Chapter 16

166 6 0
                                    

"Give me your luggage." Utos ni Gray nang makita akong pababa ng hagdanan dala ang maliit na maleta ni Heaven. Inabot ko sakanya ang mga dala ko at inayos si Heaven na natutulog sa braso ko.

"Thank you." I smiled

"Welcome. Mauna kana sa sasakyan. Autumn is also there." Tumango ako lumabas ng bahay nila.

Ngayon ang uwi namin sa pilipinas at sobrang kabado ako. Halos isang taon o mahigit ata ako hindi umuwi sa pilipinas. Wala akong balita sa mga tao sa pilipinas pati kila mama. Pinapadalhan ko parin naman si mama at mga kapatid ko ng pera buwan buwan para kahit wala ako doon nakakatulong parin ako.

Pinag buksan ako ni tito ng pinto nang makitang papalapit na ako sa van. May kausap ito sa kanyang telepono. Nag pasalamat ako sakanya at ngumiti. Inalalayan din ako nito papasok ng van.

Naabutan kong komportableng naka upo si Autumn sa isang upuan. Naka salamin ito at tutok sa binabasang libro.

Nang maramdaman ako nito, binaba niya ang libro at bumaling sakin. She immediately smiled and pinched my daughters cheek.

"Ready?" She asked and get Heaven from me.

"Yeah." I answered. She looked at me and raised a brow. Maloko itong ngumiti bago mahinang tumawa.

"Gusto mong malaman kung ano pinag kakaabalahan niya?" Tanong niyo habang hinahaplos ang pisngi ng aking anak.

"Sino?" Nag taas ako ng kilay.

"Malamang si Zion na ama ng anak mo." Tumingin ito sakin at ilang beses nag taas baba ng kilay habang malokonh nakangisi.

"Heard a lot about him." She smirked and I rolled my eyes before getting my child back.

"Niloloko mo nanaman ako! Akin na nga anak ko." Saad ko. Mahina itong tumawa.

Pati pag uwi sa pinas, sagot nila Autumn ang pamasahe namin ng anak ko. Ayaw nilang tanggapin yung perang inaabot ko sakanila nung nakaraan para sana hindi na nila kami gastusan.

Kaya naman pala ayaw nila ako pagbayari dahil private jet ng ama ni Autumn ang gagamitin.

Mahimbing ngayon na natutulog ang anak ko sa braso ko. Inasikaso din kami kanina ng mga flight attendants.

"What food mo, Winter?" Tanong ni Autumn habang nakatingin sa laminated paper, menu. Naka upo ito sa kabilang gilid sa tapat ng bintana.

"Roasted Chicken with alot of broccoli, please." I answered. The flight attendant glanced at me and brightly smiled.

When we arrived, we were fetch by Summer's trusted drivers. Nag padala ito ng dalawang van. Toyota Hiace Super Grandia, para saming apat. At isang Toyota Hiace LXV, para sa mga bagahe namin.

Tumuloy kami sa dating bahay nila Autumn at ng nanay niya na pinalinis at pinaayos ni Summer.

Naisipan naming puntahan si Summer sa bahay nila para manggulo, malamang plano ni Autumn.

"Hoy Guevara!" Malakas na tawag ni Autumn kay Summer nang makarating kami sa bahay nila. Kulang nalang busalan ko ang bibig ni Autumn dahil para siyang nag hahamon ng away.

Agad lumabas si Summer mula sa isang silid at agad kaming niyinakap ng mahigpit.

"Akin nalang yung Super Grandia mo!" Inakbayan Autumn si Summer habang ako tumatawa sa gilid nila.

"Gago! Kay Kyro yung mga sasakyang sumundo sainyo." Inalis nito ang akbay ni Autumn sakanya.

Bumaling ito sakin at matamis na ngumiti.

"Geh! Tawagan mo nga si Kyro tapos sabihin mo sakanya na akin nalang sasakyan niya." Nag taas baba ito ng kilay kay Summer. Tinawanan nalang namin siya at hindi pinansin.

Escape Trilogy #1: Absconded with the WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon