Chapter 21

498 15 2
                                    

Chapter 21

I thought I already moving on but I was wrong. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay parang bumalik lahat-lahat ng sakit na naramdaman ko noong apat na buwan ang nakalipas. Akala ko ba ayaw na niya, ayaw na niya sa akin? Pero bakit parang pinaglalaruan ulit ako? I know he's mad and he wanted to take a revenge, and I won't let him.

"Gadd! Particia! Don't ask me what happened between us... I swear hindi talaga maganda." Mariin akong pumikit para alalahanin ang nangyari sa opening party. I don't know what is happening to him.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa lalaking iyon. I don't want seeing you with another man, Alora. I hate it... I really hate it," he deeply said.

I rolled my eyes. "Kapag ikaw puwede? Sa akin hindi? Aba! Ang unfair naman no'n."

"Remember you're the one who push me away. I always chasing you but you always keep pushing me to your cousin..."

Naiinis akong tinanggal iyong kamay niyang nakaharang sa mukha ko. Mariin ko siyang tinignan sa mga mata. "Sana nga maibabalik ko iyong dati eh. How I wish I could go back in the past... you know I really regret it. I regret that I sacrifice my happiness to someone who doesn't deserve it."

"What do you mean by that? Your—"

"It's nothing. Don't mind me, Zyair. You and I are over." Putol ko sa sasabihin niya. "Tapos na tayo simula no'ng naniwala ka sa kanila. Alam kong may mali ako, mali ako sa pagtulak sa iyo papalayo sa akin. Ngunit hindi iyon ang dahilan para sabihin mong masama akong tao. I did it on purpose... pinaalis ko sila sa bahay na may rason, and that reason is confidential. Hindi ko sasabihin sa iyo dahil alam ko rin na balang araw ay malalaman mo rin."

Huminga ako ng malalim at iniwan siya ro'n na mag-isa. Bahala siyang mag-isip diyan. Ayaw ko na dahil pagod na akong umasa na pag-asa pa. Alam ko naman in the end masasaktan lang ako kapag nagpatuloy pa. Why not tapusin na lang diba?

"Affected ka pa rin?" Tanong nito sa akin. "I know you were... sinasabi mong hindi but deep inside you were affected, you're still affected."

"Still we're not meant for each other. Hindi kami puwede at kahit anong pilit ay hindi talaga puwede," mahinang usal ko. "I shouldn't think this way, Pat. I know I and Zyair is already over. Our love story is already done... kahit hindi pa nagsisimula ay tapos na dahil Natalia and him are getting married soon."

"What?!" She hysterically asked.

I slowly shook my head. "I don't want to torture myself. So, I am giving up. Ayaw ko na, pagod na ako."

"What I mean is how did you know that they're getting married?" mahinang tanong ni Patricia. "Akala ko kasi pumunta lang sa bahay nila Tita si Natalia para makilala pero hindi ko pala alam na gano'n na iyon. Sana pala pumunta na rin ako sa party na iyon." She let out a deep sigh after she finished her sentence.

Sumandal ako sa swivel chair at binaling ang tingin sa labas. Maliwanag at maaliwalas ang panahon ngayon. Tahimik ang loob ng opisina ko, wala rin akong balak na magsalita dahil nga wala naman na akong dapat sabihin. Pagod na rin naman akong umasa... pagod na ako sa aming dalawa. Bakit pa ba ako lalaban kung sa una pa lang ay wala na akong laban?

Zyair is getting married soon.

Napatingin ako sa pintuan nang bigla itong bumukas at niluwa roon si Mara, iyong secretary ko. A genuine smile formed on her lips, so I smile back.

"Ma'am andito po si Mr. Trey."

"Papasukin mo na lang dito sa opisina ko and please bring us some coffee," I uttered and Mara just nodded her head for an answers.

Sinarado na ni Mara ang pintuan ng opisina ko. Tumingin ako sa gawi ni Patricia at nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin. Nakakunot rin ang kaniyang noo na parang nagtataka.

Maybe she's wondering why Trey is here. Well, I am too.

Bumukas ang labi niya ngunit niya rin itong isinarado dahil biglang bumukas ang pintuan. Sabay kaming napatingin ni Patricia sa pintuan at nakita namin si Trey na bihis na bihis.

Saan kaya ito pupunta?

"Balik lang ako sa opisina ko, Alora, maiwan ko muna kayong dalawa." Tumayo na si Patricia mula sa pagka-upo mula sa couch. Isang tango lang ang sinagot ko sa kaniya.

I let out a deep sigh. Tumingin ako kay Trey ulit and he's wearing a big smile on his lips.

"Where are you going? Bihis na bihis ka ah?" tanong ko nang makaupo ito sa harap ko, which is sa upuan na nasa harap ng desk ko.

"Yayain sana kita ng date— I mean lunch sa labas," nahihiyang usal nito. Napakamot pa siya ng batok at umiwas ng tingin sa akin.

"Lunch? Maaga pa naman ah. Alas deis pa lang ng umaga... ang aga mo naman manghalian, Trey."

He coughed. "Ah kasi—ano gusto kitang.... gusto kitang yayain kumain sa labas at alam mo na gumala just like before."

"You mean you want us to go out? To go on a date just like before?" I asked him and he nodded.

I took a deep breath. "Trey, I already told you that I am not ready to enter a relationship, and you know the reason. Traumatize ako at saka may iba akong gusto."

Totoo naman kasi diba. Alangan naman na papaasahin ko siya sa wala. Hindi ako gano'ng tao, hindi ako paasa. Kapag ayaw ko talaga ay ayaw ko talaga. Hindi ako mapipilit.

"Alora, I just want to try it again... I know you're traumatize. Na-trauma ka sa ginawa ko sa 'yo dati and I'm sorry for that. I promise I will never be a jerk again but please give me another chance." He hold my hands. Tumingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko. He gently massaged it and the old memories bring together in my mind.

"P-please! Just give me another chance to prove myself to you again. Just let me love you... just let me show you my love and efforts."



"B-but—"

"I will wait. Maghihintay ako kung kailan ka magiging handa. I will wait..." he cutted me off.

I just nodded my head. Hindi na rin ako makahindi sa kaniya dahil nga persistent siya. Gagawin ni Trey ang lahat para mapa-sagot ako at makuha niya ang sagot na ninanais niya.

Ayaw ko rin naman na mangulit pa siya kaya hahayaan ko na lang. Maybe he can teach me to love or like him again, and maybe ito na rin ang daan ko para makalimot kay Zyair.

Alam kong masama tignan dahil parang naging panakip butas ko si Trey. Pero siya naman nag-insist no'n. Kahit na humindi ako ay ipupursige niya pa rin. What's the point diba?

I'm just hoping that, in the end I will like him back just like before. That I will forget Zyair and I will be happy with my decision.

My decision was to be with Trey...

All of us are not perfect, all of us made mistakes and we deserve to be forgiven. Deserve nila—natin ang second chance at mapatawad.

——

A/N: Happy Valentine's Day!

Ito na ang update ko ngayong valentines at sana magustuhan niyo.

Your vote, comments and follows are highly appreciated. Thank you!

HAPPY 1K SA ATIN MGA MAHAL!💛

SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora