chapter 42: a real mom for me

153 1 0
  • इन्हें समर्पित: Bea Castro
                                    

"hayop ka jessica! bitawan mo nanay ko!!" nangingiyak na ako, andito kami sa side ng deck kung saan walang tao...dahil lahat ng tao nandoon sa kinalulugaran ng lifeboats

"oh? what if i dont?"

nangingiyak na talaga ako, nakakulong si mama sa bisig ni jessica at may kutsilyo na nakatutok sa leeg ni mama.. God please! help us!.. sisigaw sana ako ng tulong kaso 

"hephep, dare to shout and i'll shoot"..sa kabilang bisig ni jessica, hawak hawak na ang isang baril..na nakatutok sa akin

"p-please..nagmamakaawa ako.."

"awww, naaawa naman daw ako"

"please, hayaan mo na kami"

"uhm..NO"

"ano ba kasing nagawa ko! sabihin mo! yung kay carlo nanaman!? pwede ba, kinalimutan ko na siya!!"

"hindi na si carlo ang pakay ko, kundi si erwin MO"

O______O

"paksh*t ka jessica! busheeet anong ginawa mo sa kaniya!?!?!?" umaapoy na ang buong aura ko sa galit! pinapahamak niya mama ko! pati ba naman ang mahal ko, sasaktan niya?!!!

"watch your words ren, sa mga sinasabi mo pwedeng magbago ang isip ko at kakalabitin ko ito"..

hindi na ako nakapagsalita.. shems! si erwin!..si mama!.. tuluy-tuloy lang ang paghagulgol ko..hindi ito nangyayari

sana bigla nalang akong magigising sa gitna ng social at sasabihin nilang nanaginip ako, kahit nakakahiya mas okay pa yun kaysa sa nangyayari ngayon..

*sob

"p-please..t-tama na"..

"sorry, but NO.." tinignan ko siya

nasa likuran na niya yung mga manyak niyang alalay

"anak"..umiiyak na din si mama

"ma"..nangingiyak na kaming dalawa, si jessica naman tawa ng tawa.. demonyo ka jessica!!

*splasshhh

O______O

"MAAAAHHH!!! MAAAHH!!! MAMAAA!!!!"

agad akong tumakbo sa railings para sana sundan si mama sa tubig pero agad hinawakan ng mga lalaki ang mga braso ko

"MAAAAAHH!!!..MAAAAAA!!!!!!!!!!" tuluy-tuloy na yung hagulgol ko, masakit! masakit! sa mismong harap ng mata mo hinulog ang mama mo sa dagat!..

"TARANTADO KA JESSICA! DEMONYO!!..YUNG MAMA KO!!!! MAAAAAAAAAA!!!!!" 

"hahaha, you should thank me ren, nawala na sa buhay mo yung taong kinamumuhian mo"

"NAGKAKAMALI KA JESSICA! MAHAL NA MAHAL KO SI MAMA! KAHIT KAYLAN HINDI KO SIYA KINAMUHIAN!! NAGING MABAIT NA INA SIYA SA AKIN! AT NAGPAKABUTI AKONG ANAK SA KANIYA!!..HAYOP KA JESSICA!!..BITAWAN NIYO AKO! SUSUNDAN KO MAMA KO!!! KAHIT SA KABILANG BUHAY PA!!"..nahihirapan na akong huminga, iyak lang ako ng iyak ..ang sakit, ang pagkawala ng isang ina, trillions times na sinaksak ang puso ko..mas masakit pa naramdaman ko ngayon kaysa noong nawala si dad..

“anak, ren.. maligayang kaarawan, naghanda ako ngayon, imbitahan mo mga kaibigan mo  “

“no ren, paano mga bisita mo, gusto ko pa silang makilala ng mabuti”

"anak!.. tanggap na ako bilang waitress sa supreme hotel!..yung restaurant ngay sa first floor!"

"ma!, i love it! :">"

"talaga?..osha sha, kunin ko na itoh"

"i wanted to called you pia, but your dad wants to call you renalyn.. ilang beses pa naming pinag-awayan ang pangalan mo.. then we came up to the idea na ipagcombine nalang".

"anak, ngayung 5pm may cruise ship service kami, sabi ng chef namin, pwede kaming magsama ng isang tao..gusto sana kitang isama"

"anak, you're sad"

"ren, i'm sure magkakaayos din kayo, besides, buti nga niyaya kita sa cruise na mangyayari atleast malilibang mo saglit ang sarili mo"

"hahaha, masyado ka kasing masipag ma"

"asus, nambola ang dalaga"

"ma, you're tired, you better rest"

"no ren..trabaho ko ito..don't worry about me..just enjoy haa?"

"you sure?"

"im sure"

"ma, kapag napagod ka, i-upo mo lang haa? huwag mu masyado istress sarili mo"

"hahaha, salamat anak haa?..osha sha"

para akong unti-unting pinapatay..! ang sakit mawalan ng ina, ng karamay..siya ang nagluwal sa akin, siya na nagpahalaga sa katauhan ko..madami siyang nagawang bagay na makapagsasaya sa akin.. lahat ng memories with her, ni minsan hindi niya ako tinaasan ng boses, ni minsan hindi niya nagawang magalit sa akin.. i love my mom, hindi ko makakayang mawala siya...

"MAAAAAAAA!!!" sigaw padin ako ng sigaw, i don't care kung mawalan ako ng boses, hindi ko kakayaning mawala si mama!!

"anung nangyayari diyan?!" rinig ko na sigaw ng i think is yung captain, nagflash siya ng ilaw sa lugar namin

"seamen!!! ON FRONT DECK! NOW!" sigaw nung captain

"sh1t" rinig kong sabi ni jessica

"mga kumag! dalhin niyo na yan sa ship!!" sigaw ni jessica sa mga manyak niyang julalay... tuluy-tuloy parin ang pag-iyak ko..ang sakit talaga..okay lang sa akin kung saktan nila ako, nakawin pagkababae ko..mga yun makakaya ko pa, pero ang mahulog ang ina sa tubig mismo sa harapan ko.. HINDI KO KAYA!!!

binuhat na ako ng mga julalay ni jessica, hindi na ako nagpumiglas, nanghihina ako..nanghihina ako sa nangyari... pagkarating sa pirate ship nila jessica,hinang hina ako kaya tinapon nalang ako basta-basta sahig..excuse me hindi po ako sako ng bigas :(..napagulong pa ako ng di oras.. agad nila itong pinaandar palayo, tumingin ako sa cruise ship at madaming nagsisigawang mga tao

"ibalik niyo siya!"

"hooy!!" 

mga sigaw nila.. nakahambalusay pa din ako sa deck ng ship nila nang lumapit sa akin si jessica

inangat niya yung chin ko at dinuraan ang noo ko

"sh1t ka ren, kung hindi ka sana nagsisisigaw edi sana hindi tayo nahuli! pasalamat ka nakalayo tayo kaagad doon!!" sabay sampal ng malakas sa pisngi ko.. heto ako, umiiyak nanaman, nahihirapang huminga..

4 words, 6 syllables:

hindi ko na kaya

Imperfectly YOURSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें