Busy ako sa pagbabasa ng mga sales report. Kumunot at nagkasalubong ang kilay ko sa aking nababasa. Bakit bumaba iyong income sales namin sa Quezon? What happened?

I pressed the intercome to call Mara, I need to ask her about this. Mygad! Anim na buwan lang ako nawala pero bumaba na agad iyong sales namin. What the hell! Hindi tama ito at hindi puwede na bumaba ng gano'n kadali.

Ano iyon sa anim na buwan na iyon ay hindi man lang tumaas iyong sales resport? Consistent lang siya gano'n? At masama pa ay bumaba last month.

Pero bakit hindi sinabi ni Mommy sa akin 'to?

I heard a knock on the door. I know it's her, my secretary.

"Mara, come in!"

"What's the matter, Miss Alora?" she asked the moment she entered my office.

I let out a heaved sigh. Umangat ang tingin ko at binigay sa kaniya iyong sales report para ipabasa.

"Bakit bumaba iyong sales? At ni minsan ay hindi tumaas? At ang masama pa ay last month lang siya bumaba." Pinipigilan ko ang sarili na huwag sumigaw, at huwag mainis sa mga nangyayari.

Mara looked away and took a deep breath. "Hindi po ba sinabi sa inyo ni Madame, Miss?"

What? Ano ba ang nangyayari?

"No! And what the hell is happening to my business in Quezon? Tell me honestly, Mara what is happening?" I asked her again but this time in a high pitch of voice.

I am mad because they're hiding something to me. This is my business, I work hard to have a successful business. Hindi ko hahayaan na mawala sa akin ng gano'n-gano'n lang. Dugo at pawis ang nilaan ko rito kaya hindi ako kakalma.

"Kasi po Miss may... ano— matumal ang sales natin sa Quezon dahil may bagong bukas na coffee shops do'n katapat ng Blend and Sweetness Cafe tapos po palagi pong may promo sa kabila kaya—"

"What? At walang ginawa iyong manager ro'n? Wala kayong ginawa?!" Naiinis na sigaw kong tanong. "Buong akala ko maayos ang business ko pero bakit ganito, Mara? I trusted you,"

"I'm sorry, Miss. Ginawa ko po ang lahat para mapataas iyong sales. I even suggest na mag-sale rin kahit 70 percent off per box of cupcakes pero ayaw po ni Miss Patricia kasi... kasi kaibigan niya rin iyong owner."

Napatakip ako ng bibig ko sa aking narinig mula kay Mara. Tangina! Patricia didn't do anything about this? Hinayaan niya na bumaba ang sales? Kaya ba pinipigilan niya ako na magpromo kanina?

Kaibigan niya rin iyong owner? Like what the ef! Company niya rin ito at kaibigan niya rin ako. Huwag niya lang idahilan sa akin na successful na ako.

Nakakainis!

"Alam din ba ni Mommy 'to?" I asked coldly.

Mara nodded her head. "Yes, but she's against on my suggestion too."

I took a sharp breath and clench my fist. My anger is running through my viens and anytime I will explode.

"Get out!" I yelled. I even throw all the papers to her, all the papers that I'm able to hold.

How can they do this to me? And who is that friend of her? Tina? No! Hindi! Not her!

Galit na galit akong tumayo at nagmartsa palabas ng opisina ko. Mabibigat ang hakbang na ginagawa ko patungo sa opisina ni Patricia, hindi na ako kumatok pa at dire-diretso papasok sa loob ng opisina niya. Handa na sana akong bulyawan si Patricia ngunit agad din akong napatigil at napatakip ng labi. I was looking at the tarpaulin and the man beside the tarpaulin. He was holding a Boquet of flowers and expensive chocolate, and a small red box.

What the! What is the meaning of this? 

Binasa ko iyong nakasulat sa Tarpaulin at nag-uunahang tumulo ang mga luha ko sa aking nababasa. Ohmygadd!

"What is the meaning of this, Zyair?" I asked while crying.

He smiled. "Our surprise for you..."

"But why? I thought you already have a fiance but why are you doing this?" Umiling-iling ako sa harap niya. "Huwag mo naman akong paasahin, Aeon. Pagod na kasi akong masaktan ulit eh."

"Who told you that I will hurt you? Ikaw nga itong nanakit sa akin eh. But you know, I won't let it happen again. Hindi na kita hahayaan na iwanan ako." Naglakad siya papalapit sa akin. Binigay niya ang bulaklak at chocolate sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at dahan-dahan na pinunasan iyong mukha ko gamit ang kaniyang malambot na kamay.

"Shh! Don't cry! Nasasaktan ako na makita kang umiiyak at nasasaktan eh," usal nito.

Mas lalo akong napahagulgol ng iyak nang maalala ko kung ano ang ginawa ko sa kaniya 6 months ago. I broke up with him through phone call, and I didn't give him a chance to talk.

"I am sorry..." I sniffed. " I am really sorry!"

He shook his head and smile. "You don't need to be feel sorry, Alora. Maybe it's my fault too why you left me, why you broke with me..."

Umiling ako. "Hindi mo ako deserve, Zyair. Bakit ako? Hindi mo ako deserve dahil masasaktan ka lang... hindi ako ang para sa iyo."

"No. I deserve you... mahal kita, Alora at wala akong pakialam kung paulit-ulit akong masasaktan. Ayos lang naman na masaktan ako basta ikaw... mahal kita kaya ayos lang." Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Pero nanatili pa rin ang tingin ko sa ro'n sa nakasabit na tarpaulin.

Patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko habang nakatingin do'n. I never wished this. Ito na ba ang surprise ni Patricia sa akin?

Surprise nga ba ito o suhol? Magiging masaya ba ako o malulungkot dahil isusuhol niya sakin si Zyair para hindi lang ako magalit sa kaniya?

Anong plano mo, Patricia? Anong binabalak at ginagawa mo?

Will you be my girlfriend again, Alora?

SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️Where stories live. Discover now