Chapter 1

337 7 0
                                    

I parked my car beside the grocery store. Kailangan ko kasing mag grocery shopping ngayon dahil hindi ko napansing naubusan na pala ako ng stocks sa condo. Kaunti lang naman balak kong bilhin dahil madalang naman akong kumain sa condo. Minsan kasi nakakalimutan kona kumain dahil sa trabaho.

Pag pasok ko dumiretsyo agad ako sa aile 13 kung saan nakalagay lahat ng chocolates and candies. Kimuha ako ng sampung bars ng Cadbury dairy milk chocolate. Kumuha din ako ng chocolate chip cookies.

Masaya kong tinignan ang lahat ng matatamis na pagkain na nasa cart ko.

"For a dentist, that quite a surprise." Napatalon ako sa gulat nang may mag salita sa likuran ko.

Agad ko itong nilingon ko at muntikang masapok dahil sa gulat, buti nalang kamo nakilala ko siya agad dahil kung hindi nakahilatay na ito ngayon sa sahig. Swerte niya!

"Bakit kaba nanggugulat?" Napalakas ata boses ko kaya agad niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang malaki niyang kamay. Sa laki ng kamay niya nasama ang ilong ko sa natakpan kaya agad kong hinampas ang kamay niya dahil hindi na ako makahinga

Aba gago toh!

"What?!" Lito nitong tanong kaya inikutan ko nalang siya ng mata bago tinalikuran at nag lakad papalayo.

"Wait! Wait! Winter!" Sigaw ni Zion at hinabol ako habang tulak tulak ang sarili niyang cart.

"Sorry! Sorry!" Pag papaumanhin nito sa nabanggang matandang babae.

Nakabangga pa nga! Ang kulit kasi!

Namalayan ko nalang na katabi kona siya nang iharang niya ang cart niya sa cart ko. Sa gulat ko nabangga ko ang cart niya na bumuo ng malakas na ingay.

Nanlaki ang aking mga mata at nilibot ang mata sa paligid upang makita kung may nakakita. Naka hinga ako ng maluwag nang makitang kaunti lang ang tao sa paligid at abala ang mga ito sa pamimili na hindi manlang nila pinansin ang naging ingay.

Muli nanaman akong nagulat nang bigla niyang iharap sakin ang kanyang muka habang nakangisi dahilan para mas lalo akong mainis.

Bahagya niyang tinulak palayo ang shopping cart ko at humarang sa harap ko. Kunot noo ko siyang tiningala habang patuloy parin ito sa pagngisi.

"Puros matatamis kinuha mo pero muka kang nakakain ng maasim." Saad nito na ikinagulat ko. Tumingkayad ako at inangat ang kanang kamay para mabatukan siya. Medyo nahirapan pa akong abutin ang ulo niya dahil sa sobrang tangkad nito.

Tinulak ko siya pagilid para makadaan at matapos kona ang pamimili pero muli nanaman niya akong hinarang.

"I'm sorry!" Pag papaumanhin niya habang sinasabayan ang mga bawat hakbang ko

"Niloloko lang naman kita." Hinawakan niya ang balikat ko na agad ko rin inalis ang kamay niya.

"Ano ba kailangan mo?"

"Help?" Binuklat niya ang isang mahabang papel sa harap ko na may mga nakalista. Mga bibilhin ata.

"Aanhin ko yan?" Tanong ko

"Well... uhmm.. Can you please help me buy some stuff?" Mukang nahihiya pa ito habang nag sasalita.

Siya? Nahiya? Sa kapal ng muka ng lalaking ito, hindi niya alam ang salitang 'hiya'. Gulat ko nalang kung sakali.

He scratched the back of his neck flexing his toned arms. I snatched the paper from him and scanned the list.

May karamihan ang nakalista sa papel kaya tinulak ko siya para simulan ang pag hahanap ng mga nakalista. Nakasunod lang siya sa likod ko at inaabot ko nalang sakanya ang mga pagkain.

Escape Trilogy #1: Absconded with the WavesWhere stories live. Discover now