Chapter 3

826 33 4
                                    

Chapter 3

I was looking at Tita Shane face. Mataray pa rin ang awra niya at kinakabahan pa rin ako hangang ngayon. Hindi ko talaga alam kung bakit nandito siya sa Pilipinas at anong sadya niya sa akin. Bakit siya napunta rito sa Coffee Shop ko.



Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Ano ang sadya niyo sa akin, Tita? I mean ano ang ginagawa mo rito sa Pilipinas? Buong akala ko ay sa Canada ka na for good."

"Vacation... Me and Natalia need a vacation. We decided na sa Pilipinas na lang magbakasiyon at gusto sana namin na sa inyo tumira since mayaman ka naman," walang pag-alinlangang sabi nito.

Medyo umawang ang mga labi kong nakatingin sa kaniya. Hindi naman ako nabibingi diba? Gusto nilang tumira sa bahay ko? Dafuq! Seryoso iyon? I thought she was kidding but I was wrong. Hindi niya binawi ang kaniyang sinabi.

"Ilang days?" I asked calmly.

"It's not days. 3 months lang naman kung ayos lang sa 'yo." she asked.

3 months lang naman? lang naman? Wow!

Mapakla akong ngumiti kay Tita Shane. 3 months? Hindi naman sa nagrereklamo ako pero tatlong buwan? Hindi naman ata hotel iyong bahay ko para doon sila tumira diba? Nag-iiba ba talaga ang ihip ng hangin? Noon ayaw nilang makisama sa amin dahil nga mahirap daw kami at ngayon? They want to stay in my house for 3 months? Wow! This is unbelievable.

Hindi ba sila—siya nahihiya na sabihin sa akin ito?

"Uhmm Tita, hindi naman po sa ayaw ko kayong patirahin sa bahay. Pero puwede naman po kayong maghotel na lang or mag–rent ng apartment since mayaman at may pera ka naman diba?" Nakangiting tanong ko kay Tita Shane.

I didn't mean to offense her but that is true. My house is not a hotel or an orphanage.

Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniya labi at agad itong napalitan ng isang masamang tingin. Napalunok ako ng laway at napabuga ng malakas na hangin.

Tsk. Bakit ba ako kinakabahan tuwing kaharap ko siya? Hindi na ito katulad ng dati. Mayaman na ako—kami ni Mommy at hinding-hindi na niya kami maapakan. Pero pamilya ko pa rin siya. Tita and Natalia is part of my family. hayss!

Bakit ko pa rin ba iniisip na part sila ng pamilya ko? Gadd! They're not even think us as part of their family.

"Fine! But for one month only. May pera naman kayo at sa mga susunod na buwan ay puwede na kayong mag–rent ng apartment. I will let the two of you stay in my house but in just a month."

"What? Isang buwan? Are you kidding me, Alora?" naiinis na tanong nito sa akin. "Hindi puwede iyon... hindi puwede."

My brows furrowed. "What do you mean na hindi puwede? Nasa vacation lang naman kayo, right?"

Umiwas ng tingin si Tita Shane sa akin, at pinaglalaruan nito ang kaniyang kamay.

"Tita, answer me? You're here in the Philippines for vacation right?" I asked again.

"Yeah. Fine! Isang buwan." Pagsang-ayon nito sa sinabi ko.

I nodded my head then asked. "Where's Natalia?"

"She's outside."

"Ihahatid ko kayo sa bahay at para na rin makapag-usap din kayo ni Mommy," ani ko. Tumango lang si Tita sa akin bilang sagot.

Kahit gaano kasama si Tita Shane noon ay hindi ko pa rin sila— siya kayang pabayaan. Alam kong magbabago sila at darating din ang panahon na magpapatawad ako sa ginawa ni Tita sa amin ni Mommy noon.





SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️Where stories live. Discover now