26.

15 3 0
                                    

Closure.

Chantrea Maori's POV

"Grabe, nakakaproud si Kuya Ethan." Inangat naman ni Jay ang atensiyon sa'kin at kunot-noong nag taas ng kilay.

"Graduate na siya sa pagiging torpe." Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sofa at lumapit sa desk ni Jay.

Sobrang dami niya pang mga papel na kailangan pirmahan, hindi kaya nangangalay kamay niya diyan?

Isinirado ko ang isang folder at itinabi. Kinuha ko rin ang ballpen na nasa kamay niya at itinabi.

"What are you doing, Maori? I need to finished all of this." Akmang kukunin niya ulit ang mga folders nang hampasin ko ng very light ang kamay niya. "Ouch! What the hell is your problem?"

Ipinatong ko ang siko sa lamesa niya at nagpalumbaba. "Ikaw, kailan ka gragraduate sa pagiging torpe mo?" Diretsang tanong ko.

Natawa naman ako nang makita kong namula ang likod ng tainga nito at sabay nag iwas ng tingin. "Kailan pa ako naging torpe?"

I rolled my eyes. "Akala mo ba hindi ko alam?" Agad naman ako nitong nilingon at tila kinabahan sa sinabi ko.

"Junhwan is hitting on Eunsoo. Kaya kung isu-subsob mo lang ang sarili mo sa mga papel na'to." I tap the folders beside me. "Walang mangyayari sa lovelife mo pare."

He smiled. "Ang tanga mo talaga 'no?"

Tingnan mo'tong lalaking 'to, siya na nga 'tong inaadvice para sa lovelife niya ako pa 'tong natanga? Hustisya.

"Ikaw na nga 'tong inaadvice-an diyan, ako pa nilalait mo. Napakasama ng ugali mo." Pinag crossed arms ko ang dalawa kong kamay at inirapan siya.

Hindi ko na talaga 'to aadvice-an. Che!

"Nag lo-love advice ka diyan, eh maski ikaw walang love life." At doon napatayo ako nang wala sa oras.

Ay, aba below the belt na yon lods.

"Hindi ka sure."

He chuckled. "Mukhang nag kaayos na kayo ni Sunghoon ha."

Speaking of Hoon, hindi parin mawala sa isipan ko ang sinabi niya kanina. Hindi ko alam kung seryoso ba siya doon o gumagawa lang siya ng dahilan. At sa hindi ko naman matanggap na dahilan, tila nabuhayan ang loob ko. If Maddie isn't really his girlfriend then may pag asa parin kaya ako?

Kinurot ko naman ang braso ko.

Tanga. You hurt Hoon once, huwag mo ng gawing twice, Chantrea.

"You're spacing out again." Bumalik naman ako sa tuliro nang may palad na kumaway sa harapan ko. "I said, let's grab some lunch."

When I heard the word lunch, automatic na tumayo ako sa pagkakaupo.

"Sakto may nakita akong bagong bukas na barbeque-han sa malapit, mukhang masarap din chicken skin nila. Sagot mo na ha?"

"You're living too unhealthy Miss." Pang-asar nito.

"Ikaw rin naman, huwag kang mag malinis diyan pare." Kaagad ko itong inakbayan. "Ihaw-ihaw! lezzgo!"

Kapag usapang unhealthy lifestyle, tandem kami diyan ni Jay. Paano ba naman kasi, every morning Jay tends to drink cola first tapos when I suggested him to try isaw once, nagustuhan niya. Kaya yon, huwag naman sana kaming maaga kunin ano? Charot.

Tila-TalaWhere stories live. Discover now