2.

33 2 0
                                    

[ Twitter Moots ]

 •

Chantrea Maori's POV

"You're one of the lucky students so come and join our meeting." Ang mga pangyayari sa araw na'to ay isa sa pinakamasaya at hinding-hindi ko malilimutan na nangyari sa buhay.

Abot langit ang ngiti kong pumasok sa loob ng Dean's office. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay agad namang tumayo ang sampung estudyante at nagbigay galang kay Mr. Park

Kung kanina ay si Mrs. Claveria, Ms. Martinez at ako lang ang naririto ay nadagdagan kami. Bukod sa sampung estduyante may isang eleganteng babae na sa tingin ko ay halos kasing edaran lang ni Mr. Park at siya'y si Mrs. Naval, ang may-ari ng school na kinatatayuan ko ngayon.

"It's been a while, Josefina." Nakangiting tugon ni Mr. Park bago umupo sa sofa sa harapan ni Mrs. Naval.

"Did you enjoy your campus tour?" Tanong ni Mrs. Naval at tumingin sa'akin. Ngumiti ako rito at bahagyang yumuko upang magbigay galang.

"Yes, I did. I very enjoy the tour, thanks to Ms. Orehuella." Tumingin ito sakin at ngumiti rin naman ako.

"It's a pleasure to me po."

"So this our the ten lucky students.. Magandang umaga sa'inyo." Bumati naman pabalik ang mga estudyante.

Grabe, sobrang napaka down-to-earth talaga ni Mr. Park. Mukhang madalas din ang pagpunta niya dito sa Pilipinas dahil mapapansin sa pagtatagalog niya na sanay na rin siya.

Paampon kaya ako dito? charot.

"I would also like to offer, Ms. Orehuella a scholarship to give her a chance to study in Korea." Diretsang saad ni Mr. Park, nahiya naman ako rito.

"Honestly, nagulat din ako na hindi nakasama si Ms. Orehuella sa ten lucky students kaya masaya ako na binigyan mo siya nang pagkakataon, James." James? Taray talaga. James Park?

Bakit parang familiar yung name?

Saan ko ba narinig yon?

Ipinilig ko ang ulo ko at hininto na ang pag iisip. Ang mahalaga dito, nabigyan ako chance diba? Sobrang laking pasasalamat ko sakanila.

Natotouch tuloy ako.

"Alright. Students, go to the Register's office and signed the papers for your scholar."

"Maraming Salamat po." Sabay -sabay na saad namin at bago tuluyang lumabas ng Dean's office.

Mukhang mag chichismisan muna sila founder at Mr. Park, when kaya magkakaroon ng ganong friendship?

"Mao!" Kaagad akong inakbayan ni ate Heidilyn pagkalabas na pagkalabas namin ni Registar Office. Isa siya sa mga estudyante na nabigyan ng pagkakataon mag aral abroad.

She is also a K-Pop fan, one year ahead din siya sakin. Nag kasama kami sa isang seminar at naging madali naman samin na maging close kasi we're both a KPOP stan.

"Ate Heidilyn, congrats po!" Masiglang bati ko rito.

"Congrats rin. Nagulat din talaga ako na hindi ka nakasama sa listahan pero buti nalang nagustuhan ni Mr. Park pag totour mo." Napangamot ako sa batok ko dahil medyo nahihiya pa'ako.

"Oo nga po eh, medyo unexpected talaga."

"Masaya talaga ako para sa'yo!"

"Heidi, hanap ka na ni Prof." Tawag sakaniya ng kaklase niya.

Tila-TalaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz