8.

29 3 0
                                    

[ Little sister ]

Chantrea Maori's POV

Matapos kong mag half bath at mag skin care ay napagdesisyunan ko na humilata nalang sa higaan dahil wala rin namang binigay na masiyadong homeworks ngayon since first day palang namin sa school.

Grabe, hindi ako makapaniwala na nakapag aral ako sa sobrang laking school na yon. Sobrang ganda at sobrang gagaling din magturo ng mga professor. At dahil nga International School, marami akong nakitang iba't ibang lahi.

Hindi rin naman ako nahirapang makisabayan dahil forte ko ang socializing with others. In fact, may nakilala na nga ako. Her name is Fritzi, she's an Australian-Korean.

Nakakatuwa talaga...

Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa drawer na katabi ko.

Nag open ako ng Facebook. It's been a while since I opened this one. Tambay kasi ako lagi sa Twitter at kapag nag vivideo call naman kami nila Mama ay Messenger gamit ko kaya sinasapot na'tong Facebook ko.

As usual, laman ng newsfeed ko is all about Enhypen.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Parang dati lang sa tuwing nag oopen ako ng Facebook account dumidiretso ako sa mga spazzers o kaya fan pages ng Enhypen para makisagap ng balita. Scroll lang ako ng scroll sa Facebook hanggang sa makita ko ang shared post ni Nayah. 

"Let's keep our promises." tagged Jayden Klein.

Jayden Klein Sim?

Who the heck is that?

Wait...

Oh, that self-proclaimed campus crush? Lol. He has the looks naman, he's also rich and intelligent not to mention that he is a Medical student but I don't like his vibes, I just don't know why. Mukhang hindi gagawa ng maganda.

Sila ni Nayah? Bakit wala akong kaalam-alam? Ni hindi man lang sinabi sa'kin ni Nayah? Kaagad naman akong nag tipa ng message kay Nayah. Kailangan kong sermunan itong babaeng ito. Alam niyang hindi ko bet aura niyang si Jayden.

He's a fucking playboy!

Chantrea Maori Orehuella :

"Hoy Zaynayah Leigh Mendez, care to explain this?"

Sinend ko ang screenshot ng shared post niya kung saan tinag niya pa si Jayden.

Zaynayah Leigh Mendez :

"My friennnndddd! I miss you sm. How are you?"

Aba, iniiba pa nito ang usapan.

Chantrea Maori Orehuella

"Didn't I told you before na huwag kang lalapit-lapit diyan kay Jayden. Jusko indzai, record holder yan sa pagiging playboy."

Bawat araw nga ata may jowa siya---No scratch it, bawat oras kamo. Andami niya ng babaeng napaiyak, pano pag sunod na target niyang paiyakin si Zaynayah? Aba.

Zaynayah Leigh Mendez:

"Hindi mo pa siya lumubusang kilala, Mao." 

What? Bale, pinagtatanggol niya na ngayon yung lalaking yun? Tuluyan na ba siyang nalason ng lalaking 'yon. 

Kung sabagay, may point naman siya. I don't know him that well, ni isang taon ko nga lang iyon naabutan sa campus. Nakabase lang ako sa mga naririnig ko tungkol sakaniya. Sobrang sama na ba ng ugali ko?

Tila-TalaWhere stories live. Discover now