Chapter 24

135 7 0
                                    

"Ang tanga mo naman Kenneth!" Puna ni Brayden sa kapatid ni Lore.

Kanina kasi, habang nag sisiinuman ang lahat, lumabas si Avô ng silid nila at inutusan ang mga lalaking kunin ang crib na binili nila ni Avó at iba pang kagamitan ng bata para kay Heaven. Ngayon, nag presinta ang mga pinsan ko na buoin ang crib.

Naka upo ako sa malaking higaan habang buhat buhat si Heaven sa braso ko. Katabi ko rin sila Avô at Avó habang pinapanood ang mga pinsan.

"Ang dami katawang gumagalaw pero ni isang utak walang gumagana." Puna ni Avô habang ang mga mata ay nasa nag babangayan na mga pinsan. Tumawa kami ni Avó.

Pano ba naman kasi! Ayaw nilang basahin yung struction manual. Namumula pa ang mga muka nila dahil madami na rin ang mga nainom. Konti lang nainom ko pero si Zion ay naparami dahil sumama siya kanina sa mga lalaki kong pinsan tapos sinamahan pa ng mga tito ko kaya talagang napalaban siya.

"What stupidity is this again?" Kalmadong tanong ni kuya Vikxler, na kararating lang, saaming tatlo nila Avô at Avó. Apat na kami ngayon na pinapanood ang mga pinsan na ayusin ang crib.

"Sabing hindi nga dyan yan!" Asik ni ate Dessy kay kuya Brayden.

Tumayo si kuya Vikxler at sinapok ang likod ng ulo ng taong unang nakita niya.

"Aray!" Reklamo ni kuya Kevin na nanahimik sa gilid. Hinimas himas nito ang likod ng ulo niya at napangiti nalang ako.

"Tapusin na natin ito nang makahiga na ang pamangkin natin at makapahinga na si Winter, tignan niyong kapapanganak ng bunso natin." Matigas ang boses niya kahit muka siyang kalmado.

"Si Kevin kasi ang bobo! Sabing kapapanganak ni bunso, eh!" Sita ni kuya Brayden kay kuya Kevin. Napanganga si kuya Kevin dahil siya nanaman ang sinisi kahit wala naman siyang ginagawa.

Isang beses na binasa ni kuya Vikxler ang manual at nagtulungan silang iassemble ang crib. Agad nila itong na assemble at chineck pa ni kuya Vikxler ang mga turnilyo para mas pahigpitan. Sila rin ang nag latag ng mga unan at kumot sa loob ng crib.

"Winter!" Tawag saakin ni kuya Vikxler nang matapos na nila ang crib. Lumapit ako at hiniga ang natutulog kong anak sa loob ng crib.

"Ang cute cute talaga." Bulong ni ate Eesyl. Nakapalibot kaming lahat sa crib at tinitignan ang natutulog na bata.

"Yeah," bulong ni kuya Vikxler at titig na titig kay Heaven.

Naisipan naman naming bumaba at tignan sila tito at Zion sa ginagawa nila. Sila ang umaasikaso sa mga ibang binili nila Avô at Avó. Kinakalikot nila ang baby bottle disinfecting and milk warmer. Nadatnan kong hinuhugasan ni Zion ang mga bagong baby bottle na binili rin nila Avô. Pinapasok ni tito Apostole at tito Rhimar ang baby bottle sa loob ng sterilizer. Inaayos naman ni tito Bryce at tito Dawn ang mga diapers at mga bagong damit ni Heaven na binili rin nila Avô. Mukang nalabhan na nila tito ang mga pambatang damit dahil nakalagay na ito sa basket. Dinryer siguro nila kaya natuyo agad.

Nag lakad ako palapit kay Zion at binanlawan ang nasabon na niyang bote.

"Babe, just sit down. I can do this." Utos ni Zion pero hindi ko siya pinakinggan.

"Come on, babe. Ako na dyan, magpahinga na kayo ng anak natin, susunod nalang ako." Malumanay na saad nito.

I washed my hand and reached for his cheek. Pinatakan ko ng halik ang pisngi niya. Gulat nanaman itong bumaling saakin.

"Avô!" Mahaba at malakas na sigaw ni kuya Kenneth. Lumingon ang lahat sakanya.

"Hinalikan ni Winter yung driver, Avô!" At tinuro pa kami nito habang nag susumbong. Nahiya ako at namula ang pisngi ko. Tumawa naman ang lahat at sinapok ni tito Apostole ang likod ng ulo niya.

Escape Trilogy #1: Absconded with the WavesМесто, где живут истории. Откройте их для себя