chapter 5: My terribly ! :">

302 4 0
                                    

RENALYN'S POV

and i'm definitely right.. he's the guy whom i bumped into when i opened the door of my room in our HOUSE!..grrrr

nandito kami ngayon sa park, trineat ako ni Erwin ng ice cream.. oo, si erwwin yung pinsan ni Karel.. its a small world after all =___= wala na akong nagawa dahil kaylangan ko din ng taong magpapakalma sa utak kong hindi gumagana... sa utak kong pilit kong gusto makicooperate pero wala parin..anu ba naman kasi! simula nung araw na iyon hindi na iyon maalis-alis sa utak ko >_< please brain, don't make me suffer..huhuhu

*sigh

"problema mo?" tumingin ako sa kaniya. 

"hmp, sunget".. naglakad-lakad lang kami ..actually naka-ilang ikot na kami dito sa park. nakakapagod sa paa ..ohmegehd i need to sit down. umalis ako sa rock path at pumunta sa grassy part, tumabi ako sa isang puno at doon umupo. saktong-sakto ang pinwesto ko dahil tinatakpan ng puno yoong sikat ng araw..pinapaypay ko mukha ko gamit ang kamay ko.. soo freaking hot >.< maya-maya may tumabi sa kanan ko, sino pa ba? edi si erwin.

"may gumugulo sa utak mo ano??" biglang pagsasalita ni erwin

"eh..k-kasi ano..."

"i know, hindi mo parin matanggal sa isip mo yung mamang gusgusin" lumaki mata ko at napatitig sa kaniya

"a-ano?.. p-pano mo--"

"nung araw na iyon, nagpunta din ako sa coffee shop na iyon, nasa right lang ng table niyo ang table ko.. actually nakatalikod ako kaya hindi mo ako nakikita..hanggang sa marinig ko lahat lahat..." tumigil siya, hinintay ko na magsasalita siya ulit pero .. 5 minutes of deafening silence =__=

"teka stalker ba kita?" sabad ko para naman hindi mapanis laway ko sa hindi pagsasalita

"hindi noh, coincidence lang kasi favorite ko and shop na iyon kaya madalas akong tumatambay doon"

"pero--"

"alam mo miss renalyn, kung pipilitin mo mang halungkatin ang nakaraan diyan sa utak mo, wala ring lang mangyayari..may mahagilap ka man kaso kakaunti lang, dahil hindi sapat na sa sarili mo tanungin lahat ng iyan..."

"teka ano ba pinagsasa---"

"sadyang may mga bagay lang na dapat idaan sa tanong,parang tsismis lang iyan, hinding-hindi ka makukuntento kapag hindi pa malinaw sa iyo lahat, hinding hindi ka magiging masaya kung hindi mo palalayain ang puso mo at hayaang magtanong ng magtanong hanggang sa mahanap mo na ang kasagutan"  tumayo na siya at ini-abot ang kamay sa akin..tinignan ko lang ang kamay niya tapos tingin na din sa kaniya

"iuuwi na kita, maggagabi na". in-ignore ko yung kamay niya at hinatid na nga niya ako, dahil nga malapit lang ang bahay namin ay naglakad nalang kami. nakarating na kami sa tapat ng bahay ko.

"ano, pasok na a----"

"sige" at naglakad na siya papalayo.. teka lang ha, batukan ko lang siya sa isip ko.. *TOINK!!.. nakaka-inis haa! palagi nalang niya akong pinapangunahan, pag magsasalita ako magsasalita kaagad siya..ayaw niya ba akong pagsalitain?..grrr

pumasok na ako sa bahay at nadatnan kong may kausap si mama na isang babae, napansin nila ako at napatigil sila sa pag-uusap. mukhang nanlaki ang mata nung matandang babae at si mama naman hindi makatingin saakin.. isang malaking question mark ang lumulutang sa toktok ng ulo ko.. hayy. umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga.. hours past....

Imperfectly YOURSWhere stories live. Discover now