Chapter 14

518 18 5
                                    

Chapter 14

Pagkapasok ko sa loob ng coffee shop ay mukha agad ni Zyair ang sumalubong sa akin. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. What is he doing here? Wala ba itong trabaho kaya ang aga niyang pumunta rito sa shop?

Nilibot ko ang aking mata sa apat na sulok ng Blend and Sweetness Cafe para hanapin si Natalia. Kapag nakita niyang kasama ko si Zyair ay tiyak maiinis na naman iyon at kakausapin na naman ako mamayang gabi.

Dahil mabait naman akong pinsan, minsan. Ipaparaya ko na si Zyair sa kaniya. Hindi na ako makipagkompetensiya pa. I don't need to do that because I can get whatever I want. I can buy my happiness though?

I can be happy without someone in my life.

"What are you doing here? Wala ka bang trabaho?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Ang kaninang malaking ngiti na nakakurba sa kaniyang labi ay biglang naglaho. Umiba bigla ang timpla ng mukha niya at para na ring lumamig ang presensiya ng  kaniyang katawan.

"Are you avoiding me, Alora?" he confronted me.

"Ha? Hindi ah." I denied. "Bakit mo naman nasabi na iniiwasan kita?"

Nilibot ko ang aking paningin dito sa loob ng Blend and Sweetness Cafe. Wala pa namang customer dito sa loob dahil maaga pa. Umupo ako sa isang bakanteng table at tinatawag si Chloe.

"Chloe."

"Yes, Miss Alora?" she asked me.

"My coffee, the usual coffee."

Chloe just nooded her head before left us alone. I scanned Zyair face and his still looking at me— at my eyes. His brows furrowed as his forehead creast.

He tightened his jaw. "Are you avoiding me, Alora?"

Halos manlaki ang mata ko sa kaniyang tinanong. Pero agad din naman akong nakabawi mula sa pagkagulat. Umiling ako. "Hindi. Bakit ko naman gagawin iyon?"

"But why I do I feel that you were avoiding me?" tanong nito sa akin na may bahid na  pagdududa.

"How can you say that? Paano naman kita iiwasan? At saka bakit ko naman gagawin iyon?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. "Wala ka namang virus para iwasan ko..."



He tilted his head and stared me more. He shrugged his shoulder. "I don't know. Maybe you want me gone... you want me to date your cousin. Maybe you don't like me..."

Napatahimik ako sa sinabi niya. Tama naman kasi siya na tinitulak ko siya papalayo at gusto kong mag-date sila ng pinsan ko. I am doing this for everyone's sake. For his sake and for Natalia's sake.



Maybe, you don't like me...





Of course, I do. I like him. I really do like him but I can't show my feelings. Hindi ko puwede ipakita sa kaniya ang pagkagusto dahil nga ayaw ko siyang umasa sa akin, ayaw ko siyang masaktan dahil hindi pa ako handa pumasok sa isang relasiyon.

"Let's not talk about that topic. By the way, kamusta na iyong coffee shop?" Pag-i-iba ko ng topiko. Huminga ko ng malalim bago umiwas ng tingin.

"Here is your coffee, Miss Alora."

I just nodded.

"Malapit ng matapos. Siguro tatlong buwan mula ngayon ay matatapos na at makapagbukas ka na ulit ng bagong branch."

"Good to hear that then," I said while nooding my head ups and down.

"Yeah right."

Sumandal siya sa upuan at marahan akong tinignan sa mata. Sinusuri niya ako sa mapanuri niyang mata. Hindi ako komportable sa mga titig niya kaya umiwas ako ng tingin at tumikhim.

SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️Where stories live. Discover now