Oh?"

"What's your favorite memory of us?" Tanong niya.

Napaisip ako, "Marami!" Masayang sagot ko at bahagyang tumawa.

"Hmm, really?"

"Oo!" Sagot ko.

"Ano-ano mga yun?" Tanong niya. Ramdam ko ang ngiti niya.

"Siguro isa na yung dinala mo ako sa Hundred Island!" Saad ko.

"Alam mo ba?! Dinala mo ako dati sa Hundred Islands tapos naabutan tayo ng ulan. Tapos para tayong tanga na sumayaw sa ulan." Nakangiti kong kwento. Hindi ko mapigilang matuwa sa mga ala-alang naaalala. Ang saya saya.. sobra!

"Really?" Ani Zion.

"Oo! Dream ko nga yun, eh! Yung maligo sa ulan! Kasi nung bata ako lagi akong pinag babawalan ni lola dahil baka magkasakit daw ako."

"Naiingit nga ako dati sa mga bata sa labas ng bahay namin na nag lalaro sa ulan. Hindi ko pinapansin si lola pag ganon, nag tatampo kasi ako." I chuckled.

"Pasaway ka siguro?" Tanong niyang tumatawa.

"Hindi kaya!" Mabilis na tanggi ko.

Ang kapal naman ng muka niyang sabihing pasaway ako, eh, siya nga tong laging gustong nasusunod ang mga gusto niya dati.

"Dinayo mo rin tayo dati sa Baguio. Sabi mo kakain lang tayo," tumawa ako, "Hindi ko naman alam na sa ibang region mo pala tayo gusto kumain." Kwento ko at napatawa rin siya.

"Tapos sa bike-kan, buti nalang gabi na noon kaya konti lang nag ba-bike, muntikan ka pa sumemplang kasi hindi ka pala masyado marunong mag bike." Humagalpak ako sa tawa nang maalala ang muka niya noon. Pulang pula at nahihiya na baka nakita siya ng ibang tao.

Narinig ko rin siyang tumawa. Humigpit ang yakap niya.

"Ano pa?" Tanong niya.

"Nung dinala mo ako sa light house! Naalala mo ba yung light house?" Tanong ko at bahagyang hinarap siya para makita ang muka niya.

I saw him slightly smirked and then chuckle before shaking his head.

"No," sagot niya habang tumatawa.

"Ikaw nakahanap nun, eh! Dinala mo lang ako doon tapos gandang ganda ako kasi nasa gilid siya ng dagat at kitang kita mula roon yung araw." Malawak akong ngumiti sakanya.

Bigla akong napaisip, "Wala nga pala tayong pictures doon, ano?! Sayang ipapakita ko sana sayo!" Masayang sabi ko at bahagyang ngumuso.

"Yeah... sayang." He whispered. Muli akong bumaling sa dagat at kaaya-ayang katahimikan ang bumalot saamin.

Kinabukasan, naisipan ng lahat na bumisita sa Paoay Church.

"Hindi kaya masunog ako pag pumasok ako dyan?" Tanong ni Autumn habang nakatingin sa simbahan. Malakas kaming natawa lalo na si Zion.

Escape Trilogy #1: Absconded with the WavesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin