Chapter 14

149 6 0
                                    

I was smiling like crazy while getting ready. Sa sobrang excited ko, maaga akong nagising at nag ayos. Masaya akong mag kikita kami ni Zion. Matapos ang ilang linggong hindi ko siya nakasama.

Medyo nahirapan ako mag-hanap dahil medyo halata na ang laki ng tyan ko. Ayaw ko naman mag suot ng masikip dahil iniisip ko na baka maipit si baby.

Ending, sinuot ko ang niregalo ni Autumn na dress noong birthday ko. White flowy dress ito at off shoulder na may strap. Ruffles ang sleeve nito at may mga tali sa dibdib. Nag lipstick at mascara lang ako para mas mag mukang presentable. Hinayaan ko lang na naka lugay ang bagsak kong buhok. Suot ko rin ang white doll shoes ko.

Ngumiti ako sa salaman. Masaya sa kinalabasan ng aking itsura.

Babae siguro anak namin. Dati kasi nang buhay pa si lola, sabi niya pag maganda daw ang babae habang nag bubuntis ibig sabihin daw babae ang batang dinadala.

Mahalaga ang babae sa pamilyang Amor kaya paniguradong magiging masaya ang pamilya ko pag nalaman nilang buntis ako. Mas magiging masaya kung tatanggapin ni Zion kami ng anak niya.

Bumuntong hininga ako bago inabot ang pabango. CH Carolina Herrera ang pabango ko, regalo naman ni Summer. Inuwi niya ito nang manggaling siya sa amarika para sa isang conference.

Masyado akong spoiled sa mga kaibigan ko.Dahil siguro bunso ako saming tatlo, minsan bine-baby nila ako. Pero ngayon ako pa unang mag kakababy saming tatlo.

Surprise!

Masyado nila akong bine-baby, yan tulong magkaroon ako ng baby.

Mahina akong natawa sa mga naiisip ko. Muli kong tinignan ang sarili sa salamin sa huling pagkakataon bago umalis ng condo.

Napag isipan naming magkita ni Zion sa isang parke kung saan walang masyadong tao.

Nang dumating ako doon wala pa si Zion kaya naupo muna ako sa pahabang upuan na kahoy.

Bawat minuto palinga linga ako para tignan kung dumating naba si Zion.

"Sorry i'm late." Pag papaumanhin niya. 45 minutes siyang late sa napag usapan naming oras.

"Ayos lang." at ngumiti ako sakanya.

Medyo malayo siya kaya lumapit ako sakanya. Mapansin niya ang pag lapit ko at bigla siyang napaayos ng upo.

Ngumiti ako sakanya bago pinatakan ng halik ang labi niya. Medyo nagulat siya pero kalaunan bahagya itong ngumiti.

"How are you?" I asked.

"I'm good. You? How are you?" He asked back

"Maayos naman, medyo stress lang." Mahina akong tumawa para pagaanin ang tensyon.

"That's good to hear," tumikhim siya, " Ano nga pala yung sasabihin mong importante?"

Mas lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Oo nga pala nag kita kami dahil gusto kong sabihin sakanya ang pag bubuntis ko. Nawala sa isip ko.

"Kain muna tayo. Doon ko na sabihin sayo." Sumangayon naman ito at naisipan naming kumain sa pinaka malapit na restaurant.

"What do you want to eat?" Tanong niya.

"Caesar salad with raspberry apple juice." I smiled.

Agad din namang dumating ang pagkain namin at habang nag hihintay kami kanina, naka tutok lang siya sa telepono niya.

Nalungkot ako, syempre ako ang ang nasa harap niya, ako ang kasama niya pero hindi niya manlang ako mabigyan ng kahit katiting na atensyon.

Tahimik din kaming kumain. Hinihintay ko siya na mag tanong tungkol sa sasabihin kong importante dahil hindi ko alam kung paano babasagin ang katahimikang bumabalot samin.

Escape Trilogy #1: Absconded with the WavesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ