"N-no!" sumunod ako sakan'ya "You can't tell Alejandro!" bulyaw ko pero umakto ito na para bang walang narinig "He's not the fathe-"

"Nye Nye Nye" Aniya at tinakpan ang magkabilang tenga.

Napakunot noo at napaawang ang labi ko. Abnormal ba ito?

"Hindi si Alejandro ang ama ng anak ko!" giit ko pero nanatiling nakatakip ang tenga niya.

"AHHH, wala ako naririnig" he even shook his head.

Putang ina? Anong klaseng kahindotan ito?

Buti nalang at hindi siya Psychiatrist at baka magsama sama sila ng mga pasyenteng baliw.

"Doc please" I pleaded but he didn't listen.

Nagpatuloy ito sa paghakbang papalayo, Napalingon ako sa kwarto ni AA at naka bantay ang nurse sa labas nito.

Shit! Anong gagawin ko?!

Nagpatuloy ako sa pagsunod sakan'ya at pumasok ito sa loob ng isang kwarto at napagtanto na office pala iyon.

"Doc nagmamakaawa ako! " napasigaw ako at nagdadabog ko itong sinundan.

Bigla ako nito hinarap at inilapat niya ang hintuturo sa labi niya mismo "SHHH! huwag ka maingay baka magising ang baby ko!" bulong na pagsigaw niya kasabay ang malakas na iyak ng sanggol.

May baby dito?

Lumingon ito sa gilid ng office at nakita ko na may crib doon "See? Ang ingay mo kasi!" napakamot ito sa batok at humakbang papalapit sa crib, yumuko ito para buhatin ang isang baby, na hula ko ay nasa isang taon.

"Papu sino 'yan?" rinig kong tanong ng isang lalaki.

Napalingon ako kung saan ito nanggaling, isa palang binatilyo na hula ko nasa mga dose hanggang katorse ang taon, ang puti nito at medyo may kapayatan, may abuhing mata gaya ni Alejandro at Alessandro.

Hinarap ako ni Doc Alessandro habang hinehele ang anak "Magmano ka, that's your Tito's wife" asar niya at ngumisi.

"N-no-" pagtanggi ko pero biglang lumapit sa akin ang binatilyo at nagmano.

I'm not Alejandro's wife! Ako lang ang babaeng ini-blackmail niya at binuntis!

Bumalik ang binatilyo sa kinauupuan.

"Maupo po muna kayo Tita" magalang niyang ani.

Buti pa 'to hindi bastos, pero nanatili akong nakatayo.

Binabalak kong bantayan si Alessandro at dapat hindi niya sabihin kay Alejandro ang anak ko.

Inilabas ko ang Phone ko at ini-text si Nurse Evan.

' Punta ka dito, bantayan mo si AA 'I texted then a few seconds later he texted back.

' weyt nyu aku, d2 lang aku mng inasal '

"Papu, kailan tayo uuwi?" rinig kong tanong ng binatilyo kay Doc.

"Hindi tayo uuwi hangga't hindi ako nilalambing ng Mamu mo" sagot ng doctor habang patuloy na hinehele ang anak "Hindi tayo uuwi hangga't hindi niya ako tinatawagan tapos dapat sabihin niya I love you Darling, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka, Miss na Miss na kita" pantasya niya at napaupo sa swivel chair.

"but what are we gonna tell her? Sumama lang tayo kay Tito?" tanong ng binatilyo habang nilalaro ang daliri.

"No, I'll tell her that we visited your cousin" sagot ng doctor kaya napataas ang kilay ko.

Serie 2 - Attorney's Possesion (COMPLETE) Where stories live. Discover now