Chapter 5

750 29 3
                                    

Chapter 5

I was  biting my lip while looking at his back. My brows furrowed when I saw him laughing with my staff, Samantha. Andito siya ngayon  sa coffee shop para bumili raw ng kape. Nakakapagtaka lang kasi bakit dito pa sa coffee shop ko kung puwede naman doon sa tapat ng RCC diba? I mean mas malapit iyon kaysa dito sa Blend and Sweetness.

"Baka matunaw iyan," mapanuksong wika ni Pat. Napabaling ang tingin ko sa kaniya. Nakangisi ito at nagtaas baba pa ang kaniyang kilay na para mas lalong tuksuhin ako.

Pinandilatan ko siya ng tingin. "Don't me, Pat."

"Asus! Ayos lang naman sa akin kahit titigan mo ang pinsan ko." Nakangisi ang gaga na para bang tama ang hinala niya. "Basta ba... saluhin mo rin kapag nahulog sa 'yo."

"Tigilan mo nga ako sa panunukso mo, Patricia Arquette," iritang usal ko. Inirapan ko siya at pinagpatuloy na ang pagtitipa sa laptop.

I'm on my works right now. Gusto ko lang na dito sa labas gumawa  para makakita ng ibang tao. Ngunit maling desisyon ata na dito ako nagtatrabaho sa labas. Patricia is always pestering and teased me. She's not Patricia kung hindi niya nasisira ang araw ko.

Sirain ko rin kaya ang buhay niya para fair kaming dalawa? Pero syempre joke lang. Kahit na siraulo ang babaeng iyan ay mahal na mahal ko pa rin siya.

"May pa-lip bite ka pa kanina eh. Do you think hindi ko nakita iyon? Gezz! Daig pa CCTV itong mata ko." May halong pagmamalaki sa boses nito.

"And proud ka pa diyan?" Naiinis na tanong ko.

She laughed happily. "Of course! This is my asset at dapat lang na maging proud ako."

I rolled my eyes on her. Gadd! Bakit ko nga ba ulit naging bestfriend 'to?

Whatever Pat! Whatever.

Hindi ko na siya pinansin bagkus ay pinagpatuloy ko na ang pagtitipa ko sa aking laptop. May mga reports ako na kailangan tapusin at gagawin na dapat si Mara ang gumagawa but since may sakit ito. Sino pa ba ang gagawa? Syempre ako lang.



Mara is on leave at alangan naman na mag-hire ako ng bago kung kaya ko naman diba? I can do multi-tasking.

"Zyair!" Napaangat ang tingin ko kay Pat, pinandilatan ko siya ng mata.

Gaga talaga eh.

"What?" Nakangising tanong nito sa akin.

Sasagot na sana ako nang makita ko si Zyair sa harapan namin. May bitbit itong cup of cremá coffee sa kaliwang kamay nito.

Ngumiti ako sa kaniya sabay buga ng mahinang hangin. "Take a sit. You can join us."

Umupo na si Zyair sa isang bakanteng upuan. Konti pa naman ang iyong mga tao rito sa café.

Tahimik lang ako habang nagtitipa pa rin sa laptop ko at hindi pinansin ang kanilang presensiya. Nakakainis nga dahil si Pat ay todo reto ako sa pinsan niya. Tsk! Kulit.

"Hoy Alora! Mamaya ka na nga magtrabaho. Kausapin mo naman si Zyair," usal ni Pat. "Marami ka namang pera at kaya mo nang bumuhay ng pamilya..."

Nasamid ako sa sinabi ni Pat. Ano raw? Bumuo ng pamilya? Gaga ba siya?!

Umangat ang tingin ko kay Patricia. Isang matalas at masamang tingin ang iginawad ko nang makabawi ako mula sa pagkasamid.  "Gaga ka ba? Anong pamilya ang pinagsasabi mo? Seriously, anong natira mo?!"

SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️Where stories live. Discover now