"Ang daya mo! Iniwan mo lang ako dun. Para kayang bulkang sasabog ang Kuya mo that time." I pouted.

"Stop pouting! Ang daya sayo bagay tapos sakin hindi!" sabi niya pa. "Umalis ka naman agad nung nakaalis ako?"

"Ilang minuto lang nung umalis ka e pinalayas na rin ako HAHAHAHA just kidding. May inabot lang na folder sa akin." Nagtatawanan lang kami pareho.

"Noong nagkita tayo nung nakaraan hindi tayo masyadong na kapag kwentuhan." sabi pa niya." sabi pa niya.

"Wow! Lola, come here! Tito Kiel's girlfriend visited!" parehas pa kaming nagulat ng may sumigaw na batang babae.

"What?! Omg! I'm going."

"Hey! Stop it, Mika. She's not my girlfriend." sabi naman ni Kiel. Hinatak nito yung Mika at tinakpan yung bibig nagpupumiglas naman yung babae at nagsisisigaw.

"Oh my god!" napalingon naman ako sa gawi nung sumigaw. 50-60 years old na siguro 'to? "For the first time Kiel!" with matching takip pa sa bibig niya.

"Daddy! Kelleon! Come here!" sigaw pa niya. Ako naman hindi ko alam ang gagawin ko.

'Mukha ba akong girlfriend ng mga tao dito?' tanong ko sa sarili ko.

"What is it?!" aligaga namang lumapit ang isang lalaki palagay ko ito ang asawa niya. Napalingon naman siya sa gawi ko. "Wow! She's so beautiful son!" isang malaking ngiti ang binigay niya sa akin.

Jusko! Palangiti naman masyado ang mga taong nakatira dito.

"N-nako -" someone cutted me off. Lagi na lang may pumuputol sa mga sinasabi ko.

"What's happening here?" seryoso na namang sabi nitong boss ko.

"Kelleon my son, look! Kiel's girlfriend is
here." proud pa na sabi nung Mama ni Kiel.

I took a deep sigh. "Kiel's what?!" nakataas kilay na tanong ulit nito. "Girlfriend." sabi naman ng Daddy niya.

Ito namang si Kiel hindi nagsasalita. Ang laki pa nga ng ngisi habang nakatingin sa Kuya niya.

"She's mine." sabi nitong Amo ko.

Napaawang naman ang bibig naming lahat. "N-nako po! H-" putol na naman. May sisingit pa ba? Parang nakakahiya naman magsalita.

"Oops! She's not yours." mas lalo pang lumaki ang pagngisi nitong isa.

"She's mine." pagdidiin pa niya. "I'm her boss." may halong authority ang pagkakasabi niya.

"You were just her boss, Kuya. But not her man." pang-aasar pa ni Kiel.

Nagwalk-out naman yung amo ko. "S-sorry po, hindi ko po boyfriend si Kiel. Si Sir Kelleon naman po ay A-amo ko lang." pagpapaliwanag ko.

"Prim, come with me!" rinig ko pang sigaw niya. I looked at his parents, they looked unhappy. "Ano ba?!" sigaw pa niya.

Jusko ang bilis na naman ng tibok nitong puso ko. Napatingin naman ako ng masama kay Kiel na ngayon ay tatawa-tawa na. 

I bit my lower lips at sumenyas na patay siya sa akin. Humahagalpak na siya sa pagtawa bago magpeace sign.

"Sasama ka ba sa akin or hindi?!" sigaw pa nito. Hindi naman siguro natanggal lalamunan niya kakasigaw ano?

'At tsaka nagwalk out na 'to diba, bakit hinintay pa ako?' tanong ko.

''Use your common sense, Yza. Malamang amo mo yan." tanong ko sagot ko. "Pasensya na po!" paghingi ko ng paumanhin. "Mauuna na po ako."

"I'm coming, Sir!" sigaw ko din pabalik at naglakad na paalis nitong sala.

'Saan ba ako dadaan?' napapakamot ulo na lang akong bumalik kung saan ako umalis.
Ang saya sobra.

"Soon, Mommy. I promise." nakangiting saad ni Kiel sa harap ng Mama niya. Parang ang seryoso ng pinag-uusapan nila.

"Ah-eh hello po.  Itatanong ko lang po kung saan ang daan palabas? Hihi." nahihiya pa ako niyan.

"Samahan mo na, Kiel." sabi naman nung Daddy nila.

Agad namang tumayo at lumapit si Kiel sa akin. "Follow me." seryosong sabi niya. Nagpasalamat muna ako bago umalis samantalang itong inutusan na samahan ako ay nauna ng maglakad.

Tumakbo naman ako para mapalapit sa kaniya at binatukan siya. "Hmmdeserve!"

"What was that for?" nakakunot noong tanong niya.

"Siraulo ka, galit tuloy ang boss ko."

"Hindi galit yun... nagseselos lang." He chuckled.

"Sira! Tingnan mo nga hindi ako hinintay!"

"Kalmahan mo nga, makakasama mo din naman siya mamaya." pilit na ngiting sabi pa niya.

String AttachedWhere stories live. Discover now