Chapter 23

461 14 3
                                    

Chapter 23

I'm so happy that I choose him over someone. I might hurt them but I need to choose my own happiness right now. Hindi ko iisipin iyong mga taong nakapaligid sa akin. It's time to be happy, and it's time to risk again.

"Salamat naman at pinili mo na iyang sarili mong kasiyahan," usal ni Patricia bago ito umupo sa aking harapan.

"But what about them?" I asked her.

"Girl, it's not your obligation to explain. Let them be mad at you, hayaan mo siya—silang masaktan, because at the end of the day they will accept it wether they like it or not. In the first place, sinabi mo naman kay Trey iyong tunay mong nararamdaman."

Napatahimik ako sa sinabi ni Patricia. Yes, sinabi ko naman kay Trey iyong tunay kong feelings sa kaniya. Hindi ko alam kung masusuklian ko ang nararamdaman niya sa akin.

He already know that I like someone else and I can't promise that I will like him back.

"Ma'am hindi nga po kayo pwudeng pumasok." Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Mara na may kausap, nagtatalo.

"Ano iyon?" Patricia asked me.

Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa labas.

"No! I need to talk that girl. She's a relationship wrecker!"

Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang tinig ni Natalia, galit na galit ito. Alam ko na kung anong sadya niya sa akin.

"Ma'am, hindi po talaga puwede."Giit ni Mara. I close my eyes shut and slowly shook my head. "Miss Alora is busy, don't disturb her. If you want to talk to her, set an appointment or pay a visit to her house."

"Maalam ka pa talaga sa akin 'no?!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko nang mapatayo nang biglang tumaas ng tinig  ni Natalia. Nagmartsa ako patungo sa pintuan at agad na binuksan ito. Ang eksenang tumambad sa akin ay nakayuko si Mara habang si Natalia ay nakataas ang kamay na akmang sasampalin iyong sekretarya ko.

Nag-init ang ulo ko sa eksenang aking nakita. "Try to slap Mara, and I'll wrecked your hands."

Nagbabaga sa galit na humarap sa akin si Natalia. She was fierce but I don't care. Kung galit siya dahil inagaw ko si Zyair sa kaniya, puwes ako galit dahil sinasaktan niya ang taong malapit sa akin, ang mga taong iniingatan ko.

"Ikaw pa ngayon ay may ganang magbanta? You have the guts to be mad at me?" Nakataas ang kilay niyang tanong sa akin at may himig na panunukso ang kaniyang boses.

I let out a heavy sigh.

"Come to my office." Agad akong tumalikod sa kaniya at pumasok na sa loob ng aking opisina. I sat down into the swivel chair and put my arms on the desk. I was looking at her without any emotion in my face.

"What do you need?" Tanong ko kaagad ng makaupo ito sa couch na andito sa loob ng opisina ko.

"Layuan mo si Zyair..."

I raised my brows on her. "Why would I? Bakit ko naman gagawin ang sinasabi mo? Give a valid reason para layuan ko siya." Paghahamon ko sa kaniya, pero kahit anong rason ang ibigay niya ay hindi ko lalayuan si Zyair, hindi ko ito itutulak papalayo sa akin.

Nadala na ako at minsan na ring nasaktan sa sariling desisyon. This time, I won't Zyair down. Hindi ko siya itutulak at hindi ko siya lalayuan.

"Zyair is mine, stay away from him. He's mine!" She greeted her teeth.

My jaw tightened while looking at her, directly into her eyes. "He's not yours, Natalia. Hindi mo ba matanggap na alam na ni Zyair ang totoo? In the first place, hindi mo naman talaga siya mahal dahil ang mahal mo lang naman ay iyong pera niya... iyong pera ng pamilya niya."

"Shut up! That's not true!" She shouted. "Mahal ko si Zyair..."

"Mahal mo nga ba talaga? Kung mahal mo, bakit mo siya ginagamit? Bakit mo ipinagpipilitan ang sarili mo sa kaniya? Bakit hindi mo siya hayaan na maging masaya sa taong mahal niya?" sunod-sunod na tanong ko. "That's not love, Nat. Hindi pagmamahal iyan dahil selfish ka. Hindi ka marunong magparaya, madamot ka at spoiled brat."

"Shut up! You know nothing, Alora. Don't judge me because you don't know everything. Wala kang alam kaya manahimik ka!" Napatakip ito ng mukha niya gamit ang dalawang kamay at maya-maya ay narinig ko na lang ang kaniyang mga hikbi.

"Natalia..." Sinubukan kong hawakan niga ngunit agad niya ring winaksi ang mga kamay ko. I let out a deep sigh. "I'm sorry!"

Bakit humihingi ako ng tawad sa kaniya? Bakit ganito ang nararamdaman ko? My conscience is slowly eating me and I don't like it. Guilt and empathy.

Mahina akong umiling. "Natalia, umalis ka na lang. Hindi na magbabago ang isip ko. Hindi ko lalayuan si Zyair dahil mahal ko siya at mahal niya rin ako."

Bumaba ang tingin niya sa akin. Isang mapaklang ngiti ang namuo sa kaniyang labi. "Ang pagmamahal na iyan ay makakasakit sa karamihan. Lalong-lalo na sa magiging anak namin ni Zyair."

My eyes widened and my lips partly swung open. No! This can't be! Natalia is pregnant and the Father was Zyair. No! No! Baka namali lang ako ng dinig baka guni-guni ko lang iyon.

"You what?!"

Kailangan kong marinig ulit iyon. Loud and clear.

"I'm pregnant and he was the father."

Marahan akong umiling. "No! You're lying. Hindi totoo iyan, Nat. Umalis ka na lang dahil hindi ako maniniwala sa mga kasinungalingan mo."

Ayaw kong maniwala dahil hindi naman ito totoo. Lahat ng sinabi niya at puro pag-iimbento. She already lied to me, not once but twice. How can I believe her? If she has a history of lying to me? Nadala na ako sa pagsisinungaling niya.

But what if, she's telling the truth? What if, she's pregnant? Paano kung totoo talaga siyang buntis? Matatanggap ko ba? Makakaya ba ng konsensiya ko na maging masaya kay Zyair habang iyong magiging anak nila ni Natalia ay lalaking walang ama? Pero paano nga kung hindi totoo? Edi masasaktan na naman ako.

I let out  a deep sigh. Isa lang ang paraan para malaman ang totoo, sasamahan ko siya para magpatingin sa doctor. After all a pregnancy results can be faked.

Tumayo na ako at naglakad palabas ng opisina ko dala-dala iyong bag ko. Hahabulin ko si Natalia at aalamin ko ang totoo kung buntis nga ba siya o hindi.

Kung buntis siya, kaya ko bang magparaya ulit? Kaya ko bang tanggapin ang lahat? Kaya ko bang lumayo ulit? Kaya ko bang maging masaya? Maybe, yes, and no is the answer. I don't know if I can let him go again...

SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️Where stories live. Discover now